| 38 : Cruel |

8.7K 1K 1.4K
                                        


----- CHAPTER 38 -----


Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at sumilip sa loob. Mabigat man ang kalooban, kahit paano ay napangiti ako nang makita si Herb na mag-isa sa silid niya. Ilang araw ko nang sinusubukang bumisita pero lagi niyang kasama ang pamilya niya, mabuti na lang at natiyempuhan ko siya ngayon nang mag-isa.

"Hey . . ." I smiled and waved at him even if I know he wouldn't see. Selene told me there's a chance that he would hear me, and I'm willing to hang on that chance no matter how futile it may seem.

Maulan sa labas at sobrang maputik pa sa shortcut na dinaanan namin ni Donovan kaya naman naisipan kong hubarin ang sapatos ko bago tuluyang pumasok.

Paglapit ko sa kanya, ibinaba ko ang hoodie sa ibabaw ng ulo ko at ginulo nang kaunti ang basa kong buhok. "I wanted to bring flowers, or anything to brighten up the room, but shit kinda happened. Ni hindi ako nakapagbihis. Hindi mo nakikita, pero I'm still wearing the black dress I wore earlier for my mother's service."

Naupo ako sa maliit na upuang nasa gilid niya at tinitigan ang kanyang mukha, lalo na ang mga mata niyang nakapikit. Sa kaloob-looban ko ay pinagdadasal kong sana ay bigla siyang dumilat, o kahit magalaw man lang niya sana ang talukap ng mga mata.

Herb's face looks pale and puffy. Aside from the machines, there's also a tube attached inside his mouth. He looks at peace, but to me, it's not enough. I want him to wake up. I want to talk to him. I want to poke fun of his nerdy antics. I miss how he gets flustered every time I try to mess with him.

"Gumising ka na, oh . . ." I pleaded, mindlessly smiling at him. "Babawi pa si Donovan sa lahat ng pambu-bully niya sa 'yo."

"Alam mo, muntik kitang hindi mabisita ngayon kasi nag-away kami ni Andros kanina, mabuti na lang medyo kriminal ang utak ng Donovan na 'yon. Biruin mo? May lagusan pala siya doon sa mansyon na ginagamit niya sa tuwing tumatakas. I left a note for Dad, though. Ayokong mag-alala ang matandang 'yon, mamaya baka mapaano pa."

I sighed, looking down on the floor as tears pooled up my eyes again. "I feel so guilty whenever I look at him . . . whenever I look at them . . . I'm supposed to hate my Tito for what he did, pero bakit hindi ko magawa?"

Pinunasan ako ang mga luha ko at marahas na bumuntonghininga. "Sorry ha, kung ikaw pa ang sinasabihan ko ng sama ng loob . . . Buong buhay ko kasi, si Tito ang naging sandalan ko. Lahat ng sama ng loob, sa kanya ko binabahagi . . . pero ngayon, hindi ko na alam. It's not like I can confide to my real family. Sasama lang ang loob nila kapag nlaman nila kung ano talaga 'tong tumatakbo sa isip at puso ko. At least ikaw natutulog lang, wala kang choice kung hindi makinig sa akin, wala kang chance na mapagalitan ko."

Lumuluha man, kahit papaano ay nagawa kong matawa. "Sa 'yo ako magbubuhos ng sama ng loob, ha? As long as you're asleep, you'll gonna have to listen to my woes."

"So, if you're tired of listening to me . . ." I reached out to his hand and held it gently. "Wake the fuck up, nerd."

***

"Tagal mo naman!" reklamo ni Donovan na halatang nabagot sa kakahintay sa akin sa cafeteria ng ospital.

"Sino ba kasing nagsabi na hintayin mo ako?" pasinghal kong tugon sa kanya. Sa kabila nito, lubos ang pasasalamat ko sa kanya dahil tinulungan niya akong makaalis ng mansyon kahit sandali para makahinga.

Donovan and I are still dressed in black semi-formal clothes, the same clothes that we wore earlier for our mother's funeral. Kapwa namamaga pa ang mga mata at namamaos ang mga boses namin sa kaiiyak, pero heto siya at sinamahan pa rin ako sa pagtakas.

How To Make A Serial KillerMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon