"Anong nangyari? Bakit dito ka dinala ni Ziyal? Magkaaway ba kayo?" Sunod-sunod na tanong ni Vivian kaya nakangiti ko siyang nilingon.
"Sino si Ziyal? Natagpuan lang ako nang lalaki na 'yon na lasing sa bar. I thank him for bringing me here." Those were the last things I said before I passed out.
Nagising na lang ako sa labis na sakit ng ulo, at nag-aalala naman akong nilapitan ni Vivian. I'll never get drunk like that again lalo na para sa walang kwentang lalaki!
"Here, higop ka muna ng mainit na sabaw. Baka sumakit lalo ulo mo kapag nakita mo 'yong stranger na nasa labas." Makahulugan ang pagbigkas niya sa 'stranger' kaya napairap ako sa kawalan. Damn, ang sakit talaga ng ulo ko pero nakatulong naman 'tong sabaw para mabawasan ang pagdamdam ko ng sakit. Not just the pain on my head, but also the pain on my heart.
Ang lakas din talaga ng loob niya para ipamukha sa'kin na lalaban siya kahit na mali. What's the point of insisting kung mali naman ang ipaglalaban? Mabuti sana kung walang kasalang nabanggit sa eksena pero meron! How can I fight kung alam ko na mali at lugi ako? Should I fight for love, or should I flee for what's right?
"Ano ba kasi ang nangyari?" Tanong ni Vivian dahilan upang makuha niya ang atensyon ko. Muli akong humigop ng sabaw bago binaba ang lalagyan nito. Mapait akong ngumiti dahilan upang lumungkot nang tuluyan ang mukha niya.
"Nagmahal ako sa maling pagkakataon. Maybe, I should love him sa iba pa naming buhay. Hindi ngayon ang tamang oras ar lifetime para sa amin." Walang emosyon kong sagot, at pilit na tinatago ang luha ngunit agad din 'tong tumulo. I feel betrayed by my own emotions, at ngayon ay hindi ko na mapigil ang patuliy nitong pag-agos. Just like how the pain repeatedly slices my heart.
"Bakit ba? Committed na ba siya sa iba? Come on, hindi na bago 'yan, Liah! May mga babaeng gustong solohin ang lalaki kaya sasabihin nilang kasal nila! Don't believe her as long as walang marriage certificate!" Sermon ni Vivian but she can't change my mind.
"Magmumukha lang akong tanga kapag ginawa ko pa 'yan. Paano kung kasal na nga sila? Sino ang mapapahiya?" Hagulgol ko sa kanya ngunit inalog-alog niya lang ang balikat ko.
"Bakit ngayon ka pa nagkaganyan? Nasaan na 'yong self-proclaimed demoness na kaibigan ko? Tuluyan na bang napaamo? Come on, ilabas mo ang Liah na palaban! Na hindi susuko hangga't hindi pa lumalabas ang katotohanan! Ilabas mo ang kaibigan ko, kung sino ka man!" Naluluha na rin nitong sermon ngunit umiling ako bilang sagot. Right at that moment, ramdam sa aura niya ang pagkabigo at pagkalungkot.
"Napepeke ang marriage certificate, Liah. Siguradong mayaman din ang babaeng 'yon, gagawa't gagawa 'yon ng paraan para hadlangan kayo. Nagiging matigas ka nga kay Ziyal pero ang tanong, tama ba ang pagmamatigas mo ngayon? Mag-isip ka, Liah." Pain slapped me so hard nang umalis si Vivian sa harapan ko.
Now that she mentioned those things, lalong gumulo ang isip ko. Ano nga ba talaga ang dapat o hindi? Ano nga ba ang kailangan ipaglaban o kailangang sukuan? Ano nga ba ang batayan ng pagmamahal? Ano ba ang batayan para sumuko na? Ano ba ang batayan para amining talo ka na?
Susunod sana ako kay Vivian ngunit nang marinig ko ang boses ni Ziyal ay natigilan ako. I just want to apologize on Vivian dahil nabigo ko siya sa paraang sumuko sa taong walang kasiguraduhan kung tama ba ang rason.
"Magtapat ka nga, Mr. Quijano. Mahal mo ba talaga ang kaibigan ko?" Halata ang inis sa boses nito ngunit agad nawala ang atensyon ko sa ibang bagay, ang tanging naririnig ko lang ay ang mga sinasabi ni Ziyal.
"Mahal ko si Xaniah kaya ipaglalaban ko siya. Nagulat na lang ako na tumakbo siya nang oras na 'yon. I'm about to ask for her help para ilayo ako kay Rhyz, pero siya ang lumayo. Lalaban ako kahit pa hindi niya tanggapin ang mga rason ko. Mahal na mahal ko si Xaniah, at hindi 'yon nagbago simula pa noon. I left her before dahil bata pa siya, at maraming nangyari habang hinihintay kong maging legal siya. Yet, kahit ano pang sabihin ko ay hindi siya makikinig, at ngayon, kapag sinabi niyang ayaw niya na, lalayo na ako. Just like her reason, papalayain ko siya dahil mahal ko siya. I don't want her to feel guilty dahil sabit daw siya." Garalgal ang boses na sabi niya, at bawat pagpiyok niya dahil sa pag-iyak ay tumatarak ang kutsilyo sa puso ko.
"Paano kung makahanap siya ng iba? What will you do?" Namuha ng tanong ni Vivian ang atensyon ko, at ang tagal bago ko narinig ang sagot ni Ziyal. Nagsisi akong hinintay ko pa 'yon dahil lalo lang akong nasaktan at nahirapan.
"Kung ano ang magpapasaya sa kanya, magiging masaya na rin ako. And maybe, itutuloy ko na lang ang kasal kahit na hindi ko naman mahal si Rhyz. It's for our business, at kung wala namang Liah na dapat ipaglaban, bakit pa ako lalaban? Ngayon, hangga't hindi niya pa sinasabing layuan ko na siya, hindi ako aalis sa tabi niya. I don't give a fck to anything anymore, unless si Xaniah ang pag-uusapan. That's how much I love her, and that's how crazy I am for her." Nagpakalawa ito ng malalim na hininga bago ko naramdaman ang pagbubukas ng pintuan.
Nagmamadali akong bumalik sa kama na walang ginagawang ingay, at kunwari ay walang narinig. Patago kong pinalis ang mga luha ko, at nang makita si Ziyal sa harap ko ay muli itong umagos. Traydor talaga ang mga luha ko!
"Mahal kita pero papalayain kita. Just tell me to go away and never come back." Pumipiyo nitong sabi, at hindi ko tinangkang mag-anagat ng tingin sa kanya. Hindi ko kayang makita na umiiyak siya tulad nang ginagawa ko.
"May iba naman talaga akong mahal. Let's just say, parte ka lang ng mga karanasan ko. Pwede ka nang umalis." Pagsisinungaling ko't matapang na nag-angat ng ulo upang makita sa huling pagkakataon ang mukha niya. Nang makita ko ang mapait niyang ngiti bago ako tuluyang talikuran ay nagsisi ako sa mga sinabi ko. Bakit nga ba hindi na lang din ako lumaban?

BINABASA MO ANG
Unfated Hearts
General FictionEngineer Girls Series #3 | Completed A story of Engineer Louelle Xaniah Marcon. Date Started: January 2020 Date Ended: March 2020