----- CHAPTER 15 -----
Chaos ensued inside the van as we all panicked and screamed at the top of our lungs.
Without leaving his seat, Donovan was quick to grab his wounded friend inside the car. He lunged towards the driver-side door and closed the door shut.
"Call the cops! Call them now!" tarantang sigaw ni Donovan sa direksyon namin. Punong-puno man ng takot ang kanyang mukha, nagawa niya pa ring maiyos sa pagkakaupo ang kaibigan niya. Itinaas niya ang nanginginig niyang mga kamay sa direksyon ng palaso, pero hindi niya alam alin ang hahawakan. Patuloy ang pagbulwak ng dugo mula sa bibig at leeg ng kaibigan niya.
Donovan looked desperate to help his friend, but it was obvious that he had no idea what to do.
"S-Si John! Nasa labas pa si John!" sigaw ng lalaki sa tabi ko. Naalala ko kaagad ang isa ko pang katabi na lumabas din kanina.
Nakatali man, nagawa kong umusog patungo sa nakasarang bintana. Dumungaw ako at ganoon din ang katabi ko, pati na si Chua.
Naaninag namin 'yong John na nakahandusay na sa gilid ng kalsada, may nakatarak na mga palaso sa likuran. Bago pa man makakilos ang isa sa amin, bigla na lamang tumama ang isang palaso sa direksyon mismo ng mga mukha namin. Tumilapon kaming dalawa ng katabi ko papunta sa kabilang dulo ng upuan, sigawan sa sobrang gulat.
Nauwi sa sigaw ang singhap ko nang mapagtantong ang dulo lang ng palaso ang tumagos sa bintana. Nagkaroon man ng crack, hindi tuluyang nabasag ang salamin.
Kahit para na namang sasabog ang puso ko sa sobrang takot at kaba, pilit akong bumangon at huminga nang malalim. Sa kabila ng panginginig ng buo kong katawan, kinagat ko ang ibabang labi at humarap sa katabi kong umiiyak na.
"H-Hoy ikaw, makinig ka sa akin!" Marahas akong napalunok. "G-Get ahold of yourself and untie me! Untie me now!"
"A-Anong nangyayari?! Ayoko pang mamatay . . ." umiiyak at parang wala sa sariling sambit niya.
"Gago, ayoko rin kaya kalagan mo ako, gago!" sigaw ko naman sa sobrang taranta. I survived yesterday but I'm not so sure today! Shit! Gusto ko pang makauwi kay Tito nang buhay!
"G-Guys, wala akong signal! Mayroon ba kayo?!" umiiyak na bulalas ni Chua.
"Of course, there's no signal! Pinlano na 'tong lahat ng Berdugo!" bulalas ko naman.
"Anong pinagsasabi mo?!" sigaw ni Donovan.
Bago sumagot, nilingon ko si Chua. "Boy, I know you still have a presence of mind left on you! Grab my swiss knife, it's in my back pocket!"
Pinilit kong tumayo. Naguguluhan man, mabuti na lang at sinunod pa rin ni Chua ang sinabi ko. Hinugot niya ang swiss knife mula sa bulsa ko.
Mabilis akong humarap sa kanya at inangat ang dalawa kong mga kamay na nakatali sa isa't isa. Mangiyak-ngiyak man at labis ang panginginig, pilit niyang pinutol ang lubid.
"Your brother hired us to create a serial killer for your business! Nilikha namin ang Berdugo pero bigla na lang niya kaming iniisa-isa! Hindi namin—"
Muli na namang tumama ang palaso sa bintana. Sigawan ulit kami lalo't para bang isa-isa nang binabasag ng Berdugo ang mga bintana.
"We have to get away from here!" giit ko.
"We can't go anywhere with a busted wheel!" giit naman ni Donovan.
"We don't have a choice! We can't be sitting ducks in here!" I argued.
BINABASA MO ANG
How To Make A Serial Killer
HorrorCrime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysterious businessman. What started as an unusual marketing scheme becomes a fight for survival when the "...
