| 27 : Next |

9K 981 1.7K
                                        


----- CHAPTER 27 -----


"Tits, inumin mo lagi ang gamot mo at matulog ka nang maaga. Mag-text ka lagi kapag gising ka na or papatulog ka na, kung pwede tumawag ka. 'Wag kang basta-bastang iinom o kakain ng kung ano-ano, lalo na kung galing sa ibang tao. Mag-lock ka palagi ng pinto tapos tumawag ka agad ng pulis kapag may napansin kang kakaiba. Laging may nakabantay sa 'yo sa labas pero mag-iingat ka pa rin," bilin ko kay Tito habang nakayakap sa kanya nang mahigpit. Pilit kong pinipigilan ang sarili kong maiyak lalo't alam kong mas mahihirapan siya kapag nakita niya akong malungkot.

Narinig ko ang pagbuntonghininga ni Tito at mas humigpit pa ang yakap niya sa akin. Napapikit ako at napangiti nang maramdaman ko ang marahan niyang paghimas sa ulo ko at paghalik niya sa tuktok nito.

"Mag-iingat ka rin palagi doon at 'wag nang makikipag-away. Palagi mong tatandaan na kahit anong mangyari, mahal na mahal ka ni Tito."

"Tito naman, eh . . ." Napangiwi ako kasabay ng tuluyang pagpiyok ng boses ko. Ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib niya at marahan ko siyang hinampas sa likod.

Tumawa siya. "Hindi ba nakaka-touch 'yon?"

Umiling-iling ako. "Saka ka na magsabi ng ganoon kapag okay na ang lahat. Tunog namamalaam ka, eh!"

"Namamaalam naman talaga ako," pabalang niyang biro. "Aalis ka, 'di ba?"

"Ah, basta." Napapadyak ako. "Ayoko ng ganun!"

Lalong tumawa si Tito. "Ewan ko sa 'yong bata ka . . . Sige na, kanina pa naghihintay sa 'yo ang mga Tramwell."

Bahagya akong kumawala kay Tito at lumingon. Nakatayo na sa tabi ng sasakyan ang magkapatid na Tramwell, walang emosyong nakatingin sa amin.

"'Wag na lang kaya akong tumuloy?" Napabusangot ako.

"Tumuloy ka. Para sa 'yo rin yan," giit ni Tito at marahan akong itinulak patungo sa direksyon nila.

"Tito naman, eh!" Humarap ako ulit kay Tito at ngumuso. "Hindi mo ba ako mami-miss?"

Marahan akong hinawakan ni Tito sa balikat at nginitian. "Mami-miss, pero kailangan kong masanay. Ikaw, kailangan mo rin . . ."

Dahil sa sinabing iyon ni Tito, tuluyan nang kumawala ang luhang pilit kong pinipigilan.

"Wren naman . . ." Tito's eyes began to water as he wiped my tears. I noticed how cold his fingers were as he touched my cheek; they were even trembling. "Nga pala, birthday mo na pala sa makalawa. Mag-video call tayo buong araw, ha?"

"P-Pwede bang after birthday ko na lang ako aalis?" nanginig ang mga labi ko.

Umiling si Tito. "Buong buhay mo, halos taon-taon tayong magkasama sa birthday mo. Sa taong 'to, gusto kong ang mga kaibigan mo naman ang kasama mo. Magpalibre ka sa mga Tramwell tutal mukhang kasundo mo naman sila . . ."

"Wren?"

Kapwa kami napalingon ni Tito at nakita si Andros na may tipid na ngiti sa kanyang mukha. Naramdaman ko ang pagbitaw ni Tito sa balikat ko.

"Sige na, pumasok ka na sa sasakyan." Ngumiti sa akin si Tito at tumango-tango.

Napakagat ako sa labi ko at tumango. "Opo . . ."

Paglapit ko sa sasakyan, napangiwi ako nang binuksan ni Donovan ang pinto sa backseat. Did this son of a bitch just open the door for me?

Pag-upo ko, pumasok din si Donovan at naupo sa tabi ko. Saka ko lang napansin na nasa driver's seat pala si Selene at nagbabasa ng libro, tuwid ang upo at pinong-pino ang bawat galaw.

How To Make A Serial KillerMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon