| 30 : The Ringleader |

8.1K 967 1K
                                        


----- CHAPTER 30 -----


THIRD PERSON'S POV


"Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo?! Wala nga akong alam sa pinagsasabi mo! Hindi ko kayang pumatay ng tao! And if it wasn't for me, they would've been dead in that slaughter house!" mariing giit ni Zambrano sabay hampas ng mga kamay sa mesa. "Pwede ba? Kaninang umaga pa ako rito! Keeping me here is illegal! You have nothing against me!"

Nanatili ang malamig na titig ni Andros rito at inilapag sa mesa ang isang litrato. "Tell me about that photo?"

Suminghal si Zambrano at ngumisi. Sumandal ito sa kinauupuan at nilibot ang paningin sa apat na sulok ng maliit na silid, pagkuway tumitig sa malaking salamin na nasa likuran ni Andros. "Iba talaga ang nagagawa ng pera, no? Biruin mo, ang businessman heto at nag-aastang isang imbestigador."

"Tell me about that photo?" walang emosyong pag-uulit ni Andros sabay turo sa litrato kung saan ito'y nakangiti habang hawak-hawak ang isang tropeyo at pana.

Marahas na napabuntonghininga si Zambrano at malamig na tumitig pabalik kay Andros. "April 2012, Valesca Inter-School Archery Tournament."

Tumango si Andros at tinaas ang litrato. "Someone tried to kill my siblings with a bow and arrow. The precision—"

"At ako ang pinagbibintangan mo porke't anak ako ng tatay ko?!" galit na bulalas ni Zambrano at muling inihampas ang nakakuyom na kamao sa mesa sabay tayo. "Ilang beses ko bang kailangang sabihin sa 'yo?! Hindi ako kagaya niya at hinding-hindi ako tutulad sa kanya!"

Bumukas ang pinto at pumasok si Detective Medel kasama ang isa pang pulis. Umiling si Andros dahilan para muli silang lumabas.

Ibinalik ni Andros ang tingin rito. Kung si Zambrano ay namumula na sa galit, si Andros naman ay nanatiling blanko ang ekspresyon at kalkulado ang bawat tipid na galaw.

"Kung ang pagiging archer ko ang basehan ng suspetsa mo sa akin, pwes, isama mo si Stu!" nagngingitngit nitong giit. "Siya ang nagsilbi naming mentor sa club noon at siya rin ang title holder bago ako!"

Napakurap-kurap ang walang emosyong mga mata ni Andros sa narinig. "Si Stuart Costares?"

Muling bumukas ang pinto at sa pagkakataong ito ay si Selene ang pumasok. Tumayo si Andros at sinalubong ito. "Selene, hindi pa kami tapos—"

"His mom is here and he wants to talk to you," bulong ni Selene.

***

Napabuntonghininga si Andros sa paglabas nila ni Selene mula sa interrogation room. Tinupi niya ang cuff ng suot na polo at sinilip ang kanyang relo. "It's already 8 PM. Kumain na kaya ang mga kapatid ko?"

Tumango si Selene. "Tapos na. Stuart also told me that Wren went up to her room after dinner. Gigisingin na lang daw nila mamaya para sa surprise."

Huminto si Andros sa paglalakad at napatingin kay Selene.

"Bakit?" tanong kaagad ni Selene.

"I want you to run a deeper background check on Stuart and his family. Double check the authenticity, find any red flag, and unseal every confidential file should there be any. From now on, we will only communicate with Donovan. I don't care if he whines, he's the only person we can trust in that house," maawtoridad na utos ni Andros.

"Why? What did he do?" tanong ni Selene.

"Apparently, he's also good at archery." Bumuntonghininga si Andros at hinila ang suot na necktie dahilan para lumuwag ito. "I can't take any chances. We haven't found mom and I just got my sister back."

How To Make A Serial KillerMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon