Kabanata 8

463 12 0
                                    

"Paano kaya kung pinapakagat niya lang ako? Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanya pero 'yon nga eh, may tiwala ako sa kanya't baka dahil doon ay kumagat ako." Wala sa sarili kong sabi kay Vivian habang kumakain kami. Kakatapos lang ng isa naming subject, at nakakagutom talaga dahil dalawang subject na magkasunod from 7:30 ng umaga to 1:30 ng hapon.

"Sis, gutom lang 'yan. Gosh, isang buwan na ang nakalipas pero ganyan pa rin ang thinking mo. Baka nakalimutan mo na rin ang mga sinabi mo noon. Sabagay, ikaw na rin ang nagsabi last month, ang demonyo ay agad napaamo." Naiiling nitong sabi bago nagpatuloy muli sa pagkain.

"Hindi niya nga ako mapakilala sa pamilya niya." I know, kumalat sa internet ang pangalan naming dalawa pati na rin ang engagement kuno. Hindi na nga rin niya 'yon nabanggit ulit kaya mas nagtaka ako lalo't hindi niya ako maharap sa mga magulang niya.

"Kumalat na kayo sa internet noon, bakit parang nagtataka ka pa rin?" Nagtatakang tanong nito na tila nabasa ang isa sa mga iniisip ko.

"Iyon na nga eh, medyo magulo sa part na 'yon. Hindi niya ako maiharap sa pamilya niya. Kinakahiya niya ba ang nangyari? O may tinatago lang siya sa akin? Naiisip ko nga na baka may ibang babae dahil ayos na walang mangyari sa'min. I mean, sinusubukan kong mag-initiate dahil 'yon naman ang napag-usapan talaga, pero umiiwas siya." Mahina kong sabi na kaming dalawa lang ang makakarinig.

"Ano ba sa tingin mo? Kasi sa amin ni Jonas, noong una ay pure sex lang pero ngayon ay happily in a relationship na. Hanggang sa ngayong legal na kami sa parents niya at sa parents ko. Ayoko lang din magsalita ng negatibo pero napapaiisip na rin ako kay Mr. Quijano. Alam mo ba 'yong isa pang issue?" Seryoso akong napatingin kay Vivian sa huli niyang sinabi.

"Gosh, hindi pala nakarating sa'yo. Sabagay, nawala agad 'yon eh, 'yong may ibang pinangakuan ng kasal ang isang bachelor na nakatakdang ikasal sa ibang babae. That's two months before their marriage pero nasira raw ang lahat dahil sa malanding babae. Sis, bachelor at nangako ng kasal, tapos kasabay pa ng issue niyo." Makahulugan ako nitong tinitigan sa mata dahilan para agad akong balutin ng kaba.

Paano kung ako pala 'yong dawit sa issue? Baka kaya hindi siya pumapayag makipag-sex? Baka nakokonsensya na siya? Baka kaya siya nagpapaka-sweet ay dahil may kasalanan siya? Baka niloloko at ginagamit niya lang pala ako dahil may magiging asawa na siya? Yet, kung ganoon lang din naman pala ay sana nagpapakasawa na siya sa akin!

Ang gulo naman ng lalaking 'yon! Simula nang dumating siya ay nagkagulo-gulo na lalo ang takbo ng buhay ko! Nakatakas na nga ako sa gulo sa pamilya, pumalit naman siya!

"Minsan talaga magulo rin 'yang mga lalaki. Ganyan din dati si Jonas, takot sabihin ang katotohanan. Kung wala ngang nangyari sa amin, hindi pa 'yon aamin kahit halata naman." Halatang pinapagaang lang niya ang loob ko kaya lalo akong naguluhan. May tinatago nga kaya si Ziyal sa akin?

"Vivian, kahit ano pang pagpapakalma, wala na 'atang talab. Lalo't binuksan mo pa 'yang issue na 'yan." Walang gana kong sabi, at nagsimula nang magligpit. I-take out ko na lang 'tong pagkain ko, sayang naman kung iwan ko lang dito.

"Sorry, Liah. Kaya ayoko ring i-open masyado ang tungkol kay Mr. Quijano. Ayoko kasing mas madagdgaan pa mga iniisip mo. Sorry talaga." Nakayuko niyang sabi kaya agad akong tumayo't niyakap siya.

"Ayos lang, Vivian. Mas mabuti na rin 'yang nalaman ko ang mga nalalaman mo. It's bstter to know things than to look like an idiot." Bulong ko sa kanya, at kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya. Nag-angat naman agad siya ng tingin na ngayon ay nangingilid na ang luha sa mga mata. Nginitian ko siya as assurance dahil anytime ay pwedeng bumagsak na rin ang luha ko.

Ilang taon na rin kaming magkasama ni Vivian,at masasabi kong habang tumatagal ay mas tumitibay pa ang friendship namin. Kung tomboy nga lang ako, baka niligawan ko na siya dahil hindi maipagkakailang maganda at mabait si Vivian.

Nagtaka ako ng mas lumakas pa ang pag-iyak niya kaya agad ko siyang hinatak patayo. Ngayon ay siya ang yumakap ng mahigpit sa akin, kaya agad akong kinapitan ng kaba. Hindi ito normal, hindi ganito umiyak si Vivian kung magaang lang ang problema.

"Anong problema? Bakit ganito ang kinikilos mo?" Nag-aalala kong tanong kaya agad akong kinutuban nang mas umiyak pa ito. Maingat ko siyang inakay hanggang sa CR dahil marami na ang tumitingin sa amin.

"Baka mag-drop ako, Liah. Buntis ako, at si Jonas ay tinatanggihan ang responsibilidad niya. Sinasabi niya na baka iba raw ang ama ng anak namin. Dalawang linggo na akong delayed, at nang tignan ko sa PT ay nagbunga ang isang 'di sinasadyang pagputok niya sa loob. Liah, 'di ko na alam ang gagawin ko." Umiiyak nitong sabi kaya mahigpit ko siyang niyakap. Hayop talaga na mga lalaki 'to, mga nanggugulo sa buhay ng mga babae!

"Kahit anong mangyari, 'wag mong ipalaglag ang baby. Hindi rin natin alam, baka nabigla lang si Jonas. May contact pa naman kayo, 'di ba?" Tumango siya sa sinabi ko kaya nakahinga naman ako ng maluwag.

"Give me your phone." Agad niya namang binuksan, at inabot sa akin. Agad kong hinanap ang pangalan ni Jonas, at nang makita ang endearment nila katabi ng pangalan nito ay agad kong tinawagan ang numero. Ilang ring lang ang inabot bago nito sagutin ang tawag.

"Vivian, I'm sorry! Mabuti naman ay tinawagan mo na ako, ilang beses mo na akong iniwasan. Aakuin ko ang responsibilidad sa anak natin, nabigla lang naman ako noon. Mag-aaral ako ng-" Pinutol ko na ang sinasabi niya, at dinig ko ang pagkagulat niya nang magsalita ako.

"Umiiyak ngayon si Vivian dahil sa nangyari. Ayusin mo 'yan, Jonas." Mataray kong sabi bago inabot kay Vivian ang cellphone. Ayaw pa sana nito pero kinuha niya rin naman nang paningkitan ko siya ng mga mata.

Nang matapos ang pag-uusap nila ay agad na kaming bumalik sa engineering building. Napagalitan ko siya ng kaunti habang naglalakad kami pabalik, at ilang beses din siyang nag-sorry. Siya naman pala ang agad umiwas eh, tapos iiyak dahil din sa kagagawan niya.

Parang ako lang, gumagawa ng sarili kong problema. Kaya naiinis din ako sa sarili ko dahil hindi ko maiwasang pagtakahan si Ziyal. Masyado kasing masikreto ang mga lalaki kaya minsan ay mahirap intindihin.

Nang mag-vibrate ang phone ko ay agad ko 'yong kinuha, at wala sa sariling napangiti sa nabasa. Tila ba sinagot na ang mga panalangin ko.

Ziyal:
Baby ko, ipapakilala kita kay mama bukas, tulad nang hiling mo.

Unfated HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon