Kabanata 14

388 13 0
                                    

Iniwan ko ang taong mahal ko na nagpapasaya sa'kin ngunit nagdadala rin ng sakit. Kailangan ko 'tong gawin para sa'kin dahil masyado pang magulo ang utak ko. Sa tingin ko, mas mabuting magtapos na lang muna ako. Mas mabuting malayo muna ako sa kanya.

Babalik ako kapag may kaya na akong patunayan. Babalik ako kapag naglaho na ang mga pwedeng pagmulan ng issues, at kapag lumamig na ang pangalan ko sa internet.

Iyan ang naisip ko, at iyan ang pinili kong gawin. I need to think and reflect. Hindi dapat ako magkamali kaya ito na ang huling beses na iiyak ako dahil sa paglayo ko. Biglaan lang pero kinailangan kong gawin bago pa ako mapagilan ni Ziyal.

I can feel the guilt of leaving him after sharing love with him that night. I left him without him knowing that he'll wake up alone, at wala kahit isang alam kung saan ako pumunta. Iniwan ko ang lalaking ginagawa ang lahat dahil mahal niya ako. Iniwan ko siya dahil itong ang sa tingin ko'y magpapabuti sa aming dalawa.

Yet, I was wrong, nagkamali ako ng mga inisip at naging desisyon. Instead of doing something for our betterment, I did the worst. Gumuho ang mundo ko, at nalunod ang puso ko sa mga luhang ako rin ang may sala.

Nakarating ako sa Pangasinan na puno ng luha, at nagtataka si tita nang sunduin ako sa napagkasunduang lugar. Nang sumakay kami sa kotse niya ay roon pa mas bumuhos ang luha ko. Ang hirap pero kinaya ko... kahit konti, kahit masakit, kahit nasira na ang binuo kong mundo para kay Ziyal.

No words can explain all the pains and regrets I gained. Gustuhin ko mang bumalik sa Maynila ay baka mas lalong umusbong pa ang mga problema. Ramdam ko, panibagong panghuhusga na naman ang ibabato sa'kin, lalo na ni Rhyza Montello.

"Bakasyon niyo na, gusto mo bang umuwi muna sa Maynila?" Tanong ni tita habang kumakain kami ng almusal. Sumubo muna ako ng isa bago sumagot sa tanong niya.

"Mas masaya rito, tita. Si Vivian lang naman ang totoong kaibigan ko sa Maynila, samantalang dito, lahat sila'y totoo't hindi mapanghusga. Mahal ko na rin ang kasimplehan dito, kaysa sa mga pasosyal at intrimitida sa Maynila." Simpleng sagot ko't buong pusong ngumiti. Totoo naman ang mga sinabi ko pero may mas malalim lang talagang rason, at hindi ko 'yon kayang sabihin kay tita.

"Sabagay, huling kita sa'yo na epekto ng Maynila, umiiyak ka nang isang buong linggo. I don't know the reason behind pero siguro nga, mas mabuting dito ka na lang muna hanggang makapagtapos. Hindi ka man nga lang hinanap ng mom mo sa'kin, well, wala naman talagang kwenta ang isang 'yon. Sorry for the word, but she's really too much to handle." Naiiling na sabi ni tita, at may gusto pa sana siyang idagdag nang tumunog ang doorbell.

"Miss Liah!" Dinig kong sigaw kaya wala sa sariling nalunok ko agad ang sinubo kong kanin. Dali-dali akong nagsalin ng tubig sa baso, at ininom 'yon bago patakbong nagtungo sa gate.

"Sabi ko sa'yo, 'wag ka na mag-abala." Habol ang hingin kong bungad nang buksan ko ang gate. Mas lumawak lamang ang ngiti nito, at nanlaki ang mga mata ko nang abutan niyo ako ng isang bouquet of roses. Damn, totoo ito base sa amoy! Mahal 'to panigurado!

"Ang mahal nito, Nico. Hindi ko naman kailangan ng mga ganito, paano ang mga gastusin sa school?" Nag-aalala kong sabi dahil parehas lamang kaming estudyante, at hindi naman sila mayaman na wala lang ang paggastos para sa ganito. Malaking halaga na ito para sa kanila, at hindi ko naman kailangan ang bulaklak. Mas kailangan niya 'yong pera dahil magastos ang buhay kolehiyo!

"I'm willing to do anything for you, Miss Liah. Kaya 'wag mong alalahanin ang tungkol sa pinambili ko o kung ano pa man. Ang gusto ko lang naman ay pansinin mo ako at ang nararamdaman ko para sa'yo." Halata ang hiya sa boses nito na mas pinatunayan pa nang pamumula niya. Kagat-labi na niyuko niya ang ulo kaya agad kong inangat ang ulo niya para magtama ang tingin namin.

Kaya ko na bang pumasok sa relasyon? Yet, paano ko malalaman kung hindi ko susubukan? Kaso, kapag sinubukan ko ba ay may magandang mangyayayari? Kailangan ko ring isali sa usapan nag nararamdaman ni Nico. He doesn't deserve na masaktan lalo na kapag ako ang dahilan.

Puro kabaitan lamang ang ginawa niya sa'kin, at kahit may pagkakataong pagsamantalahan niya ako ay hindi niya ginagawa. Kahit naiisip ko man na pwede niyang gawin ay tila ba wala ang pambabastos sa isipan niya.

"I'm afraid that I'm not yet ready for a relationship." Diretsahan kong sabi dahil 'yon ang mas magandang gawin kaysa paasahin pa siya sa mga matatamis na rason.

"Ayos lang naman sa'kin, handa akong maghintay kung kailan ka magiging pwede. Just let me continue courting you." Nanginginig ang mga kamay niyang sabi, at ramdam na ramdam ko 'yon dahil nakahawak ang dalawang kamay niya sa aking kanang kamay.

"Bakit, Nico? Bakit ganito kalakas ang loob mo na magpatuloy? Paano mo nakakayang maging matatag kahit pa ilang beses na kitang tinanggihan?" Seryosong tanong ko, at sagot niya'y muling nanumbalik ang sakit at lungkot ko sa pagmamahalan namin ni Ziyal.

"Kasi 'yon ang sinasabi ng puso ko, na kailangan kitang ipaglaban. Hindi naman masamang sumugal, Miss Liah. Minsan kasi'y roon pa tayo sasaya sa akala nating magbibigay sa'tin ng hirap. Mas madaling isipin ang kasalukuyan, kaysa hulaan ang mangyayari kinabukasan. We'll never know kung aabot pa ba tayo sa bukas." Bawat linyang binitiwan niya ay siya ring muling pagkaguho ng pusong nasa proseso nang pagbuo.

Right there and then, memories of that painful news article crossed my mind. Isang article na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubusang matanggap.

"Engineer Zirus Marshall Quijano was said to be dead due to a car accident. A close friend of him said that a viral college student was the reason. Sinubukan daw 'di umano ni Mr. Quijano na habulin ang nasabing babaeng na-link sa kanya noon. The family decided to cremate his body, and after that, they went back in America." An article that ruined me and all the dream I built na kasama si Ziyal. Tama si Nico, hindi natin malalaman kung aabot pa ba bukas ang buhay natin. Parang kailang lang ay nagmamahalan kami, parang kailan lang ay nagkagulo kami, at kailan lang ay natigil na ang lahat nang para sa'min ni Ziyal.

Unfated HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon