----- CHAPTER 39 -----
THIRD PERSON'S POV
"Kuya!" tensyonadong sigaw ni Donovan habang iika-ikang hinahabol ang kapatid paakyat sa pangalawang palapag ng police station.
Sinundan niya ang kapatid hanggang sa makapasok siya sa isang silid at madatnan si Andros na hawak sa kwelyo ang bugbog-saradong si Maynard sa likod ng bakal na rehas.
"Sir! Humihahon po kayo!" pag-awat ng pulis ngunit tila ba naglalagablab na sa galit si Andros.
"First my mother, and now, my sister?! How can you do that to someone who loved you more than her own life!" Tagaktak ang luha mula sa mga mata ni Andros na punong-puno ng poot. Namumula at bumabakat na ang mga litid nito sa leeg at sentido.
Napuno ng katanungan ang mukha ni Maynard dahil sa narinig. Napatulala ito at hindi kaagad nakapagsalita.
"Nasaan si Wren?! Saan siya dinala ng kapatid mo?!" bulalas naman ni Donovan, maluha-luha na rin dala ng labis na takot.
"A-Anong ibig n'yong sabihin . . ." hindi makapaniwalang sambit ni Maynard, papalit-palit ang nalilitong tingin kina Donovan at Andros.
"Don't play dumb!" sigaw ni Andros, nanlilisik ang mga mata. "You were grooming her to be a killer from the very beginning! Was she too soft for your wicked plans?! Ilabas ninyo ang kapatid ko! Wala siyang kasalanan! Ako! Ako 'yung may kasalanan! Ako 'yung nagmamaneho nang gabing 'yon at hindi si Mommy! Inako niya lang ang kasalanan ko!"
"Kuya . . ." Nanlumo si Donovan sa narinig.
"Ako ang dapat ninyong pinarusahan! Hindi si Mommy! Hindi ang kapatid ko!" Tuluyang tinupok ng matinding emosyon si Andros at tila ba tinakasan ng lakas. Unti-unting bumitiw ang nginginig nitong mga kamay kay Maynard, kasabay ng tuluyang pagbagsak ng mga tuhod sa sahig.
Umiiyak na nag-angat si Andros ng tingin kay Maynard. "Parang awa n'yo na! 'Wag ang kapatid ko! Wala siyang kasalanan! Simula't sapul, ako ang may kasalanan, hindi sila! Ako ang saktan ninyo!"
"Kuya!" Umiiyak na lumapit si Donovan sa kapatid. Pilit niya itong pinatayo ngunit tila ba napako na ang mga tuhod nito sa sahig. "Kuya!" Sa sobrang awa, walang magawa si Donovan kung hindi lumuha.
Sa loob ng maraming taon, ngayon niya lang ulit nakita ang kapatid na naging emosyonal.
"'Wag n'yo siyang sasaktan! Parang awa n'yo na!" pagmamakaawa pa ni Andros habang tumatangis, bagay na mas lalong ikinanlumo ni Donovan.
Napatingin si Donovan kay Maynard, at mas nagulat siya nang makita ang mga luhang pumapatak pababa sa mukha nitong wala nang emosyon.
"Young man, you need you to tell me what happened . . ." Marahas na lumunok si Maynard, tila ba nilalaban ang sariling emosyon. "What happened to your sister?"
"H-Hindi mo alam . . ." Napatulala ang humahangos na si Andros, napalitan ng labis na kalituhan ang mukhang kanina ay nag-aalab sa galit.
"Wren and Selene went to the hospice." Si Donovan na lamang ang nagsalita. "The staff found Selene with her throat slashed, but Wren and your brother are nowhere to be found."
Napasinghap si Maynard at napatulala. Nasundan ng sunod-sunod na paghangos. "G-Gising siya . . ." Hindi makapaniwala nitong sambit, luhaan at ngayo'y punong-puno ng takot ang mukha.
"Y-You didn't know?" naguguluhan tugon ni Donovan.
"G-Get me out of here . . ." tila ba wala sa sariling sambit ni Maynard, palinga-linga habang humahangos. Hindi mapakali. "I . . . I need to get out of here."
BINABASA MO ANG
How To Make A Serial Killer
HorrorCrime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysterious businessman. What started as an unusual marketing scheme becomes a fight for survival when the "...
