Chapter 18

309 20 2
                                    

Infinity ang design ng gold ring na isinuot ni Gideon sa kaniya no'ng kinasal sila. At habang tinititigan niya 'yon, napansin niya ang maliit at kumikinang na bagay kung saan nagtatagpo ang dalawang linya. Isang white diamond.

Kunot ang noo niyang binalik sa drawer ng study table ang singsing. Umiling siya. Wedding ring 'yon, ibig sabihin ay gano'ng design din ang singsing na sinuot niya kay Gideon.

Pero naalala niyang hindi rin nito sinusuot ang singsing. Hindi niya napansin 'yon. Sabagay, nakatungo lang siya matapos siya nitong tinanong kung bakit 'yon ang kinuha niyang kurso.

Pero pakialam ba niya? Ang mahalaga, walang kahit na anong palatandaan na kasal na siya. Pwera na lang siguro sa office ng Registrar.

Hernandez ang gamit niyang apilyedo ro'n. Pinakiusapan niya na lang ang officer na Hernandez sa forms pero Mangubat sa klase. Kaso ayaw umuo kaya nagpunta pa siya sa Director. Sinama niya si Gideon para ang dalawa ang mag-usap. Tapos... hindi na niya alam kung anong kinahantungan ng pag-uusap ng dalawa. Hindi sinabi ni Gideon ang desisyon ng Director.

Mangubat ang ginamit niya at wala namang kumuwestiyon na Professor kaya tinuloy-tuloy na lang niya.

Tapos nalaman niyang isa pa lang Professor si Gideon. Hindi niya alam. Anlayo kasi ng corporal sa professor kaya parang imposible. Pero hindi naman niya ito kilala nang lubusan. Isang buwan pa lang nang makilala niya ito, at ilang linggo pa lang nang ikinasal sila.

Bumuntong-hinga na naman siya. Pang-ilan na nga bang buntong-hinga 'yon at bakit hindi pa rin siya makatulog? Ngumuso siya.

Siguro dahil sa malakas na tilian ng babae kaninang practice game. Halos mabasag ang tainga niya sa high-pitch na sigaw ng katabi niya, at sumakit ang ulo niya sa ingay kaya bumalik siya sa dormitoryo kahit pa nasa 1st half pa lang ng game.

Nagpabaling-baling siya sa kama. Alas nueve na. Bigla may kumatok sa pinto. Mabilis siyang bumangon at pinagbuksan ang kumatok. Si Hazel. Nakasuot ng hood at shades.

Ngumiti ito nang pagkalapad-lapad. "May pupuntahan tayo."

"Sa'n naman?" Humalukipkip siya. Sumilip siya saglit sa hallway. "Malapit nang curfew. Magra-round na naman si Mrs. Catmon."

"Wala pang ten PM. Come on, Laine. Bagot na ako sa kuwarto."

"Fine." Tumalikod siya at kinuha ang hood sa cabinet.

Ngumiti si Hazel. "Dalhin mo rin ang phone mo," habol nito.

"Oo na."

Isinuksok niya sa bulsa ang phone bago lumabas ng kuwarto. Sinara niya ang pinto.

"Let's go," aniya.

Nagulat siya nang hinigit siya ni Hazel patungo sa maiksing semented brigde na nagdurugtong sa girl at boy dormitory.

"Hazel I think -"

"Shhh... Nandoon ang dalawa sa rooftop ng boy's dorm."

"What?!"

"Shh nga, Laine. Baka mahuli tayo."

"Kaya nga. Bakit nando'n 'yong dalawa?"

Binuksan ni Hazel ang tarangkahan at hinigit siya patungo sa teritoryo ng mga lalaki. "Kasi nga, bored 'yong dalawa."

"Pa'no mo nabuksan 'yong gate?" impit na tanong niya.

Nagpalinga-linga siya sa hallway ng boy's dormitory. Mabuti na lang at nakasara lahat ng pinto.

"Hindi lang naman tayo ang pumupuslit."

"Ano?!"

"Shhh.."

Moonlight Serenade (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon