| 25 : Dead |

9.2K 893 446
                                        


----- CHAPTER 25 -----


"You're making a big mistake! I was framed!" Halos magwala ako habang nakadapa sa lupa, nakaposas ang mga kamay na nakapatong sa ibabaw ng pwetan ko.

Isinuko ko na ang baril kanina pero tinuhod pa rin ako ng isa sa mga pulis, dahilan para bumagsak ako.

Nagtakbuhan ang ilan sa mga pulis papasok sa pinanggalingan ko, armado ng mga baril at flashlight.

"Get your fucking knee off me! Ang bigat mong kalabaw ka!" Nalalasahan ko na ang lupa dahil sa pagkakadikit ng mukha ko sa sahig. Pilit kong tinatagilid ang mukha ko pero mas lalong binibigatan ng pulis ang pagkakapatong ng kanyang tuhod sa likuran ko. "My boobs hurt! Utang na loob! Pakinggan n'yo nga ako!" Halos maiyak na ako sa sobrang galit.

"'Wag kang magpumiglas!" giit ng pulis, at siya pa 'tong galit na galit.

Narinig ko ang malutong na kaluskos na tila ba gawa ng isang sasakyang mabilis na huminto. "Get the hell off her this instant!"

Nagulat ako nang bigla kong narinig ang isang napakalakas na sigaw ng isang babae. Parang nagulat din ang pulis at bahagyang gumaan ang kanyang pagkakadagan sa akin.

"Wait, what?" Napasinghap ako at bahagyang inangat ang ulo ko. Naibuga ko nang wala sa oras ang lupang pumasok na sa bibig ko nang makita si Selene na parang galit na galit. Malayong-malayo sa kanyang eleganteng postura.

***

Halos kapusin ako ng hininga habang nilalapatan ng first aid ang mga paa kong tadtad ng ng mga sugat.

"Do you want to hold my hand, Wren?" tanong ni Selene habang kapwa kami nakaupo sa likuran ng ambulansya. Para siyang isang supervisor na nanonood sa medic habang ginagamot ako.

"Do I look like a kid to you?" pagtatapang-tapangan kong sabi kahit pa halos maihi na ako dahil sa hapdi. Sa sobrang tensyon ng mga pangyayari kanina, ni hindi ko namalayang nakapaa lang ako. Ni hindi ko napansin na nagsugat-sugat na ako sa katatakbo.

Selene sighed, wistfully looking at her wristwatch. Kakaiba rin 'tong babaeng 'to eh, pinong-pino kung gumalaw. Mas kagalang-galang pang tingnan kumpara kay Andros.

Hindi ko alam anong sinabi niya sa mga pulis, pero kung ano man iyon, ito ang dahilan kung bakit ako pinakawalan. Nagpatawag pa sila ng ambulansya para sa akin.

"We should get you to the hospital. Sir Andros' flight will arrive in an hour. He'll meet you as soon as he can," muli niyang giit kahit pa kanina pa ako tumatanggi.

"I won't go to the hospital. Hihintayin ko muna sila," giit ko at muling napatingin sa slaughterhouse. Hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalabas ang mga pulis at wala pa rin kaming balita kung kumusta na sila.

No wonder there were meat hooks and chains, sa slaughterhouse pala kami dinala ng Berdugo. And to think we were just there the other night.

May umugong na ingay at nakita namin ang paglabas ng mga pulis na may kargang mga tao. Sinubukan kong tumayo pero mabilis akong pinigilan ni Selene at ng medic na umaasikaso sa akin.

"Stay there. I'll check on them. Do not move or I will drag your ass to the hospital myself," maawtoridad na sambit ni Selene bagay na lubos kong ikinagulat. Sa sobrang gulat, para akong tangang tumango habang nakaawang nang bahagya ang bibig.

Akala ko Dalagang Pilipina, medyo thug life pala.

Sinundan ko ng tingin si Selene sa pagbaba niya mula sa ambulansya kaso hindi ko na masagap ang direksyong tinahak niya.

How To Make A Serial KillerMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon