Hindi lang isa ngunit marami pang sunod-sunod na putok ang nangyari, at hindi na ako makagalaw sa pwesto ko habang patuloy ang pagtulo ng luha at pawis ko. Bawat putok ng baril ay siyang gulat ng puso ko, at nang tila matahimik ay sakto namang nag-notify ang phone ko.
Ziyal:
Balik ka na sa mga kotse ng grupo ni Marco, nandito na ako.Sa nabasa ko ay bigla naman akong nakahinga ng maluwag ngunit nang pagdating ko'y namutla ako sa nakita. Maraming duguan at walang buhay ang nakahiga sa lupa, at kung pagmamasdan ay hindi lang mga tauhan ni Marco ang namatay. He's really that desperate for money and power.
"Ayos ka lang ba?" Tanong niya ngunit hindi ko 'yon nasagot nang mapansin ko ang dugong nanggaling sa balikat niya. Mariin ko 'yong tinitigan habang ang mga luha'y unti-unting dumadaloy sa aking mga mata. Now, I realized na handa talaga siyang gawin ang lahat para sa'kin. He's willing to sacrifice himself for me, and that love can be considered the most scrumptious of all.
"Daplis lang 'yan, 'wag mong intindihin." He assured ngunit hindi iyon sapat upang matanggal ang pag-aalala ko sa kanya. I'm speechless, at tuluyan na akong hindi nakagalaw sa kinatatayuan ko habang sinusuri ang sugat niya. Hindi iyon basta daplis lang dahil maraming dugo ang lumalabas.
Ngunit nawala ang mga iniisip ko nang bigyan ako ng isang mabilis na halik sa noo. Our eyes met, at doon ko nakita ang mga emosyon ng isang lalaki na hindi ko dapat iniwanan noon. Isang lalaki na handa akong tanggapin at handa ring magbuwis ng buhay para sa'kin. He's always there for me, at ako lang naman ang laging lumalayo sa kanya. Sa pagkakataong ito, mas lalo ko lang pinagsisihan ang mga sinayang kong oras noon.
"Nasaan si Vivian? Si Marco?" I worriedly ask nang mapagtanto kong wala kahit isang senyales ng katawan ni Vivian at Marco.
"Marco got a way to escape, and about Vivian, wala siya rito nang makarating kami." Malungkot ang mga matang sabi niya na siguradong sumasalamin sa emosyong pinapakita ng akin.
"Paano kung nakita ni Marco si Vivian? Paano kung-" I started panicking but he stopped me midway.
"Naglilibot na ang mga tauhan ko, at ang ibang mga pulis para mahanap si Marco at Vivian." Pagpapakalma niya ngunit agad nakuha ang atensyon namin ng paparating na mga sasakyang pang-pulis. Tila ba hinahabol nila ang isa pang sasakyang tumigil sa harapan namin, at sa puntong 'yon ay tuluyang bumalot ang kaba at takot sa akin.
Tila ba tumigil ang oras nang lumabas si Marco sa sasakyang 'yon, at isang putok ng baril ang umalingawngaw habang si Ziyal ay mahigpit na nakayakap sa akin. Ang isang putok na 'yon ay nasundan ng isa pang putok na mula naman sa ibang baril.
Para bang isa akong tubig na agad nagyelo't agad ding natutunaw ng mga pawis at luha na lumalabas. Isa pang putok ang lumabas sa baril ni Marco bago tuluyang umulan ang bala sa kanyang katawan. Ngunit sa pagkakataong iyon ay napagtanto ko ang nangyari, at kung ano ang ginawa ni Ziyal.
"Ziyal!" I screamed in horror and pain as I saw blood flowing from the back of his head.
"Ako na naman, bakit lagi na lang ako? Bakit ba lagi na lang ganito?" Umiiyak na sabi ko sa kawalan habang hawak ang papel na kanina'y nasa kamay ni Ziyal.
"If ever I'll die, then go to our company and claim it as yours. Para sa'yo ang lahat ng 'yan, Xaniah. Kaya sila naghahanap ng paraan para mapaghiwalay tayo dahil alam nilang sa'yo mapupunta ang lahat. I'm sorry kung binabasa mo man 'to ngayong patay na ako.
Hindi ko man natupad ang pangakong tayo hanggang dulo, pero natupad ko naman ang pangako kong gaganda ang buhay mo. I hope that by that time I died, makahanap ka ng lalaking mamahalin ka rin ng tunay.
I may not be the best man but I did my best to make things better for you. I love you, Xaniah.
Delikado 'tong gagawin naming pagligtas sa'yo, at sana ay mapatawad mo ako kapag namatay ako. Again, mahal kita, Xaniah. Mahal na mahal.
Sincerely yours,
Zirus Marshall "Ziyal" Quijano"Iyon ang paulit-ulit kong binabasa habang umaasang mabuhay pa sana si Ziyal. Na sana ay magkaroon ng himala't mabuhay pa ang lalaking walang ibang ginawa kung hindi mahalin ako't isipin ang makakabuti sa akin.
Ngunit sa pangalawang pagkakataon, ako na naman ang dahilang kung bakit nadisgrasya ang dapat sana'y kasama kong bumuo ng masayang pamilya. Yet, I won't let this event kill the child on my womb. Hindi na ako gumawa ng bagay na maglalagay sa anak ko sa bingit ng kamatayan.
I was asking for a miracle na mabuhay si Ziyal ngunit iba ang binigay sa akin, at ito ay ang pagbunga ng pagniniig namin na inakala kong isang panaginip.
I guess, hindi na kami magkakasundo ng mga magulang ni Ziyal dahil sinubukan pa nolang itago sa'kin ang pagkamatay ni Ziyal. Lalo ngayong nasa akin na ang kumpanyang pinalago ni Ziyal, at palihim na lang akong pumupunta sa kanyang puntod.
He wrote on his farewell na sana'y makahanap ako ng lalaking mamahalin ako ngunit tila imposibleng makahanap ng isa pang Ziyal na mamahalin din ako ng lubos. I once thought of how scrumptious could this things be, but now, I'm sharing with my friends how painful things happened between Louelle Xaniah Marcon and Zirus Marshall Quijano.
Things went fast sa loob ng dalawang taon lalo't naging abala ako sa paghawak ng kumpanya't pag-aalaga sa anak namin ni Ziyal. Mahirap noong una ngunit nasanay rin ako hanggang sa matagpuan ko na lang ang sarili ko ngayon sa mesa ko, at hinihintay ang isang importanteng tao.
I don't know why he's so important pero naging abala talaga ang mga tao sa pagdating niya. Agad naman akong kinabahan nang dumungaw ang secretary ko sa may pinto.
"Nandito na po ang importanteng ka-meeting niyo, ma'am Liah." Agad akong kinabahan sa sinabi niya dahil halos lahat sila'y ayaw sabihin ang pangalan ng taong hinihintay ko. Paano kung kamag-anak niya pala 'yon? Paano kung nandito sila para kunin ang kumpanya? Paano kung?
"Paano kung buhay pa pala siya?" Naputol ang pag-iisip ko nang pumasok ang lalaki sa opisina. I froze when I came to see his face.

BINABASA MO ANG
Unfated Hearts
General FictionEngineer Girls Series #3 | Completed A story of Engineer Louelle Xaniah Marcon. Date Started: January 2020 Date Ended: March 2020