Chapter 29

284 18 0
                                    

Nilapat niya ang hintuturo sa mga labi para patahimikin si Dalya. Nakagat niya ang labi at sinenyasan itong tumakbo papasok sa kuwarto niya.

"Kailangan mong gumising ng alas-kuwatro bukas. Hindi mo naman gustong mawalan ng tuluyan ang Municipal scholarship, hindi ba? Jewel? Jewel nakikinig ka ba?"

Bumaling siya ulit kay Gideon at mabilis na tumango. "Of course, I'm listening. Hindi naman ako bingi." Hilaw siyang tumawa.

Naningkit ang mga mata ni Gideon sa kaniya. "Namumutla ka. May sakit ka ba?"

"Wala! Wala... ano ka ba! Nag-alala ka naman agad," natatawa niyang saad. Pasimple niyang pinahid ang namuong pawis sa noo. "Okay, are you done? I need to go back to my room. You know... magchi-chitchat pa kami ng friends ko."

Nangunot ang noo ni Gideon. "Akala ko ba pinutol mo na ang pagkakaibigan niyo?"

Nanlaki ang mga mata niya at ngumiti. "Of course, puputulin ko pa. You know... last statement before we say our goodbyes?"

Bumuntong-hinga si Gideon. "Alright. Mamayang alas-tres, magbihis ka. May pupuntahan tayo mamaya."

Tumango siya. "Sige, I like that." Pinakita niya ang ngipin at kumurap-kurap.

Napailing si Gideon. "Something's off with you," anito bago tumalikod at naglakad pababa ng hagdan.

Nakahinga siya nang maluwag at tumakbo pabalik sa kuwarto niya. "Dalya?" tawag niya.

"Senyorita," impit na sambit ni Dalya. "Nasa ilalim ng kama ang mga libro."

Lumawak ang ngiti niya. "That's my girl! Sige na, lumabas ka na. Kumuha ka na ng isandaan?"

"Opo, Senyorita."

"Good. Wait, nilagyan mo na ba ng pest control?"

"Opo, Senyorita. Sigurado po akong hindi 'yan masisira ng mga daga. Saka, mukhang wala naman pong mga peste sa bahay na 'to. Malinis, Senyorita. Halos walang alikabok at wala pa akong nakikitang ipis."

"Very good. Sige, pwede ka nang lumabas."

"Salamat, Senyorita." Nakangiting lumabas si Dalya. Mabilis niyang sinara ang pinto at ni-lock.

Patakbo niyang tinungo ang kama at sinilip ang ilalim. May sampung bagong libro. Makakapal pa. Impit siyang sumigaw sa tuwa at kumuha ng dalawang aklat. Binagsak niya ang katawan sa malambot na kama at agad binasa ang unang aklat na nahawakan.

Nagpabaling-baling siya tuwing nakakabasa ng spg part. Impit naman siyang tumitili tuwing nakakabasa ng banat. Nakagat niya ang labi nang matapos niya ang isang makapal na aklat. Tumingala siya sa wall clock. Pasado alas-dos na ng hapon. Lupaypay siyang tumihaya sa kama at parang baliw na nakangiti habang titig na titig sa kisame.

Sobrang sweet ng lalaki. Nakaka-inlove siya. Haaay...

May kaunting hinayang siyang naramdaman dahil nakatapos na naman siya ng isang aklat. Siguradong matatagalan pa bago siya makakabasa ulit ng ganoon kagandang kuwento.

May tatlong katok sa pinto. "Senyorita? May kailangan po kayo?" Nauligan niya ang boses ni Dalya.

Ngumisi siya. "Wala."

"Sige po."

Nawala ang ingay sa labas ng pinto. Inabot niya ang pangalawang aklat at binasa ang blurb sa likod ng cover. Sayang. Gusto pa sana niyang mabasa kaso kailangan na niyang maligo. Binalik niya ang mga aklat sa ilalim ng kama at kinuha ang tuwalya. Lumabas siya ng kuwarto at bumaba sa unang palapag ng bahay.

Nakita niya si Gideon habang dinidiligan ang ornamental plants sa sulok ng sala. Tahimik niyang tinahak ang daan papunta sa banyo na nasa gilid lang ng kusina. Mabilis siyang naligo. Nagtapis siya ng tuwalya at lumabas ng banyo. Patakbo siyang naglakad papunta sa hagdan nang matigilan sa sala.

