Chapter 8

467 26 5
                                    


Nasa tagong bahagi ng Cansanit ang bahay ni Gideon. Nasa dulo ng isang mahabang peninsula malapit sa Don Virgilio Gonzales. Isa iyong three-storey house na kulay puti ang dingding at asul ang bubong. Malaki ang tarangkahang umiikot sa buong perimeter ng bahay. May malaking garahe sa harap na nasa ilalim ng isang enclosed porch. May patio pa sa gilid malapit sa maliit na pond.

Hindi automatic ang gate kaya iginiya siya si Gideon patungo sa maliit na pinto. Hinayaan na muna ng lalaki ang pick-up sa labas ng tarangkahan. Nag-doorbell ito at may lumabas na isang lalaking nasa mid-50s na nakasuot ng sumbrero. Ngumiti ito pagkakita sa kanila.

"Sir Manasseh, magandang araw. Ito na ba ang asawa mo, Sir?"

"Siya nga, Tang."

Nakangiting bumaling ang lalaki sa kaniya. Ibinaba nito ang sumbrero at inilapat sa dibdib sabay yuko sa harap niya. "Ikinagagalak kitang makilala, Maam. Sana ay maging matiwasay ang pagsasama niyo ni Sir Manasseh."

Hilaw siyang ngumiti. "Uh, thanks?"

"Pasok kayo, Sir."

Niluwagan nito ang bukas ng gate. Humakbang siya papasok at nalanghap niya ang amoy ng rosas at gumamela sa gilid ng tarangkahan. Nakahanay ang mga bulaklak sa buong perimeter ng bahay.

"Ikaw ho ba 'yong nag-aalaga sa mga bulaklak?" tanong niya sa matanda. Naglalakad sa tabi niya si Gideon habang nakasunod sa kanila ang matanda.

"Ako nga, Maam. Minsan lang umuuwi si Sir at ako lang ang nag-iisang bantay ng bahay."

"Kumusta si Iñigo?" tanong ni Gideon.

Narinig niya ang buntonghinga ng matanda. "Hindi niya nakayanan ang sakit, Sir. Namatay siya nang isang araw. Inilibing ko sa likod-bahay."

"Salamat sa pag-aalaga sa kaniya, Tang."

"Walang anuman, Sir."

Nang marating nila ang main door ay doon siya nagtanong. "Sino si Iñigo?"

"K9. Kasama ko sa expidition noon pero tinanggal sa serbisyo. Inampon ko."

Tumango siya. Naunang pumasok si Gideon sa loob. Sumunod siya at natigilan nang makita sa living room ang isang malaking portrait ng mukha niya. Sa tingin niya ay nasa 17 years old pa siya ro'n.

"Sinong nag-paint niyan?" tanong niya. Tumayo siya sa harap ng portrait at namangha sa fine stroke na ginamit. Kapansin-pansin ang pag-iingat sa smallest feature na masali sa kabuuan ng painting.

"May nagpadala rito. Hindi ko alam kung kanino galing pero may nakalagay na sulat. Mi Amore."

Nangunot ang noo niya. "Ba't mo tinanggap?"

"Maganda."

Napatingin siya kay Gideon. Nakangiti ito habang tinitigan ang portrait niya.

"Hindi nagsisinungaling ang portrait. Maganda ka nga." Saglit itong tumingin sa gawi niya at naunang maglakad palayo. "Halika. I'll show you your room."

Kunot ang noong naglakad siya nang mabilis para maabutan ito. "Hindi mo na sana tinanggap."

Sumaludo sa kanila si Tang bago lumusot patungo sa pinto na sa tingin niya ay papuntang kusina. Umakyat sila sa grand spiral staircase patungo sa pangatlong palapag ng bahay. Sa bawat sulok ay may nakatayong snake plant kaya siguro malamig-lamig ang loob.

Nagkibit-balikat si Gideon. "Sabihin mo na sa akin kung bakit ayaw mong ipabalot ang mga gamit mo."

Siya naman ang natahimik. Huminto sila sa isang asul na pinto. Pinihit ni Gideon ang seradura at pumasok sa loob. Sumunod siya.

Moonlight Serenade (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon