Kabanata 26

386 14 1
                                    

I woke up with a thought that they were all real, and as I checked myself, that dream felt so real that I'm now ashamed of it. Did I really miss Ziyal that much to dream of him like that? I double checked my femininity pero malinis naman ang kapa ko, at ramdam kong pulang-pula na ako ngayon sa mga naiisip ko.

"Damn, nagpaparamdam ka ba sa'kin, Ziyal? Bakit naman sa ganoong paraan pa?" Mahinang bulong ko ngunit nang tumayo ako ay nakaramdam ako ng sakit sa pagkababae ko, at hindi ko sadyang nahulog ang isnag envelope mula sa lamesang nahawakan ko.

"I'm sorry, sobrang na-miss kita kaya bigay-todo ako kanina." Mariin akong napapikit sa malambing na boses na narinig ko, at tuluyan akong nanigas sa kinatatayuan ko nang lumapit siya upang damputin ang nahulog. Pakiramdam ko'y hihimatayin ako kapag lumapit pa siya sa akin, at natatakot talaga ako ngayon.

"Who are you? Bakit kamukhang-kamukha si Ziyal?" Lakas-loob kong tanong kahit tila nagbubuhol-buhol na ang bituka ko sa kaba.

"I saw you checking something earlier, and I saw you blushed. I find it cute but I cleaned your body before dressing you up again. Medyo iba na kasi amoy mo, hindi ka pa 'ata nakakaligo ng totoo simula kagabi." Natatawang sabi nito dahilan upang mamula ako ngunit agad din 'yong natabunan ng inis.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko." Matapang kong pagtataray ngunit mahina lamang itong umiling at mapng-asar na ngumisi.

"Come on, Xaniah, inungol mo na kanina ang pangalan ko. Ano pa ba ang kailangan para mapatunayan kong ako si Ziyal?" Mapaglarong ngiti ang umukit sa labi nito ngunit hindi pa rin 'yon sapat na sagot sa'kin. If it wasn't a dream, then I'm sure na masyado lang akong occupied kanina. Ngayon ko lang napagtanto na baka isa pala siyang impostor.

"The Ziyal I knew, died more than five years ago, and I mourned so much that even our child died. Hinding-hindi mo ako maloloko, at please, kung ang habol mo lang ay sex, sa iba na lang. You already tasted me, and I think, that's more than enough kaya sabihin mo sa'kin kung sino ka." Determinado kong sabi, at mas nabuo ang determinasyon ko nang nakita kong namutla siya sa mga sinabi ko.

"Hindi ka ngayon makasagot dahil isa kang impostor!" Giit ko ngunit nagulat ako nang mabilis niyang pinaglapit ang distansya namin, at doon ko napansin ang mga mata niyang puno ng lungkot.

"What happened to our child? Kaya ba sinugod ka sa ospital noon? Damn, I should have just revealed myself kung alam ko lang na magkakaganoon! I'm sorry, Xaniah, nagtago ako noon dahil gusto kong malimutan muna ako ng mga tao. Gusto kong isipin nila na patay na ako pero hindi nagtagal, lumabas ang katotohanan kaya umamin ako. I didn't die, ang driver namin ang namatay noon sa aksidente. Kasalanan ko 'tong lahat." Umiiyak niyang sabi, at mahigpit akong niyakap ngunit masyadong mabilis ang lahat para pumasok sa isipan ko.

"All this time, hinihiling ko na sana ay nabuhay ka na lang, pero sa mga narinig ko ngayon sa'yo? Bakit pa kita nakita ulit? You don't know the pain I've been through, na mas nadagdagan nang nadamay ang anak natin, Ziyal! Now, if you don't want to be blamed, umamin ka na lang na hindi ikaw si Ziyal." Mariin kong sabi, at walang pagdadalawang-isip na nagpumiglas sa yakap niya. His grip was too weak para agad makalas, at ngayon ay kitang-kita kung gaano siya kawasak ngayon.

"Sinabi kong babawi ako, at wala akong pakialam kung sisihin mo ako sa lahat, Xaniah! Tatanggapin ko ang lahat habang sinusubukan kong ayusin ang relasyon nating dalawa. Aayusin ko ang lahat para sa baby na hindi ko man lang naalagaan, at ako pa ang dahilan kung bakit namatay. Aayusin ko ang lahat para sa mga pangakong binitiwan ko sa'yo at sa daddy mo. Aayusin ko ang lahat dahil mahal kita, Xaniah." Basag ang boses na sabi niya ngunit masyado akong nakain ng galit para pakinggan siya ngayon.

Pakiramdam ko'y labis akong niloko ng lalaki na mahal na mahal ko. Pakiramdam ko'y pinagkaisahan ako at ang anak ko nitong mundong hindi patas. Kung gayon ay totoo ngang siya ang nagpapadala ng mga bulaklak noon, at hindi man lang talaga siya nag-isip na magpakita sa'kin.

Unfated HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon