"What are you doing here?" Mariin kong sabi, at napapikit ako nang makaramdam ng hilo. Sa lahat ng oras na pwede ko siyang makasalamuha, bakit ngayon pa? Bakit ngayong lugi ako, at mahihirapang tumakas? That's how my fate wants me to be destroyed? Ganoon ba kasama ang nagawa ko?
Nagulat ako nang bumaba ang mukha nito ka-lebel ng akin, at nanindig ang mga balahibo ko nang pinasadahan niya ng haplos ang likod ko. Mariin akong napapikit nang dumampi ang hininga niya sa aking tenga, at gusto ko na lang masuka sa sobrang inis at pandidiri sa kanya.
"Didn't my stepdaughter miss me? Aren't you happy to see me again?" Nakakakilabot nitong bulong, at kahit gusto kong manlaban ay tila nanghina sa takot at kaba ang katawan ko.
"Bakit ko ma-mimiss ang lalaking tulad mo? You're the reason my father died, and you even molested me. Now tell me, bakit ako magiging masaya ngayon?" Lakas-loob kong sabi upang malaman niyang hindi ako magpapasindak sa presensya niya. Muli akong napapikit nang mariin nang dumako sa bewang ko ang kamay niya, at marahas na akong napatayo nang pisilin niya iyon.
Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi niya, at kasabay nito ay ang gulat na pagtayo na rin ni Joyce. She was busy earlier kaya nagpapasalamat akong nakuha ko ang atensyon niya.
"That's not what I expected from a slut like you, Xaniah. Ang ganda at sexy mo pa naman, sana sa'kin mo na lang binigay. Kunwari ka pa noon na ayaw mo, pero nabalitaan ko na lang na nakipag-sex ka sa hindi mo kilala." Mala-demonyo 'tong ngumiti, at kasabay nito ay ang pagbuhos ng mga luha ko.
"Ikaw ang hindi nakakakilala sa'kin at sa sinasabi mong lalaki! And why in the hell would I allow you to molest me? Hindi pa ba sapat si mom? Dahil sa naririnig ko sa'yo ngayon, naaawa na ako sa mom ko." Garalgal ang boses na sabi ko, at mas lalo lamang akong naiyak sa galit nang mahina lang itong tumawa.
"Why would you show pity on her? Siya naman ang pumili na makipag-relasyon sa'kin. Isa pa, she's enjoying my skills on bed, and I'm sure you'll enjoy it too." Tuluyang napigtas ang mga natitira ko pang pasensya nang lumibot ang mata niya sa katawan ko. I was about to slap him ngunit mariin na lamang akong napapikit nang makapitan niya ang kamay ko, at mahigpit niya 'yong hinawakan.
"Just have fun with me, Louelle. Baka naghahanap na ng kalinga 'yang labi mo sa baba. As far as I remember, namatay ang nagdilig d'yan, o may iba pang nagdilig ulit?" Umiiling-iling pa nitong sabi, at akmang sasampalin na siya ni Joyce ngunit malakas niya itong tinulak dahilan upang mapaupo si Joyce sa sahig.
Punong-puno ng galit ang puso ko sa lalaking nasa harapan ko ngayon, at hindi ko na alam kung ano pa ang salitang makakapagpaliwanag sa galit ko sa kanya. Pakiramdam ko'y dugo na ang lalabas sa mga mata ko sa labis na pagbuhos ng mga luha ko. Aamba na sana ako ng sampal sa isa ko pang kamay ngunit agad niyang hinawakan, at mahigpit ding kinapitan.
"Come on, Louelle. Do you think you can slap me again? I can make this easy with you, pero kung gusto mo pang mahirapan, fine. Itatali na lang kita mamaya habang pinagpipiyestahan ko ang bawat parte ng katawan mo. Sounds fun right." Nanginginig na ang tuhod ko sa galit at takot ma nararamdaman. Naiinis din ako dahil wala man lang nakakapansin, at halos lahat ay abala sa dancefloor.
"Who the hell are you?" Dinig kong tanong ni Joyce, at nang makatayo siya ay muli siyang sumugod ngunit sa pagkakataong 'to, ako na ang naging target niya. Pinipilit niya akong agawin mula kay Marco ngunit sadyang malakas ito, at mala-demonyong ngisi lamang ang ginawa nito.
"Do you want to join us? Well, you're sexy and hot too, I can fck the two of you tonight." Tila isang senyas ang ginawa niya, at hindi ako nagkamali, may mga lumapit sa aming mga lalaki.
"Please, 'wag mo nang isama si Joyce. Ako na lang ang kunin niyo." Pagmamakaawa ko nang marahas nilang kinapitan si Joyce, at ang mga bibig nito ay may takip na. Bakit parang walang gustong makialam? Bakit pakiramdam ko'y may nakakakita naman pero walang kahit isa na tumutulong?
"No, why would I let her go? Should I repeat what I said? I can fck the two of you tonight." Mariing sabi ni Marco, at akmang sisigaw na ako nang malakas nang may tumakip na panyo sa bibig ko. Nagpumiglas ako nang makitang may taling nagsisimulang pumulupot sa mga kamay ko.
"Handa na ba ang kwarto sa taas?" Tanong niya na mas lalong nagpaiyak sa'kin, at kahit anong gawin ko'y mas lalo akong nagagalit dahil wala itong talab. Matinding awa ang dumaloy sa sistema ko nang makita ang luha sa mga mata ni Joyce, at mariin ko na lang naipikit ang mga mata ko nang may mga kamay na pumipisil sa kanyang dibdib. I can hear her suppressed scream kaya pati sa sarili ko'y nagalit ako.
Ako ang rason kung bakit pati siya'y namomolestiya ngayon. I should've just asked her to run away. Sana ay hindi niya 'to nararanasan ngayon.
Mas lalo akong nagpumiglas nang dinadala na kami patungo sa tingin ko'y private rooms dito. I was hoping na may makapansin ngunit abala ang lahat sa pagsasayaw sa malakas na tugtog.
May kinuha ang isa sa mga tauhan ni Marco, at nang ilapit 'yon sa ilong ni Joyce ay unti-unti itong nanghina hanggang sa mawalan ng malay. Mariin akong napapikit habang ang luha'y abala pa rin sa paghahabulan nang lumapit na 'to sa'kin.
Dito na siguro magtatapos ang buhay ko, at nagagalit ako sa sarili ko dahil dinamay ko pa si Joyce. Ang tanging ginawa lang naman niya ay maging mabait sa'kin ngunit dinamay ko lamang siya sa mga problema ko sa buhay. For the last time, umasa akong may makakita sa amin bago tuluyang nandilim ang paningin ko.
BINABASA MO ANG
Unfated Hearts
General FictionEngineer Girls Series #3 | Completed A story of Engineer Louelle Xaniah Marcon. Date Started: January 2020 Date Ended: March 2020