----- CHAPTER 32 -----
"Let's go!" Humahangos man at luhaan, hinigit ko ang kamay ni Donovan.
Nagtakbuhan kami patungo sa pintuan, pero bago pa man namin ito marating ay bigla na lamang siyang huminto.
"Bakit?" Nilingon ko siya at nakitang nanlalaki ang mga mata niya habang nakatitig sa kawalan, para bang may pinapakiramdaman. "What's going on?"
"Can you hear that?" he whispered as his eyes darted to his left. Goosebumps ran against my skin as I followed his line of sight.
"There!" bulong ko sabay turo sa isa sa mga body bag na para bang gumagalaw.
Nagkatinginan kami ni Donovan bago dali-daling lumapit sa body bag. Pagbaba niya sa zipper, kapwa kami napabalikwas nang umahon mula rito ang duguan at humahangos na si Herb, impit na sumisigaw sa kabila ng nakabusal na bibig. Wala na ang lagi niyang suot na salamin.
"Shhh! Shh!" Dali-dali ko siyang nilapitan. Hinawakan ko siya sa pisngi at batok, saka mariing tinitigan sa mga mata. "Hey, it's okay! It's us! You're okay! Shhh!" paulit-ulit kong giit sa kanya nang pabulong hanggang sa muli na namang nauwi sa iyak ang mga salita ko.
Unti-unting humupa ang kanyang pagsigaw nang magtama ang mga mata namin, pero sa kabila nito ay patuloy ang marahas niyang paghangos at panginginig. "W-What happened?"
Pilit kong nilunok ang hikbi ko. Sa kabila ng mga luha ay mabilis ko siyang kinalagan, habang si Donovan naman ay isa-isang pinagbubuksan ang mga body bag.
Nang tuluyang makalas ang lahat ng lubid na nakapulupot sa katawan ni Herb, agad ko siyang niyakap sa baywang at inalalayan pababa sa mesa. He flinched at the pain he felt in his wounded shoulder, pero nakita kong pilit niya itong tiniis.
"Bart! Bart, wake up!"
Kapwa kami napalingon at nakita si Donovan na marahang tinatapik ang pisngi ng hilong-hilo pang si Meow. Pinasandal ko si Herb sa isa sa mga mesa at pinahawak sa kanya ang dala kong itak.
Habang tinutulungan ni Herb si Meow, nilapitan ko ang teleponong nakita ko ngunit wala na itong dial tone. Nagpatuloy na lamang ako sa pagbubukas ng mga body bag. Maya't maya akong napapasinghap sa tuwing isang bangkay ang sumasambulat sa akin pero pinipilit ko ang sariling magpatuloy. Ni hindi ko na pinansin pa ang amoy at lamig ng paligid.
"Lindsey!"
Narinig kong suminghap si Herb kaya napalingon ulit ako.
Kahit iika-ika at hinang-hina ay tumulong pala siya sa pagbubukas ng mga body bag, at nahanap niya ang walang malay na si Lindsey.
Magpapatuloy na sana ako sa pagbukas ng mga body bag nang naagaw ang atensyon ko ng isang napakalaking chest freezer na katabi ko lang. Parang may kung ano sa isip kong nag-uudyok na buksan iyon kaya ito ang ginawa ko.
"Ashton . . ." Nanlaki ang mga mata ko nang matagpuan ko siya sa loob, nakatulala at labis ang panginiginig. Nanigas ako sa gulat nang makitang nakahiga siya sa ibabaw ng mga bangkay na hubo't hubad, ang ilan sa kanila ay nakabuka pa ang mga mata.
Ashton let out a muffled cry the moment our eyes met.
Kagaya nina Donovan, may busal din siya sa bibig at nakatali ang buong katawan.
"Donovan . . ." Umiiyak akong napalingon. Mabilis naman siyang lumapit at tinulungan ako upang maalis si Ashton mula sa freezer.
"L-Lindsey won't wake up," nababahalang anunsyo ni Herb.
BINABASA MO ANG
How To Make A Serial Killer
HorrorCrime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysterious businessman. What started as an unusual marketing scheme becomes a fight for survival when the "...
