----- CHAPTER 12 -----
Unknown:
Si Herbert 'to. Mag-usap tayo.
How the hell did he get my number?
Wren:
Call
Unknown:
Let's meet
Wren:
It's 10pm
Just call or text
Wag na maarte
Unknown:
It's urgent. Please?
What could be so urgent that he wants to meet in the middle of the night? And since when did he have the courage to ask me for a favor? He can't even look at me in the eyes for a long time!
Kakaiba ang pakiramdam ko kaya naman naisipan kong tawagan siya, ngunit hindi naman siya sumasagot.
Wren:
Answer my call
Unknown:
I can't talk
Please let's just meet
Wren:
Answer my call first
Nahiga ako sa kama ko. Hindi ko namalayang mahigpit na pala ang hawak ko sa cellphone, inaabangan ang tugon niya. Ngunit lumipas na ang isang oras, hindi pa rin siya sumasagot.
Nagising ako dahil sa pagkatok ni Tito sa pinto. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako kakahintay ng reply niya. Sinilip ko kaagad ang phone ko ngunit wala pa ring mensahe. Sinubukan ko siyang tawagan ulit at mabilis akong napabangon mula sa kama nang sa wakas ay may sumagot mula rito.
"Kaano-ano mo ang may-ari ng cellphone na 'to?"
Nagulat ako sa boses na bumungad sa akin.
"Wren! Breakfast is ready!" sigaw ni Tito mula sa labas.
"Sandali lang po! Bababa na!" sabi ko na lamang bago muling ibinalik ang atensyon sa kausap. "Sino 'to?"
"Ako si Detective Medel mula sa Valesca Investigative Unit. Kaano-ano mo si Ms. Jasmine Blanca?" tanong pa niya kaya agad nakunot ang noo ko. He's the detective I talked to the other day! And why the hell is he asking me about Jasmine?
"Sh-She's a colleague . . ." I bit my lip and swallowed hard. Huminga ako nang malalim at sandaling nasapo ang noo ko. "So, this is Jasmine's number and not Herbert's . . ."
"Ma'am, natagpuan po namin si Ms. Blanca na walang buhay. Alam mo ba kung paano mako-contact ang mga magulang niya?"
"I don't know . . . I just met her recently," sabi ko na lamang. Naghahalo-halo na ang lahat sa isip ko kaya pinutol ko na lamang ang tawag.
Was I supposed to be the next victim?
***
"Wren, naman. Minsan lang tayo makakapag-bonding nang ganito. Ano bang problema at kanina ka pa napapatulala?" tanong ni Tito habang nasa sala kami at nanonood ng kung ano-anong palabas sa Netflix. Nagre-renovate sila sa hardware at sa bahay lang si Tito kaya naman niyaya niya akong mag-movie marathon bago ang evening classes ko.
BINABASA MO ANG
How To Make A Serial Killer
HorrorCrime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysterious businessman. What started as an unusual marketing scheme becomes a fight for survival when the "...
