Chapter 5

568 29 17
                                    


Takot ang lahat kay Mayor Calixto Olmedo Hernandez. Sa labinlimang taon nitong panunungkulan sa puwesto, tinagurian itong bakal na kamay ng Medellin. Ilang ordinansa ang pinatupad sa Medellin habang nanunungkulan ang naturang Mayor. Kabilang sa ordinansa ang pagbawal sa pananakit sa mga babae at ang pagpapakulong sa mga tao o organisasyong mahuhuling nag-i-illegal logging sa anumang parte ng munisipalidad.

Ang nahuhuling lumabag sa ordinansa ay pinapatawan ng parusang pagkakulong o hindi kaya'y binibigyan ng karamtang multa at parusang paglilinis sa isang buong kumunidad.

Kaya naman nang makita niya ang seryoso nitong mukha ay halos manginig ang tuhod niya. At nang dumapo ang matalas nitong mga mata sa kaniya ay tinakasan ng kulay ang buong mukha niya.

Takot siya rito, dahil minsan na niyang nakita kung paano magalit ang ama ni Gideon sa isang local news. Simula noon ay ayaw na niyang makaharap ang Alkalde.

"Napakagandang bata. Hindi nakakapagtatakang pinag-uusapan at hinahangaan ang ganda sa munisipyo," sabi ng Mayor.

Narinig niya ang mahinhing tawa ng kaniyang ina. Napalunok siya. Ang malago at baritonong boses ng Mayor ay taliwas sa malalim at malamig na boses ni Gideon. Hindi siya sanay. Para siyang sinisentihan sa harap ng korte. Minabuti niyang ibaling ang tingin sa mga prutas na nakalagay sa charcuterie board. Pinagsiklop niya ang mga daliri sa ilalim ng mesa.

Sitting in that long wooden table with just the five of them is the worst feeling for her. Pakiramdam niya ay sinasakal siya sa tension at takot niya kay Mayor Calixto. Kahit nasa magkabilang gilid niya ang ama at ina, hindi pa rin niyon naibsan ang kabog sa dibdib. Isama pa ang panaka-nakang tingin ni Gideon sa kaniya.

"Kung sinamahan mo sana si Nilda noong isang buwan, hindi ka na magugulat sa alindog ng aking anak." Itinaas ng ama ang tasa at bahagyang sumimsim sa umuusok na kapeng mais.

"Maraming gawain sa munisipyo." Sumimsim din ang Alkalde ng kape. Binaba nito ang tasa sa mesa saka muling tumingin sa ama niya. "Nakarating sa akin na ilang araw na nanatili itong aking anak sa inyong mansiyon. At sa palagay ko ay mukhang nagkakamabutihan na ang dalawang bata."

Natawa ang ama niya. "Siyanga." Saka umikhim. "Kumusta ang iyong asawa?"

Narinig niya ang buntong-hinga ng Alkalde. "Nagpapagaling pa rin sa Mandaue, at luluwas kami ng Maynila sa makalawa upang doon ipagpatuloy ang gamutan. Ngunit nais ng aking asawa na madaliin ang kasal. Kaya sa pangalawang pagkakataon ay namamanhikan ako bilang kahalili ng aking butihing Nilda. Ang pamilya Hernandez na ang bahala sa resepsiyon at iba pang bagay. Inihanda ko na rin ang husgado at bukas na bukas ay maaari na silang pumirma ng kontrata. Ayaw lumuwas ni Nilda hangga't hindi nadadala ng iyong unica hija ang apilyedo ng aming anak."

Lihim siyang umismid. 'Civil marriage, huh? But I'm only 19. Saka, ayokong matali nang maaga!'

Nag-angat siya ng tingin sa Alkalde. Bumaling din ito sa kaniya. Matalim ang titig nito kaya bahagya niyang binaba ang tingin at napalunok. Natawa si Calixto. "Pinalaki niyong mahinhin ang inyong anak. Tingnan ninyo at mukha siyang natatakot na tupa sa aking mga mata!"

Umakyat sa pisngi ang dugo niya. Narinig niya ang mahinang tawa ni Gideon at ni Don Sebastian. Nakita naman niya sa gilid ng mata ang pagngiti ng ina.

"Hindi maganda sa babae ang sobrang madaldal. Pinagmamalaki ko si Jewel, Alkalde. Napakabuti niyang anak. May delikadesa at lumaking puro na punong-puno ng aral mula sa kanyang namayapang lola," nakangiting sambit ng ina.

Kung wala pa siya sa harap ng mga ito ay tiyak na napaubo na siya. Minsan kasi, nakokonsensya na siya lalo na sa tuwing pinagmamalaki siya ng ina. Gusto niyang magkamot ng batok. Medyo hindi siya sang-ayon sa sinabi nito dahil sa hilig niya na ginagawa niya nang pasikreto.

Moonlight Serenade (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon