----- CHAPTER 28 -----
"Idiot, that's not how you open a crab . . ." sabi ko dahil napangiwi ako nang mapansing kanina pa sinusubukang hiwain ni Donovan ang alimango gamit ang kutsilyo.
"Sige, nga? Paano?" Pahagis na binigay ni Donovan ang alimango na hawak niya kaya nagtalsikan tuloy sa mukha ko ang sabaw nito.
Siniko ko siya dahil sa inis at tinuro ang bawat parte ng alimango. "Dapat kasi, hilahin mo muna 'yang v-shaped abdomen shell hanggang sa matanggal ang Carapace. Subukan mo, mas madaling hatiin sa dalawa kahit wala nang kutsilyo!"
"Wren naman, eh! Demo mo na lang! Dudugo ilong namin sa Carapace!" pabirong reklamo ni Bailey.
"Oo nga!" pagsang-ayon ni Meow na pro na pro sa pagsungkit ng laman mula sa alimango.
"Baka nakakalimutan n'yong injured ako?" pabiro kong paalala sabay taas sa palad kong may benda pa.
Kaming apat na lang nina Bailey, Donovan, at Meow ang natira sa mesa dahil nauna nang matapos ang iba. Kanina ay sina Andros at Selene mismo ang nagbabalat nito para sa amin, pero dahil tapos na silang kumain, sariling sikap na kami.
Pinagtatanggal ni Donovan ang laman ng alimango at nilagay ito sa plato ko. "'Yan, kain pa."
Kapwa natahimik sina Meow at Bailey, parehong naguguluhang napatingin sa akin. Ngumiwi na lang ako at umiling-iling. Malay ko ba anong espirito ang sumapi dito kay Donovan.
"Kawawa ang manok ko . . ." Bumuntonghininga si Meow.
"Bakit? Wala bang magpapakain?" tanong ni Bailey kaya na-curious din ako.
"Sinali mo sa sabong?" tanong ko naman.
"Nilamon mo?" tanong ni Donovan kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin.
"Bakit?" Pagmamaang-maangan niya. Hayop talaga.
***
"Grabe, busog na busog na ako pero ang sarap pang kumain!" natatawang pahayag ni Bailey na nakakailang rounds na ng kain.
"Ang sabihin mo, ang sarap kumain lalo na kung libre!" sabi naman ni Meow dahilan para mapa-high five sa kanya si Bailey.
"Nah, mas masarap kapag ikaw mismo ang humuli." Hindi ko napigilang mapangiti nang maalala 'yong mga panahong namimingwit kami nina Papa at Tito sa lawa.
"Mmm!" Tumango-tango si Meow, nginuya at nilunok ang pagkaing kakasubo lang niya. "Noong nag-camping kami para sa wilderness club, kinailangan naming humuli ng sarili naming makakain. Mabuti na lang at kagrupo namin si Zambrano na sobrang galing pumana! Biruin mo, sobrang layo lang ng target niyang bibe pero natamaan niya pa rin!"
"Pumana?" biglang tanong ni Donovan.
Natigilan ako at biglang bumalik sa isipan ko ang lahat ng nangyari sa mga kaibigan ni Donovan. Kung paano kami inatake ng Berdugo sa gitna ng kalsada gamit ang kanyang pana.
"Z-Zambrano's good at archery?" tanong ko kasabay ng pagsitayuan ng balhibo ko.
"Yeah!" Bailey nodded. "We went in the same high school. Zambrano was trained by one of our best archers. Sayang at tinuon niya ang focus niya sa acads pagdating ng college."
"Oh, glory days!" Humalakhak si Meow at tumingala sa kisame na para bang masaya sa pagsasariwa ng nakaraan. "Valesca Bulldogs! Awoo! Awoo!"
Napatingin ako kay Donovan at ganoon din siya sa akin. I have a feeling we're both thinking the same thing.
BINABASA MO ANG
How To Make A Serial Killer
HorrorCrime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysterious businessman. What started as an unusual marketing scheme becomes a fight for survival when the "...
