Chapter 23

284 19 0
                                    

"Busy ka ngayon?" tanong niya. Nag-iwas din siya agad ng tingin.

Ngumiti si Simoen at namumungay ang mga matang pinasadahan ng kamay ang buhok. "I have a practice. Pero nagustuhan mo ba ang binigay ko?" bulong nito.

Tumango siya. Napalunok at pinaglaruan ang sariling manggas ng uniporme. "Yeah. But don't expect that I'll forget what you've done. I invited you here... to ask you something."

Langong ngumiti si Simoen at sumandal sa dingding ng Science and Technology building. Naisip niyang dalhin ito sa flower garden dahil hindi matao at tahimik.

Huminga siya nang malalim. "May pininta ka na mas malaki sa binigay mo nang isang araw?"

"Matagal na. 2 years ago."

"2 years ago," bulong niya. "Nasa'n na ngayon ang portrait?"

Ngumiti si Simoen at tumingala. "Nawala, Laine. Limang buwan kong pininta ang portrait. Inilagay ko rito sa flower garden para sana sopresahin ka, pero nakita kitang nakipagsayawan kay Avila."

Nangunot ang noo niya at taka itong tiningnan. Natawa na naman si Simoen at nagbaba ng tingin. "Grade 11. Christmas party. First monthsary natin. Hinanap kita sa function hall pero wala ka. Nagpunta pa ako sa Admin, nagbabakasakaling nandoon ka kaso wala." Pumikit si Simoen at tumaas ang sulok ng labi. "I never thought that I'll see you with him, dancing under moonlight." Dumilat ito at nakipagtitigan sa kaniya. "I want to know why, Mi Amore."

Napaatras siya. "I was drunk. Hindi ko alam n-na si J-Joseph 'yon."

Napailing si Simoen. "You're drunk? I see." Natawa ito.

"I was forced to d-drink."

"Yeah? You're forced." Ngumisi ito.

Nag-iwas siya ulit ng tingin at iniba ang usapan. "Kaya pala umuwi ka no'ng Christmas break."

"Hmm..." Sumeryoso si Simoen. "I forgot the painting. Pagbalik ko, wala na. Hindi ko na mahanap. Baka nabulok na 'yon sa basurahan."

Pumasok sa isip niya ang portrait sa bahay ni Gideon, pero hindi pa siya nakakasigurado kaya hindi na niya sinabi rito.

Nagpaalam siya at akmang aalis kaso hinawakan ni Simoen ang kamay niya. "I love you, Laine."

Binawi niya ang kamay pero humigpit ang hawak ni Simoen. "Bitiwan mo ako. May klase pa tay," bulong niya.

"Laine, please..." Hinigit siya nito palapit at pinulupot ang braso sa baywang niya. "I missed you so much, baby."

Bumilis ang tibok ng puso niya, na halos hindi na siya makahinga. Ilang ulit siyang huminga nang malalim bago tumitig nang mariin sa mga mata ni Simoen. "Let me go, Saavedra. Or are you doing it again now? Don't you dare."

Natigilan si Simoen. Bahagyang lumuwag ang hawak nito sa baywang niya. "Laine, I ---"

"What a scene there, babe."

Nanlaki ang mga mata niya at napalingon kay Sheena. Nakahalukipkip ito at masama ang tingin sa kanilang dalawa. Mabilis siyang kumalas kay Simoen at napaatras ng ilang hakbang mula sa lalaki.

"Aalis na ako ---"

Pero pinutol ni Simoen ang sinasabi niya. "No. You're not leaving Laine." Hinawakan nito ang kamay niya.

Natawa si Sheena. "Come on, babe. Let her flee like a scared sheep."

"We're done, Sheena. Stop following us around," mariing sambit ni Simoen.

Suminghap si Sheena at ngumisi. "Am I? Why don't you tеll her how you stalked her since the first day? Akala mo hindi ko alam ang pinanggagawa mo, Simoen Castler?" Umiling-iling si Sheena. "Oh no, babe. You're her stalker? Then I'm your stalker too. And I want to tell you how I want to rip your face, Saavedra!"

"Sheena, we've talked about it."

Pagak na natawa si Sheena. "Yeah? And you assume that I agreed, yes? That's what you've said to that girl, aye?" Humalakhak ito habang pinapahid ang luhang naglandas sa pisngi nito. "You know how I hate to say that I am a prisoner of that stupid engagement, Castler! Akala mo ikaw lang ang nahihirapan? Huh! You selfish beast!"

Nagtagis ang bagang ni Simoen. "I already cancelled our engagement. Wala na akong pananagutan sa 'yo, Sheena Mae Marquez!"

"Akala mo lang 'yon, Saavedra! Papatayin ka ng ama mo 'pag makita kang may kasamang iba! Will you stop pestering a married woman? At alam mo ring papatayin ako ng ama ko 'pag hindi kita pakakasalan!"

Nagulantang ang mundo niya sa sinabi nito. Hindi dahil sa kaalamang parehong nakakulong ang dalawa sa engagement, pero dahil sa narinig niyang sinabi ni Sheena.

Maging si Simoen ay natigilan. Naramdaman niya ang pagkalas ng kamay nito sa kamay niya.

"Anong sabi mo?" mahinang tanong ni Simoen.

Pagak na natawa si Sheena at humalukipkip. "You don't know that Mangubat is not single, do you? Kaya pala pareho kayong mga tanga! Nagbulag-bulagan sa katotohanang hindi kayo puwede!"

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso niya. Pumihit siya para sana tumakbo paalis pero nahuli siya ni Simoen. "Where are you going, Laine?"

"May klase pa ako. Bitiwan mo ako, Saavedra!"

"I won't, until you deny it. Deny it, Laine. Deny it!"

Pikit-mata siyang nagsalita. "Hindi. Hindi ako magsisinungaling. K-Kasal na ako."

"No, baby. You're not married. You are mine! You can't marry someone!"

Hinarap niya si Simoen. "Kasal na ako, Simoen. So please, let me go!" Huminga siya nang malalim. "Wala akong balak sabihin sa 'yo pero para sa ikakatahimik ng buhay ko, inamin ko na. Wala kang kasalanan. It's is my decision to marry my husband."

"Hindi. Hindi pwede, Laine ---"

"Bitiwan mo ako, ano ba! Pagod na pagod na ako, Simoen." Nanlabo ang paningin niya. "Whenever I see your face, I always remember that day. I never get a chance to heal myself because you're not giving me space!"

"L-Laine..." Umawang ang mga labi ni Simoen at nawalan ng lakas ang braso nitong nakapulupot sa kaniya. "What have I done to y-you, Laine?" Nanubig ang mga mata nito.

Kinuha niya ang pagkakataong iyon para kumawala mula sa bisig nito at tumakbo palabas ng Treesury.

Naamin na niya ang sikreto niya. Alam na ng dalawang pinakaiilagan niya na kasal na siya. Hihintayin na lang niya hanggang bukas ang pagkalat ng balita, at aasahan na niyang magiging sikat na naman siya sa buong UDM.

Pero...

Napahinto siya sa pagtakbo. Kung alam na ni Sheena na kasal na siya, bakit hindi nito pinakalat? Saka kanino nito nalaman ang sikreto niya?

Napahilamos siya ng mukha at inis na pinasadahan ng kamay ang buhok.

Ngayon pa nangyari kung kailan wala si Gideon. Nakakainis!

#020721.R

Moonlight Serenade (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon