| 21 : Same feathers |

8.7K 897 799
                                        


----- CHAPTER 21 -----


Mabibigat ang aming bawat paghinga at ni isa ay walang nagsasalita. Nakaupo kaming lahat sa sahig, nagsisiksikan at tutok na tutok sa cellphone na hawak ko. Mula rito ay napapanood namin ang pagpupumiglas ni Ashton habang nakahiga sa walang lamang bathtub. Kahit nakabusal ang kanyang bibig, napakalakas pa rin ng kanyang bawat impit na sigaw.

Nakatutok sa kanya ang liwanag na para bang isang spotlight. Dahil dito ay malinaw sa amin ang pawisan at duguan niyang mukha.

"Ano 'yang pinapanood n'yo? Ba't may sumisigaw? Are you guys watching porn?!"

Sabay-sabay kaming nag-angat ng tingin at nakita ang isang babaeng nakasuot ng t-shirt na may mukha pa ni Harry Styles. She looked somehow similar to Herb, only she's a girl and way younger than him. I guess she's only around 16. Pareho silang may makapal na salamin.

"Umakyat ka sa kuwarto mo!" sigaw agad ni Herb.

"Did you just yell at me?!" bulalas ng kapatid niya.

"Hanna, doon ka muna sa kuwarto mo!" giit ni Herb.

The girl rolled her eyes and walked up the stairs, stomping angrily. "As if naman gusto kong manood! Tse!"

Sabay-sabay kaming napatingin ulit sa screen ng cellphone. Mula sa pagsigaw, naririnig na naman ang impit na palahaw ni Ashton.

"I-I have to do something . . ." balisang sambit ni Stu at parang wala sa sariling tumayo. Pati kaming tatlo ay napatayo rin.

"What are you going to do? Tell your comrades?" sarcastic kong bulalas. "Stu, you said it yourself! Hindi mo alam sino ang mapagkakatiwalaan doon! Odds are, those cops won't do anything because they will think that Ashton deserves whatever it is that's coming for him!"

"It's better than doing nothing!" giit niya sabay wakli ng kamay ko. "They'll find a way to track him down!"

Inagaw ni Stu ang cellphone ko na labis kong ikinagulat. "What the hell Stu! Give that back to me!"

"Kailangan 'tong mapanood ng mga kasama ko!" giit niya. "Pumunta tayong lahat sa station—"

"The video will disappear right after Ashton dies! It will be too late!" I argued. "Besides, this will only implicate me more to the case! Baka kung anong mangyari sa Tito ko kapag nalaman niya kung gaano na ako ka-involve sa kasong 'to!"

"Wren, you're being selfish!" Meow exclaimed. "Ashton's life is on the line here!"

"Everyone in this world is selfish!" I yelled back at him.

"Guys . . ." I heard Herb say but I could no longer hold my sentiments back.

"Ashton is as good as dead! Do you really think may magagawa pa tayo?!" I retorted.

"Tangina ka . . ." A look of disgust painted across Meow's face. "Ganyan ba talaga kasama ang ugali mo?"

"Come on, man . . . Don't be like that," awat ni Stu na agad pumagitna sa aming dalawa.

"Oo! Gulat nga ako na hindi pa ako kinukuha ng Berdugo!" Pagak na lang akong napahalakhak. Sa daming beses na may nagsabi nito sa akin, sanay na ako. "Get your head out of your ass! The Berdugo wants me to witness everything, not to have the chance to save anyone! Wala na tayong magagawa!"

"Guys!" sumigaw si Herb nang pagkalakas-lakas kaya pare-pareho kaming napatingin sa kanya. Dahan-dahang tinuro ni Herb ang cellphone na hawak ko, nakaharap pala sa direksyon niya ang screen nito.

How To Make A Serial KillerMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon