----- CHAPTER 29 -----
Dazed and confused, all I could do was follow Donovan as he ran while holding my hand tightly. His previous claims kept echoing inside my head, hurting not just my mind but heart as well.
After the power went out, the red emergency lights on every corner of the ceiling turned on, now everywhere I look, all I see is a blurry shade of red.
"What's going on?!" Donovan yelled.
Namalayan ko na lamang na nasa billiard room na ulit kami. Kinurap-kurap ko ang mabibigat kong mga mata. Lalo pang nanlalabo ang panigin ko dahil sa pagiging kulay pula ng lahat.
Wala na ang musika sa paligid, pati na ang masasayang ngiti sa kanilang mukha.
"Brownout ba?" tanong ni Ashton.
"Malamang?" sarcastic na sagot ni Meow.
"Sakit sa mata ng mga pulang ilaw . . ." reklamo ni Lindsey na naupo na sa sahig habang sapo ang noo. Lumapit sa kanya si Meow at marahang pinayuko ang ulo niya.
"W-Wala naman sigurong masamang mangyayari, 'di ba?"
Ramdam ko ang kaba sa boses ni Micky sa tanong niya. Wala na ang kaninang sigla sa kanyang mukha.
"There's nothing to worry about. Nagkalat ang guards sa labas. Brownout lang 'to," tahasang giit ni Stu at napamaywang. "Donovan, nasaan pala ang fuse box?"
"It's in the basement," sagot ni Donovan kaya agad na umalis si Stu dala ang cellphone niyang naka-on ang flashlight.
"K-Kuya, sama ako!" Mabilis na sumunod si Bailey at kumapit sa balikat ng kuya niya.
Kuya . . . Fuck. This can't be. I'm not a Tramwell. For God's sake, I'm a Lozarte! Ako ang kaisa-isang anak nina Eliseo at Miranda Lozarte. Pamangkin ako ni Maynard Lozarte at mahal na mahal niya ako higit pa sa buhay niya. Kailanman, hinding-hindi siya magsisinungaling sa akin.
Nagkakamali lang sina Donovan at Andros. Hindi ko sila kapatid. Oo, 'yon nga.
Huminga ako nang malalim at winakli ang kamay ko palayo kay Donovan. Dahil sa ginawa ko ay napalingon siya sa akin. Hindi ko siya kayang tingnan sa mukha kaya nagbaba na lamang ako ng tingin sa sahig.
"Nasaan nga pala si Herb?" tanong ni Ashton.
"May kukunin lang daw siya sa kuwarto niya," sagot ni Meow.
Napakurap-kurap ako at nag-angat ng tingin, pilit na pinipigilan ang mga mata ko sa pagluha kahit pa nanunubig na naman ito. "I'll go to my room now. Good night, guys."
Bigla akong hinawakan ulit ni Donovan sa braso, dahilan para mapatingin silang lahat sa amin. "Let's wait for the lights to go back."
"May mga ilaw pa rin," giit ko sabay turo sa pulang emergency lights sa kisame.
"Then let's all gather in the living room," anunsyo ni Donovan. "Doon ka na rin muna matulog sa sofa."
"Guys, ang mga guwardya pala?" tanong ni Ashton. "Hindi ba nila tayo kukumustahin, kasi nga brownout, 'di ba?"
Sa puntong iyon ay nagkatinginan kaming lahat.
"Stay here with them!" Maawtoridad na sabi ni Donovan sabay turo sa akin. Dali-dali siyang pumulot ng billiard stick at tumakbo palabas.
Nasapo ko ang ulo ko at mariin akong napapikit. Huminga ako nang malalim nang maisip kung gaano kanipis ang billiard stick na dala niya. Isang hampas lang at mababali na agad ito.
BINABASA MO ANG
How To Make A Serial Killer
TerrorCrime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysterious businessman. What started as an unusual marketing scheme becomes a fight for survival when the "...
