----- CHAPTER 14 -----
"Naririnig mo ba ako? Miss?"
Paulit-ulit kong kinurap-kurap ang mga mata ko. Napakalabo ng paligid pero may naaninag akong mukha sa harapan ko. Sinubukan kong bumangon at naramdaman kong may umalalay sa akin hanggang sa makaupo ako.
Mariin akong pumikit at huminga nang malalim. Pagdilat ko ay nakita ko ang asul na liwanag na nagmumula sa isang sasakyan. Ngumiwi ako at umiwas ng tingin dahil sa pagkasilaw.
"Makakatayo ka ba?"
Nag-angat ako ng tingin at napagtantong isang pulis ang nakaluhod sa harapan ko. Tumango ako at mabilis inilibot ang tingin sa paligid, saka ko lang napagtanto na nasa kakahuyan ako.
"Ang mga kasama mo ba ang hinahanap mo?"
Kunot-noo akong napatingin ulit sa pulis. Bigla kong naalala sina Julian at Herb . . . pati na si Kenzo.
Pagpasok sa likod ng police car, nakita ko sina Herb at Julian na kapwa walang malay. Naupo ako sa tabi nila at napasandal sa nakasara nang pinto ng kotse. Napabuntonghininga ako saka unti-unting napapikit.
***
"Dahan-dahan . . ." saway ni Detective Medel.
Hindi ako nakinig at dire-diretso kong nilagok ang laman ng bottled water hanggang sa maubos. Binagsak ko ito sa mesang nasa pagitan namin.
"Can I have another?" Malalim at namamaos ang boses ko dala ng labis na pagsigaw.
Sinipat ako ni Detective Medel bago siya tumayo at lumabas.
Umikot ako at humarap sa dingding na may napakalaking salamin. Itinaas ko ang nanginginig ko pa ring mga kamay at sinubukang iayos ang napakagulo kong buhok. Bukod dito ay napakarumi pa ng mukha ko, idagdag pa ang mga galos sa braso at talampakan ko.
Bumukas ang pinto at pumasok si Detective Medel na may dalang isa pang bottled water at may cupcake na rin. Nice.
"Pahingi rin po sana ng wet wipes at panali sa—"
"Elianna, sagutin mo nga muna ang mga tanong ko!" iritadong bulalas ni Detective Medel at padabog na binagsak ang mga bote ng tubig sa harap ko.
Humarap ako sa kanya at kinuha ang bottled water. "Julian and Herbert probably told you everything already. My story is the same as theirs."
"Elianna, gusto kong marinig mula sa iyo ang nangyari," seryosong niyang giit kaya naman ibinaba ko na lamang ang bottled water at napatitig sa kanya.
Kinuyom ko ang mga kamay kong nanginginig pa rin. "He killed Kenzo right in front of us . . ."
Napapikit ako nang muling bumalik sa isip ko kung paano niya tinaga nang ganoon si Kenzo . . . kung paano niya tinapakan ang pusong pumipintig pa.
Naduwal ako sa naalala, mabuti na lamang at may basurahan sa likuran ko. Mabilis kong pinunasan ang bibig ko at humarap ulit kay Detective Medel. Inabutan niya ako ng panyo kaya ginamit ko itong pamunas sa mga mata kong naluha.
"Tungkol sa kaibigan ninyo, hindi namin nahanap ang bangkay niya. Hindi n'yo ba talaga naalala saan niya kayo dinala?"
"We were already in our cages when I woke up. It was too dark. I can't even remember what happened before we woke up again in the woods." Umiling ako at uminom ng tubig. "P-Paano n'yo nga pala kami nahanap?"
"Nakatanggap kami ng tawag mula sa isang anonymous caller, sinasabing nandoon kayong tatlo at kailangan ng tulong."
Lintik na Berdugong iyon.
BINABASA MO ANG
How To Make A Serial Killer
Kinh dịCrime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysterious businessman. What started as an unusual marketing scheme becomes a fight for survival when the "...
