I'm done with all of his bullshts! Hindi pa raw ba sapat na sabihing mahal niya ako o ano pa man. 'Wag daw akong maniniwala sa sasabihin ng iba? Bullsht! That man is not worth the tears! Pinagsamantalahan niya ako, at ako namang si tanga ay sumunod na naman sa kanya!
Kabit? Ako? Ayos lang na sabihang malandi pero kabit? Higit pa 'yon sa malandi sa mata ng lipunan! Kahit pa sabihing hiwalay na sila o kung ano pa man 'yan, it won't change the fact na sabit ako sa kanilang dalawa. Hindi mababago ang katotohanang isa akong tanga na napaikot at napaniwala ng isang gagong lalaki!
Kailan ba ako suswertihin sa buhay na 'to? Magulong pamilya kung saan ayaw sa'kin ni mom at tinatakwil din ako ng stepdad ko, tapos ito naman ngayon. Ilang beses pa ba akong itatakwil, sasaktan o lolokohin?
"Isa pa." Walang gana kong sabi, at nag-aalangan namang inabutan ako ng bartender. Gwapo sana siya pero mujhang may kakaiba ring balak kapag kinausap ko. Ganyan naman karamihan kaya mahirap din na maging maganda ang itsura't pangangatawan. They'll just look at you as an object for their lust.
Isang lagok ay muling dumaloy ang pait sa lalamunan ko, tulad ng pait na nararamdaman ko ngayon. Kung hindi lang masamang magpakamatay, I'll gladly do so. Iyon lang naman ang pumipigil sa'kin, ang mahusgahan sa pagsuko ko sa buhay. Sa lahat ng kilos mo, may sasabihin sila hanggang sa lumiit na lang espasyo para sa'yo.
I'm happy for those who can survive and stay still. Sana ganoon kalakas ang loob ko para harapin ang mga problema, at sana ay kaya ko ring iwasan ang pagiging marupok sa pagmamahal. Yet, hindi ko rin alam kung bakit doon pa ako tinitira sa kahinaan ko. Kung saan siguradong mahuhulog agad ako, at itanggi man ng ilang beses ay nakatatak na sa puso ko si Ziyal.
Siya lang naman ang rason kung bakit hindi ako nagkaroon ng seryosong relasyon. Siya ang dahilan kung bakit nadungisan ang pagkainosente ko. Siya ang dahilan ng paghuhuramentado ng puso ko. Siya ang dahilan kung bakit sumasaya ako. Ngunit sa huli, siya rin pala ang taong magpaparanasa sa'kin ng matinding sakit.
"Miss, baka malasing ka nang tuluyan." Nag-aalalang sabi ng bartender ng humingi ulit ako ng isa pa kaya inirapan ko siya.
"You're here to serve your customers. Just give me my damn order, magbabayad naman ako." Pagtataray kahit umaalon na ang paningin ko, at mas lalo lang akong nainis nang hinawakan niya ang kamay ko. Agad ko siyang sinampal dahil sa gulat ko.
"Sorry, miss, nag-aalala lang naman kasi ako sa'yo. Baka kung ano ang mangyari sa inyo kapag nalasing kayo ng sobra." Mahina nitong sabi ngunit sapat na para marinig ko.
"Come on, 'wag mong iputong sa iba ang mga binabalak mong gawin. Ganyan naman kayo, 'di ba? Pretending to be nice para madaling makain ang target." Akmang aalis ako nang may mahigpit na humawak sa kamay ko. Saglit akong natigil nang matanto kung sino ang kumapit ngunit tinuloy ko rin ang sampal na saglit kong nalimutan.
"Ang kapal din ng mukha mong kapitan ako! Ganyan ka na ba ka-desperado? Bakit? Sawa ka na sa kepyas niya? Sa'kin naman? Tang ina naman, Ziyal! Ang unfair mo! Niloko mo ako!" Galit kong sabi, at ramdam ko ang panginginig ko sa halo-halong emosyon habang ang mga luha ko'y nag-uunahan na sa pagtulo.
"Please, 'wag dito, Xaniah." Magmamakaawa nitong sabi ngunit ayokong mahulog ulit sa mga patibong niya. Panibagong sampal ang dumapi sa pisngi niya kasabay nang pag-ilaw ng flash ng mga camera sa paligid. Isa-isa kong tinignan ang mga kumumuha ng larawan namin.
"Ano, masaya na kayo? May bago na namang issue na ilalabas sa internet? Gano'n naman, 'di ba? Magpopost kayo sa social media pero hindi niyo naman alam ang totoo! Mga putang inang fake news!" Umiiyak kong sabi habang isa-isa silang dinuduro, at nakakainis lang na wala silang pakialam. They all care for themselves dahil patuloy lang sila sa pag-video.
Sa huli, ako na naman ang lalabas na masama. Ako na naman ang bibigyan ng pangit na issue, at ako na naman ang makakatanggap ng mga negatibong komento. Saglit akong bumuntong-hininga, at mabilis na tumakbo palayo sa grupo ng mga tao. Rinig kong may sumusunod sa'kin, at kilala ko na kung sino 'yon.
"Xaniah, please, makinig ka naman sa'kin! Mahal kita, at hindi ka sabit! Inaayos ko naman na ang mga problema tungkol doon, kaya please, 'wag mo akong iwan! 'Wag ka namang madaya! Ako lang ba ang nagmamahal at lumalaban para sa'tin?" Basag ang boses na sabi niya habang hinahabol ako, at dahil marami ang tao ay naabutan niya ako.
"Ibaba mo ako!" Reklamo ko nang buhatin niya ako.
"Ayoko dahil kapag binaba kita, para ko na ring sinabi na sinusukuan na kita. Lalaban ako para sa'yo, kahit hindi ka man lumaban para sa'kin. Handa akong iwan ang pamilya ko para sa'yo!" Halata ang lungkot sa pananalita at mga mata niya ngunit kailangan kong maging matibay.
"That's the point, kakayanin mong iwan ang pamilya mo para sa'kin? Para sa isang sabit na aayawan ng pamilya mo! Isang sabit na nanira ng relasyon ng iba! Sabit lang naman ako, 'di ba? Paano ako lalaban kung wala sa lugar ang pinaglalaban ko?" Muling dumapo ang palad ko sa kanyang pisngi bago niya ako tuluyang naisakay sa kotse niya.
"Mali ba ang mahalin ako? Mali ba ako para sa'yo? Am I not worth the fight?" Nakayukong sabi niya nang makapasok na siya sa driver's seat.
"Tama ang magmahal kaya tama ang mahalin ka pero may limitasyon ang lahat. Even if you're worth the fight, kung mali naman ang ipaglaban ka ay dapat na lang sumuko. Hindi porket sumuko ako ay hindi na kita mahal, Ziyal! Sumusuko ako kasi alam kong ako na naman ang lugi, at ako na naman ang pagkakaisahan! Ako na naman ang mali, at ako na naman ang maloloko! I ha-" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang siilin niya ako ng marahas na halik. Sa bigla ay malakas ko siyang nasampal.
"Bakit, Xaniah? Bakit ang babaw 'ata ng pagmamahal mo sa'kin?" Naluluhang sabi niya dahilan upang magulo na naman ang isipan ko. Tama ba ang desisyon ko na sumuko dahil mahal ko siya? O sadyang mababaw lang ang pagmamahal ko sa kanya kaya hindi ko kayang ipaglaban?
BINABASA MO ANG
Unfated Hearts
Narrativa generaleEngineer Girls Series #3 | Completed A story of Engineer Louelle Xaniah Marcon. Date Started: January 2020 Date Ended: March 2020