----- CHAPTER 22 -----
Sumirko ang paningin ko at namanhid ang mukha ko. Hilong-hilo man, dinampot ko ang cellphone ko at pinilit kong gumapang hanggang sa makatayo.
Namalayan ko na lang na pasuray-suray akong tumatakbo sa madilim at maruming pasilyo, tanging ang flashlight lamang ng cellphone ang nagsisilbing gabay. Panay ang sigaw at mura ko lalo na't naririnig ko ang mabibigat na yapak na nakasunod sa akin.
Narinig ko ang muling pagsigaw ng taong grasa. Umungol siya na para bang isang hayop na labis na nasaktan, kasunod nito ang pagkalansing ng bakal sa sahig. Napagtanto ko kaagad ano ang ginawa niya — hinugot niya ang swiss knife kong nakatarak pa sa balikat niya at hinagis ito sa sahig.
"Wren?!"
Narinig ko ang malabong boses ni Stu kaya mas lalo akong napatili.
Humahangos akong napalingon at nakita kong sobrang lapit na ng taong grasa sa akin. Punong-puno ng galit ang malalim at namumula niyang mga mata!
Halos mawasak ang bibig at lalamunan ko dahil sa pagtili. Lalo akong kumaripas ng takbo hanggang sa maaninag ko ang hagdan.
"Wren!" Lumitaw ang humahangos na si Stu na kararating lang sa tuktok.
"Takbo!" Winasiwas ko ang kamay ko. "Takbo!"
Namilog ang mga mata ni Stu nang mapatingin siya sa likuran ko. "S-Sino . . ."
I succumbed to my fear and did the only thing I thought of — I jumped to my left and dropped to the floor, slamming down on the dirt and dust. I looked up, only to see the man run straight towards Stu.
Sa sobrang bilis ng pangyayari, napasinghap na lamang ako.
Hindi nakontrol ng taong grasa ang sarili niyang bilis at nagdire-diretso siya patungo kay Stu. At si Stu naman ay hindi na nakailag pa. Pareho silang natumba pababa sa hagdan.
"Stu!" Mabilis akong tumayo at nakita ko sina Herb at Meow na nakahinto sa gitna ng hagdanan, kapwa humahangos at hinahabol ang kanilang mga hininga, walang kamalay-malay sa paparating sa kanila.
"Ilag!" Sumigaw ako sa abot ng makakaya.
Parang naging slow-motion ang lahat. Sabay na nag-angat ng tingin sina Herb at Meow nang makitang matatamaan na sila ng bulto ni Stu at ng taong grasa, pero huli na.
Para silang naging bowling pins na pare-parehong gumulong pababa ng hagdanan hanggang sa tuluyan silang bumulagta sa napakaruming sahig.
"Guys?!" Napahiyaw ako at tinutok sa direksyon nila ang flashlight ng cellphone ko.
"Aray!" Stu grunted as he crawled on the floor. Hindi malayo mula sa kanya ang pumapalahaw na taong grasang yakap-yakap ang tuhod.
"Stu, be careful! Your gun might blow off!" palala ko kaagad. "G-Get that hobo! Get that hobo!" sigaw ko. Pinasadahan ko ng liwanag sina Meow at Herb. "Guys! You okay?!"
"I-I'm okay!" Meow screamed with a sigh of relief.
"Ako, hindi!" Iyak ni Herb na nadaganan pala ni Meow.
The four of them kept grunting as they laid painfully on the floor. There's three of them and there's only one crazy hobo. Sa tingin ko ay kaya na nila ang mga sarili nila kaya binalikan ko kaagad si Ashton.
Pinulot ko ang swiss knife ko nang madaanan ito at dali-daling pumasok ulit sa silid.
Tiniis ko ang lamig, nilublob ko ang mga kamay ko sa bathtub at hinila si Ashton sa balikat. Hirap na hirap man, nagawa ko siyang maihon mula sa tub at mailaglag sa sahig.
BINABASA MO ANG
How To Make A Serial Killer
HorrorCrime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysterious businessman. What started as an unusual marketing scheme becomes a fight for survival when the "...
