| 19 : Guilty |

9.4K 897 759
                                        


----- CHAPTER 19 -----


Tito:

Kumusta ka diyan?

Wren:

they should just call it a sadneral instead of funeral


Itinago ko ang cellphone ko at nag-angat ulit ng tingin sa paligid ng sementeryo. Karamihan sa mga nakikiramay ay nakasuot ng puti, maging kami. Lahat ay tahimik, taimtim na nakikinig sa pari na nagsasalita.

Kasama ko sina Stu, Herb, Meow, Ashton, at Lindsey na nakatayo sa isang tabi, malayo-layo sa ataul at mga nakikiramay.

Parang dinudurog ang puso ko habang naririnig ang palahaw ng mga magulang niya. Jasmine may have done awful stuff but she didn't deserve to die like that. The punishment shouldn't have been death.

"Man, iba talaga sa pakiramdam kapag kilala mo mismo 'yong nililibing," Meow commented all of a sudden.

"Ba't ka naman makikipaglibing sa 'di mo kilala?" pabulong na tugon ni Ashton.

"Shhh . . ." sita ni Stu sa kanila.

"Are you going to Julian's funeral?" Lindsey asked weakly.

Mariin akong napapikit nang maalala ang sinapit ni Julian. Nagsitayuan ang balahibo ko at nanlamig ang buo kong katawan nang bumalik sa isipan ko kung paano siya binuhusan ng kumukulong tubig ng Berdugo. What horrified me was the fact that Julian downed from drowning in that bath tub, which meant Julian had to endure so much pain before dying.

"Bahala kayo basta ako, 'di ako pupunta," Meow said.

"Bakit?" Napadilat ako at napalingon sa kanya.

"My classmates won't go too," walang kabuhay-buhay na sambit ni Lindsey. I can tell from her hoarse voice and puffy eyes that she had been crying all night.

"Why are they avoiding his funeral?" tanong ko pa.

"The guy was a perverted fuck." Meow bowed his head a little, trying to whisper in my ear. "Inamin niya raw mismo sa mga pulis na naglagay siya ng mga hidden camera sa female restrooms ng university tapos binebenta niya sa dark web. At heto pa, nang-catfish siya ng mga high schooler para makakuha ng nudes na ginagamit niyang pam-blackmail."

My jaw dropped. "A-Are you sure?"

"Siya na mismo ang umamin sa kasalanan niya, may video pa siyang pinost sa mismong Facebook account niya. Umiiyak siya, nagso-sorry sa lahat ng nagawan niya ng kasalanan," sabi pa ni Meow.

"Hindi pa rin ako makapaniwala na kaya niya 'yong gawin," paghihimutok ni Lindsey. "Ang bait-bait niya sa akin, eh . . ."

"Well, that's just how people are . . . Full of surprises." Napailing-iling na lamang ako.

"The Evil Ditch in the 8th circle of hell . . ."

Napatingin kami kay Herb nang bigla siyang magsalita. Walang kaemo-emosyon siyang nakatingin sa kawalan.

"Pinagsasasabi mo?" tanong ni Ashton.

"Julian was punished the same way how blackmailers were punished in the Divine Comedy," Herb replied, silencing us all.

"Ewan ko sa inyo." Ashton walked away, scratching his head in frustration. Pare-pareho namin siyang sinundan ng tingin habang paalis.

"Problema n'on?" Lindsey mumbled.

How To Make A Serial KillerMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon