"I love you, Xaniah. Until death set us apart." Malambing na sabi ni Ziyal habang bakas pa rin ang pawis mula sa pagniniig namin. I smiled sweetly when he caressed my face, at marahang inayos ang buhok ko na tumatakip sa mukha ko.
"I love you too, Ziyal." Matapos magsalita ay marahan kong nakagat ang labi ko nang muli niyang binaon ang pagkalalaki niya sa akin. Saglit kong pinikit ang mga mata ko upang damhin ang sarap at saya sa mga oras na 'yon, ngunit unti-unting naging marahas ang mga galaw niya.
"Ziyal, nasasaktan ako." Reklamo ko nang sinasabunutan niya na ako habang malalakas at mararahas na bayo ang kanyang ginagawa. Tuluyang tumulo ang luha ko nang dumampi sa pisngi ko ang isang malakas na sampal na tila nayanig ang mundo ko. What in the hell is happening?
"Bakit mo ako iniwan? Bakit hindi ka nagpaalam? Bakit mo ako niloko, Xaniah? Sabi mo mahal mo ako pero umalis ka! You fcking killed me! I'll seek revenge for your dirty deeds! You evil btch! You don't deserve peace!" Galit niyang sigaw habang nanlilisik ang mga mata dahilan upang mas bumuhos pa ang mga luha ko.
Sa isang iglap ay dumami ang mga tao sa kwarto, at lahat sila ay masamang nakatingin sa akin. Pinagmasdan ko ang paligid, at nakita ko ang larawan ni Ziyal na nakapatong sa isang mesa na may mga katabing kandila. Sa harapan nito ay may isang garapon, at nang buksan ko 'yon ay agad naglabasan ang maiingay at hindi maintindihang sigaw.
Sa takot ay naibagsak ko ang garapong babasagin dahilan upang magkalat ang abo at mga piraso ng bubog sa sahig. Halo-halong emosyon ang bumalot sa akin, at ramdam ko ang pagtagaktak ng pawis ko. Nakuha ang atensyon ko nang isang malakas na sampal, at nang tignan ko kung sino 'yon ay agad kong namukhaan, siya ang mama ni Ziyal.
"Hanggang kama ka lang 'ata dapat, Miss Marcon! Kung ganyan lang sana ay buhay pa ang anak ko! Rot in hell!" Galit nitong sigaw na nagdulot upang magdilim ang paligid. I was in total pain and horror when a pathway of candle lit up on my path. This time, I hesitated kung susundan ko ba 'to o baka isa na naman 'tong parusa.
"Bakit hindi ka makatuloy?"
"Natatakot ka sa mga nagawa mo?"
"A demoness afraid of hell?"
"Revenge, that's what you should get!"
"Die! Die! Die!"
Mga sigaw ng iba't ibang nakakatakot na boses na sinasabayan ng mga makapanindig-balahibong tawa. Hindi ko alam kung ano pa ang dapat kong maramdaman, lungkot, pait, sakit, kaba, o takot.
"Gising, Liah! Gising!" Dinig kong tawag ng isang pamilyar na boses, at nang matunton ko ang pinanggagalingan nito ay sinundan ko 'yon. Habang palapit ng palapit ay naaaninag ko ang isang pinto ngunit dapat ba akong pumasok? Paano kung panibagong sakit na naman ang dumating? Mas mabuti 'atang mapag-iwan na lang ako sa dilim dahil ito naman 'ata ang deserve ko. I closed my eyes when silence filled the darkness.
"Liah! Gumising ka na, Liah! Lumaban ka! Nandito pa kami, mahal ka namin! Nand'yan naman si Nico! Please, nandito naman ako, ang tita mo! Wala kang kasalanan!" Muli nitong sigaw, at nang imulat ko ang mga mata ko ay habol ang hininga kong niyakap ang tita ko. Lumakas ang mga hagulgol ko at pag-agos ng luha nang yakapin niya ako pabalik.
"Binabangungot ka na naman. Bakit ba kasi ayaw mo pang palayain ang sarili mo? Buong bakasyon ay lagi na lang ganito, at nag-aalala na rin si Nico sa'yo! Sinabi niya na baka dahil 'yon sa nasabi niya noon nang dalawin ka niya rito. Ngayon, naghihintay na naman siya sa labas para ayain ka makipag-date. Bakit ba kasi ayaw mong subukan si Nico? Free yourself, Liah." Tuloy-tuloy na sabi ni tita, at halata ang pag-aalala sa boses nito kaya mas lalo lamang akong naiyak.
I must admit na dahil nga 'yon sa nasabi ni Nico noong isang buwan. Yet, wala naman siyang kasalanan dahil hindi pa nila alam kung ano ang meron noong mga panahon na 'yon. Ang alam nga lang ni tita ay napagod lang ako sa Maynila kaya umiiyak ako noon at halos hindi na makausap.
I just can't blame anyone but myself dahil ako naman talaga ang dahilan. At 'yon ang nagkukulong sa'kin sa nakaraan. I just can't escape it lalo't muli na naman ako nitong binabangungot. Hindi ko maalis sa isip ko na ako ang dahilan kung bakit namatay si Ziyal! On his last moments, 'yong pagmamahal niya pa rin sa'kin ang dahilan!
I was too afraid to fight and continue what's in between us. Now, it keeps on haunting me na paano kaya kung pinaglaban ko? Paano kung hindi ako natakot sa mga pwedeng mangyari noon? Bakit nga ba kasi hindi na lang ako lumaban?
I deserve all of this pain, nightmares, and shts! Ito na ang ganti sa akin ng kalikasan. Ito na ang ganti nang isang kaluluwa't pagmamahal na hindi ipinaglaban. I don't believe too much on spirits but this time, naniniwala akong si Ziyal ang may gawa nito. O kung hindi man siya'y may taong nagpapatulong sa mga espiritista o mangkukulam para ganituhin ako!
I know, it sounds so crazy pero ano pa ba ang tawag sa nangyayari sa'kin? How can I free myself? Paano nga ba mapalaya ang sarili sa isang bagay na alam mong ikaw ang dahilan kung bakit nangyari?
"Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Nico nang pumasok 'to sa kwarto ko. Pinapayagan naman siya ni tita dahil kakilala naman ni tita ang pamilya ni Nico. He's really a good man pero hindi ko alam kung bakit hindi ko siya mapagbigyan. Maybe now's the right time para simulan ko ang pagpapalaya sa sarili ko.
"Ayos na ako, Nico. Salamat sa pagpunta, I really appreciate your efforts." May idudugtong pa sana ako pero nagsalita agad si Nico.
"Oh, 'di mo naman kailangang ipamukha ulit na ire-reject mo ako." Natatawa nitong sabi kaya natawa na rin ako ng malakas. Somehow, I felt relieved from that nightmare. Ilang beses ko na rin kasi siyang sinasabihan ng ganon pero may kasunod na rejection, and I really admire him dahil hindi talaga siya sumusuko.
"You deserve a chance, Nico. 'Yon ang sasabihin ko, pero nagbago na isip ko kasi pinangunahan mo." Pabiro ng sabi ko dahilan para manlaki ang mga mata niya, at ilang segundo bago siya tuluyang nakapagsalita.
"Liah, 'wag mo na lang pansinin ang sinabi ko kanina. Take two!" Halata pa rin ang bigla sa mukha nito kaya agad akong umalis sa harapan niya, at mabilis na lumabas ng kwarto. Nang ramdam kong malapit na siya ay agad kong bilisan ang lakad hanggang sa naghahabulan na kami, at paulit-ulit niyang sinisigaw na take two raw. This man, bakit ngayon ko lang 'to napapansin? Bakit kailangan pang umabot sa ganoong kalalang bangungot?
Mapapalaya ko na nga ba ang sarili ko?

BINABASA MO ANG
Unfated Hearts
General FictionEngineer Girls Series #3 | Completed A story of Engineer Louelle Xaniah Marcon. Date Started: January 2020 Date Ended: March 2020