Nakatayo sa paanan ng hagdan si Gideon at kausap nito si Pedro. Nakaharap ang huli sa gawi niya at ito ang unang nakapansin sa kaniya. "Senyorita?"

Lumingon si Gideon at nangunot ang noo nang makita siyang nakatapis lang ng tuwalya. "Go upstairs," utos nito.

Tumango siya at tahimik na dumaan sa pagitan ng dalawang lalaki. Nakinig siya sa dalawa habang umaakyat sa spiral staircase.

"Sa Sabado ipapagiba ang ibang parte ng bahay." Boses ni Gideon.

"Gano'n po ba, Senyorito? Pero ayos lang naman ang bahay niyo."

Bumuntong-hinga si Gideon. "Hindi na pwedeng walang banyo sa kuwarto. May dalawang babae tayo rito sa bahay."

"A, naintindihan ko na, Senyorito. Mabuti naman po at naisipan niyong ipagiba ito."

"That's because of Jewel. Ilang beses kong sinabing dapat magbihis siya sa banyo pero matigas ang ulo. Hindi magandang maglakad siyang nakatapis lang ng tuwalya sa bahay na 'to."

"Matigas talaga ang ulo ng Senyorita. Mabuti naman at nakakaya niyo siya, Senyorito."

Napanguso siya at umirap. Nag-chismis pa ang dalawa. At hindi siya tanga para hindi malamang pinariringgan siya ng mga 'to. E, hindi kasi siya sanay na magbihis sa loob ng banyo. Wala naman kasi siya sa dorm saka... hindi naman siguro rapist si Tang o kaya si Pedro. Sobrang protective lang talaga ni Gideon kaya minsan, napapairap siya sa pinanggagawa nito.

Hindi naman siya bata at alam na niya ang ginagawa.

Nakapagbihis na siya't nakalagay ng kaunting make-up sa mukha. Lumabas siya ng kuwarto at kinatok ang katabing pinto. Naghintay siya ng ilang segundo bago 'yon bumukas at nakita niya si Gideon na naka-formal suit. Nalanghap pa niya ang pabango nito na humalo sa amoy ng sabon.

"Ready ka na?" bagot niyang tanong.

Ngumiti si Gideon at nagbaba ng tingin sa relong nasa bisig. "Five minutes before three? Unusual."

Umirap siya. "So you like it better if I'm late?"

"Wala akong sinabi." Natawa si Gideon. "Halika na. Kanina pa nag-aantay ang driver."

"Driver?" kunot-noong tanong niya.

Hinapit lang siya nito sa baywang. Tahimik silang bumaba ng hagdan, palabas ng bahay. Nakita niya sa labas ng tarangkahan ang isang Camry.

"You didn't tell me where are we going," aniya habang naglalakad sila palapit sa kotse.

"You never asked."

Ngumuso na naman siya. Pinagbuksan siya ni Gideon ng pinto ng passenger seat. Pumasok siya. Nag-usap pa saglit ang driver at si Gideon bago pumasok ang asawa sa loob ng kotse.

"So saan tayo?" tanong niya. Nagbaba pa siya ng tingin sa suot na white dress na lace ang long sleeve. "And am I wearing a good dress?"

"It suits you well." Pinaharurot nito ang kotse. "I will be busy this coming weeks. May dadaluhan na naman akong seminar so I expect you to behave well in University."

"Okay, no worries. I'll be very very behave then."

Naningkit ang mga mata ni Gideon. "And I want you to stay away ---"

"Okay, I know. From Simoen... alright."

"You don't have the same course with the three girls. So I assume you can't ---"

"Okay, I understand. I will not hang out with them."

"Jewel."

"Yes?"

Tinignan siya ni Gideon gamit ang rearview mirror. "I'm not playing with you. Stop acting like a kid."

Nangunot ang noo niya. "No. I'm not acting like a kid." Umirap siya. "Come on, don't stare at me."

Magkasalubong ang kilay ni Gideon habang minamaneho ang kotse. Humalukipkip siya at tumingin sa labas ng bintana. Iniisip niya ang libro. Ano kayang plot twist ng kuwentong 'yon? Saka... nami-miss na niyang magbasa.

Sana... makauwi na sila agad.

#020821.R

Moonlight Serenade (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon