| 36 : Home |

6.9K 935 334
                                        


----- CHAPTER 36 -----


"Does it hurt?" tanong ni Selene habang binabalot niya ng benda ang palad kong duguan. Hindi ko namalayang napalakas pala ang hampas ko sa mesa dahilan para bumuka muli ang sugat na hindi pa tuluyang naghihilom.

Umiling ako at pinanood ang mga tauhan ni Andros na tulong-tulong sa pagbuhat ng rebulto ng anghel paalis sa kinatatayuan nito. Nang maiwan ang platform ng semento, dumating ang mga lalaking may dalang jack hammer.

Dumako ang tingin ko kay Andros na nakatayo lang sa isang tabi. Nakababa ang kanyang mga balikat at miserable siyang nakatitig sa kawalan.

Napapikit ako nang muling bumalik sa isipan ko ang lahat . . .

"He's telling me the truth all along . . ." I bit my lip as I felt my tears roll down my cheeks.

"What do you mean?" Selene asked.

I bowed my head down as I gasped, crying uncontrollably. "Tito told me to treat the statue like my mother . . . that I should talk to it whenever I miss her . . . and that it's a reminder that mom is always with me to guard me."

Naramdaman ko ang marahang pagyakap sa akin ni Selene, dahilan para mas lalo akong maluha. "P-Paano niya nagawa 'to sa akin . . . sa amin . . ."

Selene let out a heavy sigh and I felt her soft hand brush my hair. "I know how painful it is to be harmed by the person you love the most, Wren. Believe me, I know how much it hurts . . . But right now, you have to be strong. For your father and your brothers, you have to be strong."

Tumango ako at pilit na nilakasan ang kalooban ko.

Nang tuluyang mawasak ang makapal na semento kung saan nakapatong rebulto, nagsimula sa paghuhukay ang mga lalaki.

"Andros!" sigaw ni Selene.

Paglingon ko ay may dala nang isang pala si Andros. Mabilis ang bawat hakbang at walang kaemo-emosyon ang namumulang mukha niya.

"Andros!" Kahit ako ay napasigaw rin, pero hindi ako makagalaw sa kinatatayuan.

Nagtangkang umawat si Selene pero mabilis na nagsimula si Andros sa paghuhukay, kasama ng mga kalalakihan.

Lalo akong napaiyak nang makita ko ang desperasyon sa bawat galaw ni Andros, mahukay lang ang lupa sa lalong madaling panahon.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tinakbo ko ang distansya sa pagitan namin. Niyakap ko siya nang mahigpit dahilan para huminto siya sa paggalaw. "Kuya!"

His body was stiff, and his breathing was heavy. I could hear him gasping, and even if I couldn't see his face, I know he's already crying.

"Kuya!" I cried even louder, holding on to him tighter.

I felt him budge and soften, his breathing got even louder.

He hung and his low and that's when I felt his cold trembling hands hold mine. "Kasalanan ko 'to . . . Kasalanan ko ang lahat ng 'to . . ."

***

Nakatayo kami ni Andros sa isang tabi habang pinapanood ang paghuhukay ng mga lalaki. Sa bawat paglipas ng sandali, pabigat nang pabigat ang kalooban ko at pasikip nang pasikip ang dibdib ko.

I never met her, but my heart is still suffering from a kind of pain that I haven't felt before.

Natagpuan ko ang sarili kong nakakakapit sa likuran ng polo ni Andros, pero imbis na bumitiw, nag-angat lang ako ng tingin sa kanya.

How To Make A Serial KillerMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon