Chapter 15

368 25 9
                                    

Tahimik siyang pumasok sa silid. Nabungaran niya si Professor Malkov sa platform at nanlilisik ang mga mata nito habang nakatitig sa kaniya. Wala itong sinabi kaya dumiretso siya sa upuan sa harap. Tumabi naman sa kaniya si Jasmine.

"Si Prof," bulong ng katabi.

"Shh.." saway niya.

Umikhim ang Professor kaya napaupo siya ng tuwid. Nilibot nito ang tingin sa loob ng silid at mas lalong dumilim ang titig nito sa kaniya.

'What? I didn't do anything wrong!'

"Sa lahat ng klaseng hinawakan ko," paunang salita ng Professor. "Kayo ang B1 ang pinakawalang-modo! Alas nueve pero sampung estudyante lang? Nasa'n ang dalawampu, Miss Mangubat?"

Napakurap siya at tinuro ang sarili. "Are you asking me, Prof?" Lumunok siya. "I don't know."

May biglang sumingit sa likod. "Maybe they haven't arrived yet, Prof. It's the first day."

Nagsalubong ang dalawang kilay ng Professor. "Just for this day, Mr. Saavedra. Just for this day."

Tumunog na ang school bell. Nabigla siya nang mag-walk out ang Professor. Ilang segundo nang umalis ito ay siya ring pagpasok ng grupo ni Joseph. Malaki ang ngisi sa mga labi ng lalaki.

"Grabe Pare, umuusok ang ilong ni Prof!" natatawang sambit ni John Drail, kaibigan nito.

Kibit-balikat ang sinukli ni Joseph. Napailing siya. Inayos niya ang mga gamit at akmang lalabas na nang pintuan pero may biglang humila sa braso niya pabalik. Tumingala siya at nakita niya si Joseph. Nakangiti ito habang nagbaba ng tingin sa kaniya. Sinamaan niya ito ng tingin. Natatawa naman nitong tinaas ang dalawang kamay.

"Uy, Hudyo, anong usapan natin last year?" tudyo nito.

Nangunot ang noo niya. "Hudyo?"

Nakangiting tumango si Joseph. "Hudyo. Jew. Tagalog ng Jew ay Hudyo."

Humalukipkip siya. "Matutuwa na ako niyan?" At umirap.

Akmang lalampasan niya ito pero hinawakan nito nang mahigpit ang magkabilang balikat niya. "Sinabi ko na dapat one for all, all for one tayo? Sabay tayong tatakbo papunta sa susunod na subject."

Sumimangot siya. "Alam mo ba kung gaano kabagal ng kilos nila? Hello? Nasa College of Agriculture ang next subject! O baka nakalimutan mo kung saang parte ng mapa ang building ng Agri?" Pinagkrus niya ang mga braso sa dibdib. "Saka, pwede ba, ambigat ng kamay mo. Pakialis na lang."

Nagkibit-balikat ito at nakangising inalis ang mga kamay sa balikat niya. Tumingin ito sa ka-block "Ready na kayo?"

Nabigla siya nang may umakbay sa kaniya. Tumingala siya at nakita niya si Simoen. Seryoso ito. "Tara na."

Nanlaki ang mga mata niya nang bumaba ang bibig nito sa tainga niya. "I don't like the way he stares at you," bulong nito.

Kumuyom ang kamao niya at mabilis na inalis ang braso nito. Tumakbo siya palabas ng silid at nakahinga siya nang maluwag dahil hindi na siya pinigilan ni Joseph.

Mabilis siyang tumakbo sa hagdanan. Narinig niya ang mga yabag ng ka-block sa likuran kaya binilisan niya ang pagbaba ng hagdan. Pinaalahanan pa siya ni Simoen na mag-ingat pero hindi siya lumingon ni huminto sa pagtakbo.

May ilang estudyanteng nakasuot ng laboratory gowns at may ilan namang may suot na protective gears sa ulo. Huminto lang siya nang maabot na niya ang unang palapag. Naglakad na lang siya palabas ng building. Para mahabol ang hininga at ng mga ka-block.

Kinuha niya sa bulsa ang isang panyo at pinunasan ang pawisang noo. Tirik na ang araw pero malamig ang hangin.

"Grabe ka girl!" hingal na sambit ni Jasmine. "Ang bilis mong tumakbo!"

Moonlight Serenade (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon