----- CHAPTER 24 -----
I woke up with a throbbing pain in my head. I grunted and forced myself up, only to flinch at the immense pain coming from my palm. Weak and disoriented, I lifted my hand and saw what looked like a bandage wrapped around it.
A surge of memories came flooding back to me. How we all started to pass out one by one, and how I hurt myself just to stay awake.
Angry, confused, annoyed, scared — naghalo-halo ang nararamdaman ko. Gigil akong nagsisipa at nagmumura, punong-puno na ako sa hayop na Berdugong iyon at idinaan ko na lang ang lahat sa pagwawala.
Nahinto lamang ako nang marinig ko ang tila ba kalansing ng rehas. Saka ko lang napagtanto na nasa loob na naman pala ako ng isang hawla. Hindi gaya noon, wala na akong nararamdamang boltahe ng kuryente mula rito.
Upang makasiguro, tumingala ako at dahan-dahan kong itinaas ang hintuturo, unti-unting inaabot ang maliit na piraso ng bakal. Marahas akong napalunok, inaabangan ang maaring boltahe ng kuryente na mararamdaman.
"Shit." I sighed in relief when I didn't feel anything. Totoo ngang hindi ito isang electric fence!
Naglakas-loob ako at kinapa-kapa ko ang bawat parte ng hawla hanggang sa tuluyan kong matagpuan ang nagsisilbi nitong pinto. Dali-dali akong lumabas at natagpuan ko ang sarili ko sa isang malakawak na silid. Dahil sa maliit na bumbilyang nakasindi sa ibabaw ko, nagawa kong maaninag ang ilang piraso ng kinakalawang na meat hooks at kadena sa kisame. Mayroon ding mga tiled counter sa bawat gilid ng silid, balot ng alikabok at sapot ng gagamba.
Kinilabutan ako nang todo dahil sa mga nakita. Nahihilo pa ako pero mas pinili kong tumakbo na lamang palabas. Pilit akong kumakapit sa dingding bilang suporta lalo't pasuray-suray pa rin ako.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Sinundan ko na lamang ang direksyon ng mga bumbilyang nakabitin sa kisame. Kung saan mayroong liwanag, doon ako patungo. Napakabigat ng katawan ko, pati na ng talukap ng mga mata ko, pero pinipilit kong gumalaw. Kailangan ko ulit makaligtas para kay Tito.
Sa kabila ng bawat paghangos ko, napangiti ako sa tuwa nang makita ang isang pinto na may nakasulat na EXIT.
Dali-dali ko itong binuksan, pero kaagad naglaho ang ngiti sa mukha ko nang makakita ako ng apat na hawla sa gitna ng madilim na silid. Nakabitin sa ibabaw ng bawat isa ang maliit na bumbilyang kulay dilaw.
Napukaw ang kamalayan ko nang umalingawngaw ang impit nilang sigawan.
"Stu!" Napasigaw ako nang makita ko siya sa gitna, nakabusal ang bibig at nanlalaki ang mga mata. Mayroon siyang pilit na sinisigaw.
Dali-dali akong lumapit sa kanila. Doon ko lang napagtantong nasa tig-isang hawla rin sina Micky, Lindsey, at Meow. Pare-pareho silang may isinisigaw ngunit hindi ko ito maintindihan dahil sa busal na nasa kanilang mga bibig.
Hindi na ako nag-aksaya pa ng sandali. Dali-dali akong humawak sa hawla ni Stu upang buksan ito, pero inatake kaagad ako ng malakas na boltahe ng kuryenteng nagpatalon sa akin sa sobrang sakit.
"Shit!" I found myself sitting on the floor while screaming at the top of my lungs.
"Magandang gabi, Elianna."
Napalingon ako nang marinig ang malalim at malademonyong boses ng Berdugo. Nakita ko ang isang speaker na nakapatong sa kisame, sa tabi nito ay may kakaibang ilaw na para bang hugis parisukat.
Umalingawngaw ang impit na sigawan nilang apat. Micky and Stu look angry while Lindsey and Meow are both crying and screaming.
"Duwag kang hayop ka! Magpakita ka!" Halos mapaluhod ako dahil sa pagsigaw ko. Wala akong ibang nararamdaman kung 'di matinding galit para sa kanya.
BINABASA MO ANG
How To Make A Serial Killer
HorrorCrime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysterious businessman. What started as an unusual marketing scheme becomes a fight for survival when the "...
