Kabanata 18

344 11 0
                                    

Days passed, at matapos ang pakikipag-usap ko sa random person na 'yon, ganoon na lang din ang pagtigil nang pagpapadala ng bulaklak. I haven't seen Nico for a long time as well, at nagkagulatan na lang kami nang magpasukan na.

"Sorry, bigla akong natigil sa panliligaw. Not that you're expecting me to court you, nakokonsensya lang ako. I impregnated a woman I just met, at nagkagulo-gulo na ang lahat. I'm bound to marry her kaya kailangan kong mag-focus sa pag-aaral." That's the last personal conversation I shared with him before he completely left Pangasinan. Nasa Manila na siya ngayon dahil doon nakatira ang mapapangasawa niya.

Wala naman akong tampo sa kanya, and I'm even glad na kaya niyang tugunan ang mga responsibilities niya. It just shocked me na nakabuntis siya ng nagbabakasyon lang dito. Well, he have the looks and properly built body. He's a dream of some girls inside the university kaya nakaya kong tanggapin ang part na may papatol talaga sa kanya.

Ang magkasabay na pagkawala ng mga bulaklak at pagpaparamdam noon ni Nico ang nagtagni-tagni ng lahat. Dinedeny niya nga lang talaga pero siyang-siya ang lahat. It's an effort na nagpapadala pa siya sa ibang tao para sa'kin. Well, sana ay matanggap niya nang buo na may magiging anak na siya, at nawa'y mahalin niya rin ng lubos ang magiging asawa niya.

And at the end of those reflections and all, I just realized na wala pa 'ata ang lalaking para sa'kin. Maybe, I'm bound and chained with Ziyal, and unfortunately, he died because of me. Kailangan ko na lang sigurong ipagpatuloy ang buhay ko, at hintatin na magkita ulit kami sa susunod naming buhay. I hope that in that lifetime, hindi ko na siya papakawalan.

As time passed by, mas nagiging focused ako sa pag-aaral, at sobrang hirap talaga lalo't sinikap kong mapanatili ang latin honor ko. I'm planning to go back in Manila after passing my board exams, and I'll meet my friends again. Pinutol ko kasi ang komunikasyon ko sa kanila kaya ngayong muli na naman kaming nagkita-kita after five years, inuman agad ang naging plano nila.

Well, it's kind of good na mabawasan ng isang taon ang engineering sa university na 'yon. It was a long journey lalo't may k12 pero kinaya, at ngayon ay lisensyado na akong civil engineer and graduated cum laude! Something I'm proud of pero kahit isa'y walang pinakialaman ang mom ko.

I haven't even met her since I left our home, and I don't have any plans na pumunta ulit doon. Hindi naman dahil sa pride ko ngayong nakapagtapos na ako, but it's because of the way they treated me before. Marami namang nakakaalam sa mga close friends ko, at maging si tita nga ay alam kung bakit naglayas ako.

"Grabehan ka na, Liah! Licensed Civil Engineer tapos Cum Laude pa! Ano na, girl? Baka sunod n'yan pati pagmomodel pasukin mo na? Mas gumanda ka pa!" Nagtatatalon na bungad ni Vivian habang mahigpit na nakayakap sa akin.

"Ikaw nga 'tong may sarili na ring bahay tapos sexy mom pa! Mabuti na rin at hindi mo ako sa bar niyaya! I hate bars based from experience." Natatawa ko ring sabi, at halos mapatili ako sa sakit nang pagkurot niya sa pisngi ko.

"Aray naman, girl! Hindi 'yan lechon." Awat ko sa kanya dahilan para matawa ang iba pa naming kaibigan na imbitado rito. Senior high school friends namin ang niyaya dahil wala naman akong naging kaibigan dito noong college. Mga ma-issue ang naging kaklase namin noon, at hindi ko na rin alam kung ano ang nangyari roon. Ang natandaan ko na lang ay pagsuporta sa'kin ng ibang mga netizens nang sagutin ko 'yong bruhildang Rhyz.

"Kumusta naman ang puso?" Makahulugang tanong ni Vivian habang umiikot na ang tagay. Ramdam kong ganito ang mangyayari pero nakakakaba pa rin pala kapag personal na ring itatanong sa'yo.

"Ayon, after all those years, naka-survive naman sa stress sa pag-aaral kaya tumitibok pa. Stay strong lang siya ganern." Pabiro kong sabi dahilan para tumawa sila maliban kay Vivian na pinaniningkitan na ako ng mga mata ngayon. Iniba ko lang naman muna ang usapan dahil iniisip ko pa kung ano ang pwede kong isagot.

"You know what I meant, Liah." Nakanguso nitong sabi kaya huminga muna ako ng malalim bago sabihin ang mga naisip kong sagot.

"He's still in my heart, at hindi na siguro siya maaalis, pero malilimutan ko rin siguro ang feelings ko sa kanya. I might find someone else, or basta na lang talagang mawala. For now, I still love hin kahit pa alam kong wala na siya." Buong lakas kong sabi, at nagpapasalamat akong hindi ako tinraydor ng mga mata ko.

Napuno ng katahimikan ang buong sala ngunit patuloy pa rin ang pag-ikot ng tagay. Nawaglit lang ito nang umiyak ang anak ni Vivian, at nagpaalam si Jonas na papatulugin na muna niya. Napangiti ako nang halikan ako nito sa pingi, at sa tingin ko'y magiging maganda ang kinabuksan nito. He'll be a handsome man in the future, at kitang-kita na 'yon ngayong maglilimang taon palang siya.

"Bakit ka pa kasi umalis?" Prangkang tanong ni Vivian dahilan para masamid ako ng tagay na inabot niya sa akin.

"Kung hindi ako umalis, baka wala ako sa kinalalagyan ko ngayon. Plano ko rin namang bumalik noon sa kanya, kapag may mapapatunayan na ako sa buhay. Sadyang pinaglaruan lang kami ng tadhana, at nadala 'ata ito kaya napasobra ang paglalaro. Now, I feel like I'm chained with someone I can't be with anymore." Matapos magsalita ay napabuga na lang ako ng hangin, at kahit anong pigil ay kinailangan na ng mga luha kong lumabas.

"Kakayanin ka namang pag-aralin ni Ziyal, at ilayo sa mga mapanghusga't mapang-api. You should have seen his face noong hinanap ka niya sa'kin. Nagulat nga ako na sumunod talaga siya hanggang sa terminal na pinuntahan mo. Ganoon ka niya kamahal, Liah." Seryosong sabi ni Vivian, at tumango-tango naman ang mga kaibigan namin na nakikinig.

"Botong-boto ka talaga kay, Ziyal! Kalimutan na nga lang natin ang lungkot, at magsaya tayo ngayong gabi!" Pagbabago ko ng topic dahil hindi ko na kayang pag-usapan si Ziyal. Akala ko'y naihanda ko na ang mga isasagot ko pero nagkamali pala ako.

Unfated HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon