----- CHAPTER o8 -----
Sumisirko ang berde kong paningin. Wala akong ibang nararamdaman kundi matinding sakit. May nalalasahan akong dugo pero binalewala ko ito at nagpumilit na lamang na bumangon.
"Herb!" I yelled out, both out of pain and desperation.
I found him lying beside me, weak and groaning in pain. His night-vision goggles laid broken across his face, exposing his round beady eyes in the dark. The rope that bound us together got loose when we fell.
Adrenaline reigned over me upon hearing loud footsteps above the stairs. Hindi ko na kailangan pang tumingala dahil sigurado akong pababa na ang Berdugo upang tapusin kami. Dali-dali akong tumayo at hinila si Herb, ikinawit ko ang braso niya sa batok ko at hinawakan siya sa baywang.
"Tulong!" I kept screaming at the top of my lungs, dragging Herb out of the house as fast as I could without turning back. Herb was so weak, but I could tell he was trying his best to move faster.
Habang mabilis kaming umiika palayo, naramdaman ko ang tuluyang pagkalaglag ng lubid sa sahig.
Nawala sa isip ko ang pride at tapang ko. Hindi ako basta-bastang nagpapatalo, pero hindi naman ako tanga para lumaban sa isang taong may dalang patalim! Kahit ang swiss knife ko ay walang panama sa itak niya!
Namalayan ko na lamang na nasa kalsada na kami ni Herb, iika-ika pa rin at sumisigaw dala ng labis na takot at sakit, pilit na tinatakasan ang salarin na humahabol sa amin.
Pakiramdam ko'y mawawalan na ako ng malay pero pilit akong nananatiling dilat. Hindi pwede. Hindi pa ako pwedeng mamatay! Dagdag na naman 'to sa gastusin ni Tito! Punyeta!
"Tulong! Papatayin niya kami!" I screamed as loud as I could. May mga bahay kaming nadadaanan pero nakasara ang mga ilaw nito, hindi ko alam kung alin ang may tao o hindi pa okupado. Gusto kong dumiretso sa isa sa mga bahay pero ayokong bigyan ang Berdugo ng pagkakataon na ma-corner kami.
Habang sumisigaw kami ni Herb, nakita kong nagliwanag ang bintana ng isa sa mga bahay. I screamed even louder, desperate and confused over what to do. Kung maghihintay kaming may magpapasok sa amin, maaabutan pa rin kami ng Berdugo!
Lumingon ako at nakita kong nasa likuran pa rin namin ang salarin, mabagal na naglalakad at hawak pa rin ang isang itak. Sa isang iglap ay biglang bumilis ang paglalakad niya at tila ba susugurin na kami.
Napatili ako nang pagkalakas-lakas at napabitaw kay Herb. Kumaripas ako ng takbo, takot na takot para sa buhay ko. Narinig kong sumigaw si Herb at kahit siya ay napatakbo na rin.
Lumiko kami sa isang kalsada ngunit huli na nang mapansin naming nasa dulo na pala kami ng subdivision, kung saan tadtad ng makapal at nagtataasang talahib.
Nag-alinlangan ako pero dumiretso pa rin ng takbo hanggang sa bigla na lamang may bumangga sa akin at humawak sa magkabila kong braso.
"'Wag!" I screamed once again, flailing my arms, trying to fight for my life.
"Shh! Wren! Kami 'to! Kami 'to! Anong nangyayari?"
I stopped fighting and stilled when I heard Ashton's whispery yet panicked voice. I opened my eyes only to see him, holding me tightly. Standing behind him was Micky who was just as confused.
"Tara na! Kailangan na nating umalis! Aabutan niya tayo!" Herb said who was right behind me.
"Sino?" sabay na tanong nina Ashton at Micky pero nang lumingon kami ay wala kaming ibang nakita kundi tahimik na kabahayan.
BINABASA MO ANG
How To Make A Serial Killer
TerrorCrime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysterious businessman. What started as an unusual marketing scheme becomes a fight for survival when the "...
