----- CHAPTER 33 -----
Napakurap-kurap ako at naaninag ko ang kulay puting kisame. Sinubukan kong gumalaw, pero namamanhid ang buo kong katawan.
"Tito . . ." namamaos kong sambit.
"Wren? H-Hey? Kumusta na ang pakiramdam mo?" Selene's gentle smile flashed before my eyes and I felt her warm hand on my cheek.
Napatingin ako sa gilid ko at nakita ang suwero na nakakabit sa akin, pati na suot kong kulay asul na hospital gown. Natakot ako bigla. "A-Anong nangyari? S-Si Tito? Nasaan siya?"
"You don't remember?" Selene's eyebrows furrowed, and that's when I noticed the tears pooling up her tired eyes.
"W-What happened?" Mariin akong napalunok. Tuyong-tuyo ang lalamunan ko at napakahapdi nito. Napakahirap magsalita, kahit huminga. "Why am I here?"
"S-Sandali lang, tatawagin ko si Andros. 'Wag ka munang gumalaw masyado, ha?"
Selene left, leaving me alone in my thoughts.
Napatitig ako ulit sa kisame at pilit na inalala ang nangyari bago ako mapunta rito.
"Wren, you're my sister and you're a Tramwell! Please, maniwala ka! Tayo ang pamilya!"
"I c-can't run any further. I'll distract the shooter. Ilayo mo si Wren d-dito. Make sure that nothing bad happens to her."
"I know I don't have the right to ask anything from you, but please, please make sure my sister makes it out alive."
Napasinghap ako dahil sa mga alaalang bumaha sa isip ko.
"Wren, kailangan na nating umalis!"
"Run . . . You have to . . ."
"I'm sorry . . . for always being a coward . . ."
I closed my eyes shut the moment I remembered everything. Hot tears rolled down the side of my face as I clutched the blanket under my hands. I bit my trembling lips, but no matter how hard I tried, a loud sob still escaped my mouth.
Pikit-mata akong pumalahaw, tila ba nawalan ng kontrol sa sarili kong emosyon. Sa sobrang bigat ng puso ko ay napapasigaw na ako.
"Wren!"
Narinig ko ang mga yapak na tumakbo palapit sa akin, hanggang naramdaman ko ang mainit na kamay na humaplos sa noo pataas sa ulo ko. "Wren? Wren, what's wrong?"
Idinilat ko ang mga mata kong nanlalabo dahil sa mga luha, at lalo lamang akong napahagulgol nang makita ko ang lumuluhang si Andros. Ang dress shirt niyang kulay puti ay halos maging kulay pula dahil sa mga mantya ng natuyong dugo.
Gone was the confident and brooding magnate that I knew. Instead, he now looks like a broken guy whose life was shattered in the blink of an eye.
"Hey . . ." marahan niyang sambit, may tono ng pang-aalo. "A-Anong prob—" kahit siya ay hindi rin nakatapos sa pagsasalita. Mariin siyang napapikit at napalunok, tila ba pilit na kinokontrol ang sariling emosyon.
"I-I'm sorry . . ." Ito lang ang tangi kong naibigkas sa pagitan ng pinaghalo kong hikbi at hagulgol.
Dumilat si Andros at umiling-iling, kasabay ng pagtulo ng kanyang mga luha. He bended down and continued to caress my head gently. "Everything is my fault. If I had just been a good son . . . If I had just . . ."
BINABASA MO ANG
How To Make A Serial Killer
HorrorCrime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysterious businessman. What started as an unusual marketing scheme becomes a fight for survival when the "...
