Kabanata 20

369 15 0
                                    

"Kumusta naman ang dalawang baby ko?" A warm voice spoke within the dark room in front of me. I want to go inside, I want to know what's inside but something's stopping me.

"Pinabayaan ako ni mommy! Pinabayan niya ako! Pinabayaan akong mamatay!" An innocent voice that slowly turned into a horrifying demonic voice growled in anger. Until blood dripped from the entrance, slowly flowing until it reached my feet.

Right there and then, I feel pained, and all of my miseries run through my system. I slowly felt the flow of hot tears coming from my eyes as I looked down on my knees. Blood dripped from my femininity as the house in front burns, and as the black smoke spreads through the air, the voice of anger, revenge, agony, hate, disgust, and some unidentified feelings screamed.

"Bakit mo ako kinalimutan, mommy? Do you hate me?" An innocent warm voice spoke inside my mind.

"My father's alive."

Pawis na pawis akong nagising mula sa bangungot na 'yon, at marahas kong pinalis ang mga luhang lumalabas sa aking mga mata. I don't know if I should believe it, but it's as if it's a sign na buhay si Ziyal.

Kung sakali mang may himala, sisiguraduhin kong babawi ako para sa mga nasayang ko. I'll do everything para sa nawala naming anak, at sisiguraduhin kong makikita niya kaming masaya ng daddy niya. Yet, is it really possible?

"Ayos ka lang ba?" Bungad sa'kin ni Joyce, at sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot. Isang buong buwan akong muling ginugulo ng mga bangungot. This time, hindi lang ang pagkamatay ni Ziyal, pati na rin ang anak naming hindi ko naalagaan.

No doubt na naging mabait din sa'kin si Nico nang muli kaming magkita ngunit ramdam niyang may mali. He also keeps on asking me about what's happening on me. Baka siya raw ang rason kung bakit nagmumukha na naman akong problemado. On that point, hindi ko na rin alam ang isasagot ko lalo't sa loob ng isang buwan ay maraming nagpapaalala sa'kin ng mga nagawa kong mali.

Maybe, they want me to be with them. O kaya naman ay baka gusto nilang magbayad ako sa mga pagkakamali't kapabayaan ko.

"I'm fine." Masiglang ngiti ang ginawad ko sa kanya, at sa hindi mabilang na beses niya akong tinanong, lagi ko siyang napapaniwala. That's my talent when I was a demoness, act like nothing's happening inside my mind. Acting like I'm a strong and fierce demoness but I'm weak and dying inside.

Some say that the most scrumptious love gives the most painful experience. Yet, how can that love grow more if the lover is already gone? Should I follow him and our child? Pero paano kung pagdating ko sa kanila ay galit lang pala sila sa'kin?

"You don't really look well, Liah. Shot mamaya?" Nakasimangot na sabi ni Joyce nang lunch time na, at tango na lamang ang nasagot ko. I hate drinking alcoholic beverages since the last time I remembered drinking.

"Hanap ka na lang doon ng lalaki, maraming gwapo. No feelings attached na lamg para puro fun lang." Malanding sabi nito kaya mahina lang akong napabuga ng hangin.

"Gaga, hayaan mong madiligan ulit 'yan." Panunuya nito ngunit matalim ko lang siyang tinignan.

"Coming from you? Ikaw na allergic sa lalaki kapag solo niyo na ang moment." Ganting panunuta ko dahilan para mapanguso siya. Lagi namang ganyan ang kwento niya tapos ngayon sasabihan niya akong makipag-flirt.

"Duh, mas recent ang pagkakadilig ko kay ex. Ikaw kaya 'tong limang taong hindi na nadidiligan. Nagpadilig ka kaya mabubulok na 'yan kapag hindi nadiligan ulit." Natatawa nitong sabi kaya mahina na rin akong natawa. Somehow, they can make my feelings light, and I thank them for being there even if I'm not asking.

"Gaga, at least, hindi naman 'to magkakasapot." Biro ko dahilan para mas lumakas ang tawa niya.

"Gaga ka rin talaga minsan, girl. Hindi ka ba naiinggit kay Vivian?" Makahulugan itong nagtaas-baba ng kilay dahilan para mapiling-iling ako.

"Kung ipipilit mo na naman ang 'hot' nating boss, hindi ako papatol." May diin kong sabi, at mahina akong napadaing nang kurutin niya ang hita ko.

"Gaga, promise, magugulat ka kapag nakita mo na siya. Last year pa ang huling kita ko kay boss, at paano pa ngayon, 'di ba? Baka maglaway ka kapag nasilayan mo. Fresh from Canada pa 'yon!" Mahina akong natawa nang pasimple niyang kinagat ang pang-ibabang labi.

"Let's see, ako ang magjujudge sa boss natin. Kapag 'yan hindi nalagpasan si-" Pinutol niya ang sasabihin ko, at alam niya na sigurong si Ziyal ang sasabihin ko. It's not a secret naman na kay Joyce 'yong about kay Ziyal, except sa part na nakunan ako noon.

"Gaga ka, alam ko namang magiging biased opinion ka pagdating sa ex mo. Malay mo naman kasi, siya na ang daan para makalimot ka sa painful past mo." Irap na lamang ang naisagot ko sa sinabi niya. Well, may point naman siya since hanggang ngayon ay minumulto pa nga rin ako ng masalimuot kong nakaraan.

Last time I tried na mag-open sa iba, mas lalo ko lang napatunayan na kay Ziyal pa rin ang pagmamahal ko. I wasn't even thinking about my child that time, paano pa ngayong paulit-ulit na rin 'tong tumatakbo sa sistema ko?

"Alam mo, uminom na lang tayo mamayang gabi! Diretso na tayo agad, girl! Malay mo parehas tayong makahanap ng lalaki." Pabiro nitong sabi kaya sumang-ayon na lang ako. Nang matapos ang lunch ay muli kaming naging abala sa mga nakatambak na gawin sa team namin.

Isinantabi ko na lang muna ang mga personal na issues hanggang sa dumating na ang gabi, at magkakasiyahan na ang mga tao sa loob ng bar. Maingay na musika ang bumabalot sa kabuuan ng lugar, at marami na ring mga naglalandian sa dancefloor. Literal na naglalandian at naghahalikan, and with that, I once again remembered Ziyal. Bakit ba hanggang dito ay may maaalala pa ako sa kanya?

Take note, that's my first time having sex with him. Fck, ano ba 'tong tumatakbo sa isipan ko?

"Liah, para kang manyak kung makangiti habang nakatingin sa dancefloor." Biro ni Joyce dahilan para agad akong mapailing habang nakangiti. Well, I think this liquor makes me think about thise happy times, kung saan wala pang problema. It won't happen again but I guess, okay na rin na maalala ko ang mga sandaling 'yon. The way we kissed, the way his hands caressed me, the way he took away my virginity, and the way he said that he loves me.

My thoughts washed off when a man stood near me, at lumapat ang mainit nitong kamay sa aking balikat. Manlalaban sana ako ngunit natigilan ako nang makita ko kung sino ang lalaki. What in the hell is he doing here?

Unfated HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon