Kabanata 23

348 13 0
                                    

"Pupunta ka ba talaga? Bigla ko lang kasing naisip, baka siya pala 'yong umano sa'yo." Halata ang pag-aalala sa boses ni Nico, at agad akong tumango bilang sagot. Ayoko namang talakayin sa harap ng pagkain kaya hindi na ako nagdagdag pa ng mga rason ko.

Pakiramdam ko kasi ay ang lalaking 'yon ang makakasagot ng mga katanungan ko. I want to know kung saan niya ba ako natagpuan. Baka naman mamaya ay tutulungan niya pala akong kasuhan si Marco dahil isa siya sa mga witness. Ang dami ko na ring naging problema, ngayon pa ba ako aatras sa ganitong oportunidad?

"Baka naman nabibigla ka lang, Liah. Baka mamaya ay may masama pala 'yang balak sa'yo? Baka kunwari ay siya ang nagligtas pero siya pala ang gumalaw? Kasi wala talaga akong maramdaman na nangyari sa'kin, bukod sa bago tayo dalhin papunta sa mga kwarto." Nag-aalala ring sabi ni Joyce kaya ngumiti ako bilang hudyat na ayos lang ako.

"I don't want to talk about this kasi kumakain pa tayo, pero sige, sasabihin ko na." I paused for a while para tignan ang magiging reaksyon nila, at pare-parehas nila akong tinignan na animo'y isang hudyat na magpatuloy ako.

"I happened to exchange messages with that number. Kaya sigurado akong kilala niya talaga ako, at kilala niya rin si Nico. That man might be someone we know, pero nagtatago lang ng identity. Gusto ko lang din sana siyang pasalamatan." I spilled dahilan para mas maging interesado pa sila sa paksa.

"Paano kung siya nga 'yong gumalaw sa'yo?" Tanong ng asawa ni Nico na naging kaibigan ko na rin. We happened to meet tuwing binibisita ko ang anak nila.

"Well, kakamuhian ko pa rin siya dahil rape pa rin 'yong matuturing. Yet, I'll also be thankful kung sakaling naligtas niya nga ako't siya lang ang gumalaw sa'kin. I mean, at least hindi 'yong maraming lalaki ang bumastos sa katawan ko. I won't also close the possibility na baka mag-sorry siya, o 'di kaya'y gumawa ng paraan para makabawi sa kasalanan niya." Walang pagdadalawang-isip na sabi ko, at hindi ko alam kung bakit parang ang gaang ng loob ko sa lalaking 'yon.

Siguro'y naging sandigan ko kasi na baka naligtas niya ako sa maraming lalaki na sana'y gagalaw sa'kin. Siguro'y natuwa ako dahil may posibilidad na nasagip niya ako sa kamay ng walang hiya na Marco na 'yon. Dad was actually right, mabuti na lang ay naniwala ako kaya lumayo ako nang tuluyan sa lalaki ni mommy.

I was drunk so bad last night, and I'm sure na may posibilidad na nagising ako after akong patulugin. I'm just too drunk to remember, at baka ako ang nag-initiate kaya siya natuksong pumatol. Maybe, he saved me at nagpasalamat ako, tapos nangyari na ang bagay na 'yon. Just like how it happened years ago between me and Ziyal, ang pinagkaiba lang siguro ay mas lasing ako sa pagkakataong 'to.

Damn, why am I even justifying a man na baka siya palang naging rapist ko?

"Nababaliw ka na 'ata, Liah! What in the hell are you talking about?" Galit na sabi ni Nico na bumasag sa katahimikang nabuo nang sinabi ko.

"Hindi ko na rin alam, Nico." Walang gano kong sagot, at alam kong hindi naman sila maniniwala. Padabog na tumayo si Nico, at sa pagkakataon na 'to ko lang siya nakitang tignan ako ng mga mapanghusgang mata.

"Were you really raped? Just tell us, hindi naman kami magagalit kung hinayaan mo lang ang lalaking 'yon. I don't know, hindi ko na rin alam kung ginagawaan mo na lang ba kami ng kwento. You're not the Liah who I used to know!" Marahas niyang hinampas ang mesa, at kita sa mga nanlilisik niyang mata ang iba't ibang emosyon ngunit nangibabaw roon ang galit.

Ang sakit pala kapag kaibigan mo mismo ang humuhusga sa'yo, at hindi ko alam kung bakit hindi ko kayang magdepensa. I was literally out of my mind, and even if they get mad, I still want to meet that man. My reasons earlier won't change anymore, at kahit masakit ay kakayanin kong tiisin ang mga panghuhusga nila.

Ayokong umiyak ngunit traydor talaga ang mata ko, at kusang tumulo ang mga luha na pinigilan ko. Napayuko na lang ako, at hahayaan ko na lang sila sa mga gusto nilang iparatang sa'kin. Ganito naman na noon pa 'di ba? Bakit ba hindi pa ako nasanay na hinuhusgahan ako ng iba?

"Aalis na ako, pasensya na kung nakakagulo lang ako sa inyo. Joyce, kita na lang tayo sa trabaho, at sana 'wag mo akong husgahan sa mata ng mga ka-opisina natin. Don't worry, alam kong kayong tatlo ay pare-parehas nang ihuhusga sa'kin. It's fine, kaibigan pa rin ang turing ko sa inyo." Matapang kong sabi, at mabilis na lumayo sa kanila. I don't need to explain anything, bahala sila kung ano pa ang mga ihuhusga nila.

Hindi na ako lumingon pa kung may sumunod, at nang makarating sa may pinto ay kumuha na lang ako ng tsinelas na mukhang kasya sa'kin. Ibabalik ko na lang sa susunod, at mabuti na lang ay malapit ang mall sa subdivision na 'to.

Isa pa 'yon sa nagtulak sa'kin na maniwala sa lalaking 'yon. Alam niya kung anong mall ang malapit sa subdivision ni Nico, at ang mas matindi ay alam niya kung sa ang subdivision ni Nico. I know, dapat ay magtaka na ako pero hindi ko talata maipaliwanag kung bakir naglakaganito kao ngayon. It's as if some unseen force is pushing me to do this.

Habang naglalakad papunta sa mall ay tila ba may sumusunod sa'kin. Sa kaba ay patakbo na akong nagtungo roon, at nang makarating sa tapat ng mall ay sobrang bilis ng paghinga ko. Pakiramdam ko'y hihimatayin na ako sa pagod pero mas lalo akong kinabahan nang mapansin ang kotse na siyang tila sumusunod sa'kin.

I froze nang bumukas ang pintuan nito, at hindi na ako makatakbo pa dahil ang sakit na ng mga paa ko. I won't die here, right? Marami namang tao, at kung pakulo na naman 'to ng stepdad ko, mas pipiliin ko na lang din palang mamatay. Nang lumabas ang lalaki ay mas lalo akonh nanigas sa kinatatayuan ko.

"At sa wakas ay nagkita rin tayo." The familiarity of his voice sent shivers down my spine. It's like I used to know his voice but I can't recognize him properly. He's wearing a sunglass matched with a face mask.

"Who are you?" Takang-tanong ko, at napaatras ako ng ilang hakbang sa takot at kaba nang unti-unti siyang lumapit sa'kin. Ngunit hindi ako nagtagumpay na mapaglayo ang distansya namin dahil agad niyang napaglapit ang distansya namin.

"Ang sabi ko ay four pm pa tayo nagmi-meet, pero mukhang napaaga ka." Mapanuya nitong sabi, at doon ko tuluyang nakilala kung sino ang lalaking kaharap ko ngayon. Ang estranghero na tinawag kong manyak na scammer.

Unfated HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon