| 16 : Hero |

9.7K 873 649
                                        


----- CHAPTER 16 -----


"Wren, hindi mo ba nagustuhan ang ulam?"

Napakurap-kurap ako at natagpuan ang sarili ko sa hapagkainan kasama sina Tito, Stu, at ang dalawang pulis na kagabi pa nagbabantay sa bahay. Mabuti na lang at wala silang kaalam-alam na muntikan na naman akong mapahamak kagabi.

Nagbaba ako ng tingin sa mesa at sumambulat sa akin ang pira-pirasong utak at mga daliri sa ibabaw mismo ng plato ko. Sa ibabaw nito ang tumitibok pang puso ni Kenzo.

"Wren? bulalas ni Tito at nang kumurap ako ay pagkain na ulit ang nakahain sa harapan ko.

"Medyo busog po," palusot ko na lamang.

"Saan pala galing 'yang sugat mo sa noo? Wala 'yan kahapon, ah?" sinipat ni Tito ang benda sa noo ko.

Napalunok ako't pilit na nanatiling kalmado. "Nandito po 'to. Siguro po, 'di n'yo lang talaga napansin."

Pagkatapos kumain, dumiretso ako sa kuwarto at pabagsak na nahiga sa kama. Napangiwi ako nang makaramdam ng labis na pananakit sa buo kong katawan.

Dahan-dahan akong naupo at humarap sa salamin. Maingat kong hinubad ang pullover shirt ko, saka dahan-dahang tumalikod. Nilingon ko ang repleksyon ko at tumambad sa akin ang mga pasa sa balikat at likuran ko dulot ng pagkakalaglag mula sa puno.

I closed my eyes shut and sighed with gritted teeth. Yes, it hurts like hell, but at least I was able to come back home in one piece. I could have died. Twice.

"Never again," I whispered to myself and sighed, putting on my pullover shirt once again to hide my bruises from everyone.

Images of Kenzo and Chua getting hacked to death flashed before my eyes.

"Erase, Elianna. Erase," I whispered to myself over and over again. "Papa doesn't love a weakling."

Pinaypayan ko ang mukha ko gamit ang nanginginig at namamanhid kong palad. Paulit-ulit akong huminga nang malalim, sinusubukang gawing mahinahon ang tibok ng sarili kong puso.

Nilingon ko ang tumbler na nasa bedside table ko ngunit wala na itong laman kaya naman naisipan kong bumaba na lamang sa kusina. Naabutan ko si Stu na naghuhugas ng mga pinagkainan namin, ang dalawang pulis naman ay marahil nasa labas na ulit at nagbabantay.

Habang kumukuha ng tubig mula sa ref, napansin kong hindi gumagalaw si Stu sa kinatatayuan at nakamasid lang siya sa bintana na nasa ibabaw ng lababo.

"Problema mo?" pabalang kong tanong nang maubos ko ang iniinom na tubig.

"Okay lang ba siya?" tanong ni Stu kaya naman napaangat din ako ng tingin sa bintana.

Nakita ko si Tito sa hardin. Kagaya ng lagi niyang ginagawa sa umaga sa tuwing hindi siya pumapasok sa shop, nililinis at kinakausap niya ang rebulto ng babaeng anghel na napapalibutan ng mga bulaklak.

"He's talking to my mom again." I sighed. Siguro, nagsusumbong na naman siya tungkol sa mga nangyayari sa buhay ko.

"Ha?" Kunot-noong napatingin sa akin si Stu.

"He said he built that garden for my mom and she loved it so much. When she passed, that's when he placed that statue to remind me of her. Sabi nga ni Tito sa akin, pwede kong kausapin ang rebulto sa tuwing nami-miss ko si Mama. Papa didn't really like the idea and told me to visit the cemetery instead if I want to talk to her." I shrugged and placed my used cup on the sink. "Pakisali na rin sa paghugas."

How To Make A Serial KillerMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon