----- CHAPTER 40 -----
"L-Let's go! D-Donovan, let's go!" Pilit akong nagsalita sa pagitan ng bawat paghikbi.
"Kuya!" Donovan continued to wail and kept screaming for him over and over again.
Sobrang sakit para sa akin ng mga nangyayari, pero pilit kong itinatatak sa isip ko ang pakiusap ni Kuya. Mahirap, pero kailangan naming magpatuloy. Kailangang may makauwi sa amin. Kailangan naming makauwi, para kay Daddy.
"Let's go!" I begged, hugging him tightly as I cried. "Let's go! Please! Please! For Dad! Please! We have to get out of here! Donovan!"
Napatili ako sa takot nang umalingawngaw ang isang napakalakas na putok. Napalingon ako at mas lalo akong napatili nang makita si Papa na nakadungaw sa bintana ng truck, hawak ang isang baril.
"Run!" Donovan grabbed me by the arm and started running, dragging me with him.
We ran through the dark with nothing but the moon as our source of light. I could feel the wet grass grazing on my ankles, mud splattering with every step we make.
Tumakbo kami nang tumakbo hanggang sa parang naubusan kami ng lupang maapakan.
Nagsigawan kami ni Donovan kasabay ng pagkalaglag namin sa isang malaking hukay.
***
"Wren! Wren, wake up! Wren!"
Napakurap-kurap ako dahil sa boses ni Donovan, hanggang sa napagtanto kong nakahiga na ako sa braso niya. Hilong-hilo man, pilit akong bumangon.
Nanuot sa ilong ko ang amoy ng putik. Nilibot ko ang paningin, at nang makita ang lupang nakapaligid sa amin, saka ko lang naalala na nalaglag nga pala kami sa isang malalim na hukay.
Mariin akong lumunok at humangos, pero bago pa man ako makapagsalita, umalingawngaw ang isang boses sa itaas namin.
"Sino sa inyo ang gusto ninyong unahin ko?"
Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Papa sa itaas, hawak ang baril na nakatutok sa amin. Nasa likod niya ang maliwanag na buwan, saksi sa lahat ng kasamaan niya.
"She's your daughter!" Bigla na lamang akong hinila ni Donovan patungo sa likuran niya. Muli akong napaiyak nang mapagtantong pilit niya akong tinatakpan gamit ang sarili niyang katawan. "She may have our blood, but she's still your daughter, so don't you fucking hurt her!"
"Donovan!" Nauwi sa hagulgol ang tili ko.
"Spare her! You son of a bitch, spare her!" sigaw ni Donovan, nakadipa ang mga kamay, matakpan lang ako.
Pagak na humalakhak si Papa, hindi inaalis ang pagkakatutok ng baril sa direksyon namin. "I'll only accept her as my daughter if she kills you. Now, can you do that, Wren?"
Donovan stilled, but I could hear his heavy breathing.
I swallowed hard, shaking my head, but before I could even speak, Donovan faced me.
"No!" sigaw ko kaagad, muling umiling. "I won't!"
"Wren!" Donovan cried, holding me by the cheek. "Wren, you have to do it! Kayo na mismo ni Kuya ang nagsabi! For Dad! One of us has to come home for Dad!"
"Gago!" Napahagulgol akong muli. Nag-angat ako ng tingin kay Papa at mas lalo pang humagulgol. "Gago!"
Humalakhak muli si Papa at yumuko, itinukod ang mga palad sa kanyang tuhod. "Boy, just hug your sister and die together. Your father will surely follow the moment he learns that all his kids have gone to hell."
BINABASA MO ANG
How To Make A Serial Killer
TerrorCrime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysterious businessman. What started as an unusual marketing scheme becomes a fight for survival when the "...
