| 2o : Oh crap |

10K 924 645
                                        


----- CHAPTER 20 -----


Wala kaming kibuan ni Stu habang nasa loob ng sasakyan, patungo sa bahay ni Herb. Mukhang tensyonado si Stu, mahigpit ang hawak niya sa manibela at matulin ang pagmamaneho. Kahit ako man ay nag-aalala rin para kay Herb, pero hindi ko tuloy maiwasang maitanong — ano kaya ang kasalanan niya?

"Stuart . . ." kuha ko sa atensyon niya.

Hindi siya kumibo pero napansin ko mula sa gilid ng mata ko ang pagsulyap niya sa akin.

"Don't take it too personally if Herb ends up dying." Ako naman ang napasulyap sa kanya. "What happened to Julian wasn't your fault, so whatever it is that will happen to Herb and the rest of us, won't be yours as well. You can't save everyone."

His grip on the steering wheel only got tighter as he clenched his jaw. "It won't stop me from trying."

Papalubog na ang araw nang dumating kami sa area na tinitirhan ni Herb. Minsan na akong nakapunta sa bahay nila pero hindi ko maalala saan ang eksaktong lugar kaya naman hininto muna ni Stu ang sasakyan sa isang tabi at tinawagan si Herb, pero hindi siya sumasagot. Nagtanong-tanong kami sa mga taong dumadaan at mabuti na lang, may nakakakilala sa pamilya nila.

Huminto kami ni Stu sa isang bahay na katabi lang ang isang simbahan. Ito ang palantandaan na sinabi ng napagtanungan namin.

Kapwa kami bumaba mula sa sasakyan at nagkatinginan, nagkatanguan.

Naglalakad pa lang kami patungo sa gate nang bigla na lamang itong bumukas. Tumambad sa amin ang namumutlang si Herb na para bang abot-langit ang taranta. Pare-pareho kaming gulat na gulat sa isa't isa.

"What happened?" tanong kaagad ni Stu.

"I-It's not my card!" nanginginig na tugon ni Herb habang hinahabol ang sariling paghinga.

"What are you saying?" Nakunot ang noo ko at bigla akong nakaramdam ng kilabot.

"Ang kapatid ko ang nakapulot ng card dito mismo sa labas ng gate. May CCTV ang kapitbahay kaya pinatingnan ko kung sino ang naglagay — nahagip si Bart. Dumaan siya para kunin ang bag niya na naiwan sa akin. Habang nag-aabang ng masasakyan, nalaglag mismo mula sa kanya ang card," bulalas niya kaya nanlaki kaagad ang mga mata ko.

"Meow's the killer?!" That son of a bitch!

"No!" Umiling kaagad si Herb. "Bart's next!"

"Pero ikaw na mismo ang nagsabi? Nakita mo siya?" tanong naman ni Stu na gaya ko ay naguguluhan din.

"Nalaglag mismo mula sa mga bag niya ang card!" giit ni Herb. "B-Basta! Kailangan natin siyang puntahan! Siya na ang susunod na paparusahan!"

Nagkatingin kami ulit ni Stu, kapwa kunot-noo at hindi sigurado.

"Kanina ko pa siya hindi ma-contact! Siguradong nasa bahay lang siya! Tara na!" sigaw ni Herb at dire-diretsong nagtatakbo patungo sa backseat.

Hindi ko alam kung ano ang mas nakakagulat; ang mga nangyayari o ang pagsigaw sa amin ni Herb.

***

The cloud of tension is thick inside the car. Matulin ang pagmamaneho ni Stu sa madilim na daan at wala sa amin ang nagsasalita.

Mula sa rearview mirror ay sinusulyapan ko ang nakatulalang si Herb na mag-isa sa backseat. Magulo ang buhok at namumula ang mga mata, labis pa rin ang pamumutla ng kanyang mukha. Kahit wala pang Berdugo, lagi na siyang mukhang stressed at problemado, lalo lang lumalala ngayon.

How To Make A Serial KillerMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon