Chapter 31

273 18 2
                                    

Nakakapanibago nga. Hindi siya sanay na pumasok sa UDM campus gate sa regular school day. Namulatan niya kasi sa halos dalawang taon na sa dormitoryo magbihis ng uniporme.

Pero, hindi na masama. At least, hindi sila magtatagpo ng maaga ni Sheena. Hindi nga lang siya sigurado na walang Sheena na mararatnan sa College of Engineering. Nasa iisang departamento lang kasi sila. Ang mas inaalala niya, siguradong magkikita sila ni Simoen.

Bakit ba kasi ka-block niya ito? Hindi ba pwedeng mag-shift ito ng kurso sa susunod na semester? Hindi kasi siya magsi-shift. Gusto niya ang BSABE. Pinaghirapan pa nga niyang makuha ang Municipal Scholarship para mag-enrol sa naturang kurso.

"Miss!"

At para sa kaalaman - "Aww! Aray ko!"

Umawang ang bibig niya habang dahan-dahang hinawakan ang braso. Nakagat niya ang labi at sinamaan ng tingin ang isang volleyball player na tumatakbo papunta sa gawi niya. Huminga siya nang malalim at tumingala para hindi maluha sa sakit.

"Miss, I'm sorry. Masyadong malakas lang ang pagpalo ng bola." Pinulot nito ang bola na huminto sa paanan niya. "It must hurt you big time." Apologetic itong tumingin sa kaniya. "It came to a stop when it hit you. That means... the force that your body exerted is equal to the force of the ball. And knowing my teammate is a guy, and the force we exerted to the ball is high,  if it was 100 Newton, an equivalent amount was -"

"Stop right there," ngiwing sambit niya. "I don't need your explanation, geek. Just help me pick my bag, and bring me to infirmary. I will not sue you."

"Thank you for understanding, Miss." Pinulot nito ang shoulder bag niya at inakay siya. "I'm Bernard, a BS Physics student. How about you?"

Napairap siya. "Too formal. Ganiyan ba talaga ang mga science geeks na tulad mo? It driving me nuts."

Ngumiti si Bernard. "Hindi naman. Just few of us. And we understand that people misunderstood us sometimes. Actually, I'm mastering the lessons that's why I speak a lot of jargons. Sorry if I appear geek but I'm not really a geek."

Pasimple niyang pinasadahan ng daliri ang buhok. "You should know how to approach people without driving them nuts." Peke pa siyang ngumiti bago nagpaalam dito.

"Wait, I thought we'll go to infirmary?"

"I'm okay. No need to worry and go, continue your game."

Tumawid siya sa pagitan ng Education at Administrative building. Nagpunta siya sa Engineering at pumasok sa loob. Dahil bahagya pa ring sumasakit ang braso niya, nawalan siya ng ganang maghagdan. Dumiretso siya sa elevator. Mabuti na lang at hindi niya nakasalubong si Sheena. Isang linggo pa naman siyang nawala, at alam niyang tutudyuhin lang siya nito.

Kaso, hindi nga siya nagkamali. Nagkita sila ni Simoen sa unang subject. Gano'n pa rin, palaging tumitingin sa kaniya. Pero hindi makalapit. At 'yon ang napansin ng ka-block niya. Wala raw silang pansinan ni Simoen at halos nag-iiwasan. Kaya sinabi niyang wala silang pakialam at pribadong buhay na niya ang pinapasok nila. Napangiti na lang siya nang manahimik ang mga ito at bumalik sa kani-kaniyang ginagawa.

Madali pa lang kausap.

Lunch. At papunta siya sa canteen. Hindi lang niya akalaing makikita si Hazel na mag-isang kumakain sa paborito nilang puwesto. Pumila siya at nag-order bago lumapit kay Hazel na isang buko juice lang ang in-order.

"Haze," bati niya.

Nag-angat ito ng tingin. Naningkit ang mga mata nito sa kaniya bago muling nagbaba ng tingin at pinaglaruan ang straw. Naupo siya at pinagkrus ang mga daliri. "Haze? Nasa'n ang dalawa?"

"I don't know."

Nangunot ang noo niya. "Come on, spill. Hindi na nga kayo tumawag nang mawala ako ng one week. Even if I can't hear a sorry from you, pinapatawad na kita. So... what's the matter this time?"

"Just... gone."

"Gone?"

Nag-angat ng tingin si Hazel. "Can't you see, Laine? Tiara and Gabbi are gone."

"I can't understand you."

"Nang umalis ka sa dorm, umalis din sila. And we don't have the same course, so I can't find them. I can't contact them. They're not even a reply from them. When I asked their blockmates, they said that Gabbi is present, as well as Tiara. So I didn't bother to look for them in this huge campus."

"Why? Why you'd stopped?"

"Can't you see it, Laine? Hindi sila nagpapakita kasi ayaw nilang magpakita. And I don't have time to look for them. I'm busy!"

Napatitig siya kay Hazel. Nangilid ang luha sa mga mata nito at paminsan-minsan ay tumitingala. "You miss them."

"Of course! They're my friends!"

"And mine too... right? They're my friends too," bulong niya.

Pinahid ni Hazel ang basang pisngi. "Y-Yes."

"But I didn't know them."

"What are you talking, Laine? You know them. Silly."

Pagak siyang natawa. "It's only you, Haze. That I can run whenever I'm sad, worried, or... confuse. I don't remember opening up to Tiara or even Gabbi. I feel so indifferent towards them." Pinaglaruan niya ang in-order na drink.

"You must be kidding me, Laine. We're friends!"

Marahan siyang ngumiti. "I just... think of it. You know, you're the bridge. You connects us, Haze. The three of you is true to each other that I sometimes feel outcasted."

"Don't say that."

"But it's true." Bumuntong-hinga siya. "Maybe, my husband is right. I should put an end to this friendship."

"L-Laine..."

"Goodbye. This friendship is over, Haze. Let's see each other as strangers once again."

"No, no. Laine! You can't do this to me!"

Malungkot siyang ngumiti. "Find a circle of friends far more better than we had, Haze."

"N-No." Nanubig ang mga mata ni Hazel. "The three of you are the best that I've got, Laine. And now, you're the only one. Please... don't leave me."

Nakagat niya ang labi. "You can find another. A friend that you can trust all your secrets, and can give you back the trust you gave."

Mabilis siyang tumalikod at humakbang paalis ng canteen. Narinig niya ang iyak ni Hazel pero hindi na siya lumingon. Ilang lunok ang ginawa niya para hindi maluha. Dumiretso siya sa Agriculture Building, doon sa ikapitong palapag kung nasaan ang classroom ni Gideon.

She did it. She did! Pinutol na niya ang pagkakaibigan nila at gusto niyang makita ni Gideon kung ano ang nararamdaman niya sa oras na 'yon. Gusto niyang ipagmukha sa asawa na hindi madali ang pinagagawa nito sa kaniya. Gusto niyang makonsensya si Gideon. Gusto niyang bawiin nito ang hiniling nito sa kaniya!

#020821.R

Moonlight Serenade (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon