----- CHAPTER 11 -----
Ilang sandali akong hindi makagalaw dahil sa mga nasaksihan. I've seen snuff videos and crime scene photos before but nothing like this.
"T-Tito . . ." Sa kabila ng aking panginginig at paninikip ng dibdib, pilit akong tumayo at kumilos.
Bumaba ako sa sala, nanginginig ang kalamnan. "T-Tito?"
Wala sa sarili kong tinawag at hinanap si Tito Maynard hanggang sa may matagpuan akong isang sticky note na naka-magnet sa ref: Emergency sa hardware. Wag ka na pumasok. Pahinga ka lang.
The word emergency raised my alarm. Tinamaan ako ng matinding takot para kay Tito kaya dali-dali akong umakyat sa kuwarto at kinuha ang cellphone at wallet ko. Sumugod ako sa hardware suot pa rin ang pajama at intramurals shirt kong kupas.
Namanhid ako nang tumambad sa akin ang pinsala sa hardware. Basag ang mga salamin at kagamitan. Nagkalat ang bahid ng pintura at wasak na mga gamit sa sahig. Kahit ang mga monitor sa counter ay pinagwawawasak din. Napakagulo.
Nakaupo si Tito sa isang tabi, nakatulala habang sapo ang noo. Ang staff niya naman ay kita ang panlulumo habang naglilinis.
Lalapitan ko sana si Tito nang maagaw ang atensyon ko ng nakasulat sa dingding gamit ang pinturang pula: HELL.
"Fuck . . ."
Naikuyom ko ang kamao ko. Konektado ba ito sa Berdugo? Siya ba ang may gawa nito?
Agad nasagot ang katanungan ko nang magbaba ako ng tingin at makita ang isang pamilyar na plastic cup sa sahig. Mayroon itong kulay pink na likido at tatak sa cover, kapareho ng milkshake na binebenta sa canteen ng university.
Nanginig akong muli, at sa pagkakataong ito'y dala na ng labis na galit. Umalis ako at pumara ng taxi.
Nagbabaga ang matindi kong galit sa pagpasok ko ng Tramwell building. Hinarang agad ako ng guwardya at tinanong ang pakay. Bago pa man ako makapagsalita, tumawag sa pangalan ko.
"Wren?"
Nakita ko ang eleganteng ngiti sa mukha ni Selene.
"Kilala mo siya, Ma'am Selene?" tanong ng guwardya.
"I need to talk to Andros, now!" bulalas ko dahilan para maglaho ang ngiti sa mukha ni Selene. Sa kabila nito, tumango siya at sinenyasan akong sumunod.
"Is there any problem, Wren?" tanong niya habang nasa loob kami ng elevator pero hindi ko siya magawang tingnan. Diretso lang ang tingin ko, kuyom ang mga kamaong nanginginig, at mabigat ang bawat hininga.
"I have a jacket in my office that you can borrow," sabi niya pa at sakto namang bumukas ang elevator, hudyat na nakarating na kami sa pakay na palapag.
Despite my silence, Selene guided me towards a couch, just beside a door with Andros Tramwell Jr.'s name written on it. "Wait for a moment, I'll just see if . . ."
Hindi ko na pinakinggan pa si Selene at dire-diretso akong pumasok sa opisina. Malakas at marahas ang pagkakabukas ko sa pinto dahilan para magulat si Andros at ang matandang lalaking kausap niya — both of them are in suits, aura screaming rich businessmen in a meeting. Sad to say I don't give a shit.
"Sorry, Sir," I heard Selene say.
"Keep me updated with the developments," Andros continued speaking to the man, unfazed by my presence.
BINABASA MO ANG
How To Make A Serial Killer
TerrorCrime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysterious businessman. What started as an unusual marketing scheme becomes a fight for survival when the "...
