Chapter 44

292 23 2
                                    

It was way too early in the morning. Hindi pa sumisikat ang araw pero gising na gising na ang diwa ni Gideon. Nakaupo siya sa isang hotel lobby habang nakatungo sa cellphone at nagtitipa ng text message para kay Jewel.

Good morning, Jewel. Gusto mo ba ng pasalubong?

'Yan ang gusto niyang i-send sa babae pero hindi niya magawang pindutin ang send button. Nakatitig lang siya sa mga letra -- tulala.

He is currently in a private hotel somewhere in Bogo City, just kilometers away from Medellin. Sa hotel na siya nagpalipas ng gabi. Dito kasi ang tagpuan nila ni Arnel na kuya ni Angela, at dito niya balak iwanan ang kotse.

Arnel insisted that they should take a bus. And he agreed. Kunsabagay, isang getaway conference ang pupuntahan nila. It would be better if he will took off some of his comforts for better experience.

Nang marinig niya ang boses ni Arnel ay sinuksok niya sa bulsa ang cellphone, tumayo, at sinukbit sa likod ang dalang backpack. Hindi na niya na-send kay Jewel ang text message.

Lumapit sa kaniya ang isang lalaking nasa mid-40s. Ngumiti si Gideon. "Good morning. What took you so long, Arnel?"

"Maayong buntag sad, Gid. May habilin lang sa mga tao rito." Tinuro nito ang malaking entrance ng hotel. "Tara? Kanina pa naghihintay ang bus."

"Sige." Sabay silang naglakad papunta sa pinto. Umikhim siya. "Si Angela? Pupunta ba siya?" tanong niya.

"Hindi. May inaasikasong event sa Mantalongon. Free preaching sa public audi doon, Gid. Sabi niyang imbitado tayong lahat."

Napangiti siya. "Pupunta ako."

"Hindi ba... nagpakasal ka sa huwes nito lang summer?"

Umihip ang malamig na hangin pagkalabas nila ng gusali. Binigay niya sa security ang susi ng kotse at pinagpatuloy ang paghakbang papunta sa naghihintay na bus sa labas ng hotel.

"Oo."

"Isama mo na rin ang asawa mo. Sabi ni Angela na gusto niyang makilala ang asawa mo, Gid."

Nagkibit-balikat siya at masayang umakyat sa bus. "Kung aayon sa schedule ni Jewel, isasama ko siya."

Naupo siya sa gilid ng bintana habang naupo naman si Arnel sa tabi niya. Inayos ni Gideon ang backpack sa paanan at sumandal sa sandalan. Huminga siya nang malalim.

"Wala ka bang planong bumalik sa serbisyo?" tanong ni Arnel.

Umiling si Gideon. "Gusto kong tutukan ang Medellin. Labintatlong taon din akong nanilbihan sa bansa at sa panahon na 'yon, hindi ko man lang nakita ang pagbabago nito. Kapag nakapagtapos na ng pag-aaral si Jewel, plano kong magtayo ng simbahan sa Medellin."

Tinapik ni Arnel ang balikat niya at nanunudyong ngumiti. "Nagpakasal ka sa estudyante, Gid? Aba, child abuse 'yan pre."

Humalakhak siya. 'Yan din ang biro ng Pastor niya nang sabihin niyang magpapakasal siya sa isang nineteen-year-old college student. Pero hindi naman ito nagprotesta nang sabihin niyang believer si Jewel.

Nagbaba siya ng tingin at napabuntong-hininga. Sa katunayan, hindi niya alam kung talagang believer si Jewel. Kabilang sa isang Kristiyanong denomination ang mga magulang nito kaya pinagpalagay niyang kinikilala rin nito ang Diyos na kinikilala niya.

Pero... sa nakalipas na mga buwan ay parang hindi na niya masabi kung talagang believer ang asawa niya. Marami itong kalokohan. Marami itong ginagawang bagay na hindi dapat ginagawa ng isang taong may takot sa Diyos. At sa nakikita niya, parang hindi nito kilala ang Diyos.

Moonlight Serenade (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon