----- CHAPTER 31 -----
Naglabas siya ng baril at itinutok ito sa akin. Hindi na ako nakagalaw pa.
"Wren?! Wren what's going on?!" narinig ko ang mga sigaw ni Andros pero hindi ako makapagsalita, lalo't sinenyasan niya ako na manatiling tahimik. Bukod dito, sinenyasan niya rin akong tanggalin ang smartwatch at ilapag ito sa lupa.
Ginawa ko ang inutos niya at mabilis niya itong pinagbabaril, dahilan para mapaatras ako at mapatakip sa mga tainga ko.
Bumuntonghininga siya at tinutok ulit sa akin ang umuusok na baril. Muli akong napaharap sa kanya at unti-unting ibinaba ang mga kamay mula sa tainga ko.
"W-Who are you?" Halos hangin na lang ang lumabas mula sa bibig ko habang nakatitig sa mukha niyang wala halos pinagkaiba kay Stu.
Para nang sasabog ang puso at utak ko. Makailang ulit akong napapalunok, hinahabol ang hininga. Sa bawat paglipas ng sandali, lalo akong nilalamig at hinihingal.
Ngumisi siya at tumingala sa kalangitan, sabay silid ng mga kamay sa bulsa ng pantalon. Nagpakawala siya ng buntonghininga at nagbaba ng tingin sa akin. "You know what's the best part of having an identical twin brother, Wren?"
"Twin brother . . ." Napasinghap ako.
Kilala ng pamilya ko sina Stu mula pagkabata pero ni minsan ay wala akong narinig na may kakambal siya o hindi kaya ay ibang kapatid bukod kay Bailey.
Itinaas niya ang isang kamay at inilagay sa gilid ng bibig. "It's the switcheroo," bulong niya sabay tawa. "People fall for our shit every single time."
Humakbang siya papalapit sa akin kaya humakbang rin ako nang paatras, diretso ang matalim na titig sa kanyang mga mata.
"Come on, don't look at me like that! It's not my fault you never saw through our bullshit." Humalakhak siya at mas hinigpitan pa ang pagkakahawak sa baril. "If it makes you feel better, Stu and I have been doing this since we were kids. We basically mastered the act of portraying each other. Even our sweet Bailey falls for it sometimes!"
Naikuyom ko ang kamao kong nanginginig. "I-Is she in on this, too?"
Marahan niyang hinawi pataas ang kanyang buhok, animo'y sinusuklay ito. "Sa totoo lang, marami naman kaming kaibahan ni Stu . . . For starters, he has the most boring hairstyle. I had to stop wearing gel these past few weeks just to be him. You should see me with my slicked back hair. You'll fall for me at an instant." He clucked his tongue and winked at me. "The name is George, by the way."
All I could do was grimace in disgust. "N-Nababaliw ka na . . ."
"Hey!" Pabiro niyang sita sa akin, hindi matanggal-tanggal ang naglalarong ngisi sa kanyang labi. "It's 2019! Don't you know it's wrong to talk shit about mental illness?"
"Nababaliw ka na!" I screamed at the top of my lungs, glaring at him with spite and disbelief.
"Matagal na!" He screamed back at me with equal intensity, still laughing. "Anti-social, psycho, siraulo, nasapian ng demonyo, antichrist, halang ang kaluluwa, kriminal, gwapo—you can say whatever you want, I don't really give a damn . . ."
Habang nakatitig sa kanyang mukha, hindi ko mapigilang maisip si Stu. Naalala ko kung paano kami ulit nagkita sa hardware ni Tito. Kung paano niya ako nginitian at inasar-asar. Was it all fake? Was that George, too? Did I ever really meet the real Stuart?
"What's with the tears, Ren with a W?" he asked, still with a grin.
Napahawak ako sa pisngi ko at doon ko lang namalayang lumuluha na naman ako. Huminga ako nang malalim at pilit na tinatagan ang sarili ko. "Was it you the entire time? Was it you when—"
BINABASA MO ANG
How To Make A Serial Killer
TerrorCrime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysterious businessman. What started as an unusual marketing scheme becomes a fight for survival when the "...
