| o7 : Creation |

17.1K 1.1K 505
                                        


----- CHAPTER o7 -----


No matter where I look, all I see are shades of green. Yes, I can finally see in the dark, but the sight is just making me feel nauseous. This is the first time I've ever worn night-vision goggles. Ito siguro ang dahilan kung bakit hindi ako komportable.

We can't let anyone see nor detect our presence kaya naman imbes na gumamit ng flashlight, ginamit namin ang mga pinahiram ni Andros na night-vision goggles. At first, I thought it was cool and how wrong was I.

"Ready?" bulong ni Zambro habang nakadapa kaming siyam sa halamanan. Ang tanging hindi namin kasama ay sina Meow at Jasmine na nagpaiwan sa sasakyan, at si Stu na dini-distract ang mga guard ng subdivision.

Kung hindi lang talaga ako nalulula, pagtatawanan ko na ang mga hitsura namin. Paano ba naman, mukha kaming scuba divers dahil sa porma ng goggles. Idagdag pang nakadapa kami sa lupa na parang mga tanga.

Tahimik ang paligid. Sa sobrang tahimik, ang mabibigat nilang hininga at kaluskos ng mga halaman lamang ang naririnig ko. Ramdam ko ang tensyon sa aming lahat. I can't blame them; I'd be lying if I say I'm not nervous about this as well. But hey, at least we're getting good pay.

Umilaw ang hawak ni Zambro na walkie-talkie, hudyat na may tumatawag sa kanya mula sa kabilang linya. May pinindot siya at narinig namin ang boses ni Stu.

"Nasa guard house na silang lahat. Kilos na."

Mabilis na nagtayuan ang lahat kaya naman kahit ako ay mabilis na napabangon sabay pagpag ng mga tuhod ko. Gaya ng plano, nagtakbuhan kaming lahat sa direksyon ng talahiban kung saan naroroon ang pader. Isa lang ang dala naming hagdan kaya naman kinailangan naming tumalon nang pababa na kami sa kabilang bahagi ng pader. Medyo mahirap para sa aming lahat, pero higit na mas mahirap para kay Kenzo, Zambro, at Micky dahil sila ang sumasalo sa tuwing tumatalon ang isa sa amin.

Nang tuluyang makapasok sa subdivision, nagpaiwan sina Micky at Julian sa magkabilang bahagi ng pader para magsilbing lookout at bantay ng hagdan. Nagtakbuhan naman kaagad kami nina Kenzo, Zambro, Herb, Lindsey, Levi, at Ashton patungo sa direksyon ng bahay na target namin.

I don't know how he got it, but Ashton has a guide kung aling bahay ang may CCTV at bantay na aso kaya naman hindi kami nahirapan sa pag-navigate sa buong subdivision. Nakatulong din na bilang pa lang ang mga okupadong bahay sa subdivision.

Nang makarating sa bahay na pakay namin, nagtaka agad ako nang mapansing fully furnished na ito. Kompletong-kompleto mula sa sofa, TV, at pati na mga kurtina.

"Wait, is this house occupied?" pabulong kong tanong.

"No, fully furnished lang 'to kasi isa 'to sa mga ginagamit sa mga open house at advertising," paliwanag ni Ashton. "Walang nakatira rito," paniniguro niya pa.

Dahil wala pa naman akong gagawin kaya naupo muna ako sa isang tabi at hinubad ang night-vision goggles ko. Sumalubong agad sa akin ang nakakahilong kadiliman kaya naman dali-dali kong sinuot ulit ang goggles.

"You okay?"

Tumabi sa akin si Herb. I don't know what's weirder — him not wearing his thick eyeglasses, or him wearing night-vision goggles. Ugh, we look like fools wearing these goggles.

"If only we can turn on the fucking lights." Nasapo ko na lamang ang noo ko. Sobrang sakit na sa ulo ng night-vision. Nakakahilo na ang kulay berdeng paningin.

Binuksan ni Herb ang backpack niya at inilabas mula rito ang isang tumbler. "Here, drink some water."

He didn't have to say twice. Agad ko itong tinanggap at uminom mula rito.

How To Make A Serial KillerMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon