Chapter 39

253 17 2
                                    

It was an awkward morning. Pagmulat niya kasi ay kulay abo ang kisame ng kuwarto. May malapad na study table sa gilid, may abuhing aparador, at may nakatayo sa paanan ng kama. Nakahalukipkip at seryosong nakatingin sa kaniya. Si Gideon.

Mabilis siyang nagtalukbong pero may humila sa kumot kaya nawala ang nakatabon sa kaniya. Pikit-mata siyang umupo saka ngumuso. Nagmulat siya at tumitig kay Gideon. "Why are you here in my room?"

Hindi siya sanay makipag-usap sa isang tao nang hindi pa naghihilamos ng mukha. Wala pa naman siyang nakitang salamin sa werdong kuwartong kinalalagyan niya. Paano nalang kung may ano sa mukha niya?

"Good morning, Jewel." Sinuksok ni Gideon ang mga kamay sa bulsa ng pantalon nito. "But we have something to talk about."

Pinasadahan niya ng tingin si Gideon. Bahagyang basa ang buhok nito, nakasuot ng T-shirt saka pantalon. Mukhang katatapos lang nito maligo.

Umikhim siya. "Wait, let me freshen up." Lumunok siya at nag-iwas ng tingin. "Could you please go outside my room? Maliligo lang ako." Umalis siya ng kama at humakbang palapit sa pinto na sa tingin niya ay pintuan ng banyo. "By the way, this room is lit. Hindi mo sinabing nag-iba na ang design ng room ko. But still... it looks cool."

"This is my room."

Nahinto siya sa paghakbang. "Ha?"

"You'd insisted to sleep in my room. So we change rooms last night."

Mabilis siyang lumingon kay Gideon. Naningkit ang mga mata niya at hilaw na ngumiti nang maalala ang pakiusap niya rito kagabi. "Sorry. Pero nakatulog ka naman nang mahimbing sa kuwarto ko, right? Kasi I slept well in your bed." Ngumiti na naman siya.

Pero hindi man lang ngumiti si Gideon. Wala ang nang-aasar nitong tingin na palagi nitong pinapakita sa kaniya. Instead, he crossed his arms. "Go, take a bath. I'll wait for you here."

Kahit naguguluhan ay tumango siya at tumalima sa sinabi nito. Pumasok siya sa banyo nang nakakunot ang noo. Ano kayang problema no'n? Saka... nakagat niya ang labi at napangiti. Kaya pala mahimbing na mahimbing ang tulog niya kagabi. Amoy niya ang natural scent, perfume, at laundry soap sa bed sheet ni Gideon. Those scent made her feel secured and protected, kahit na hindi tumabi sa kaniya si Gideon.

Sumimangot siya. Hindi niya nadala sa pa-cute ang asawa. Ewan ba niya kung ba't ayaw nitong tumabi, e hindi naman siya nag-insist na i-consummate ang kasal nilang dalawa.

She knows that she's still young for that.

Mabilis niyang tinapos ang pagliligo. Inabot niya ang tumalya sa gilid ng pinto at itinapis sa katawan niya. Lumabas siya nang banyo.

"Oh shocks, Gideon!" bulalas niya nang makita niya itong nakatungong nakaupo sa paanan ng kama. "I thought you'll wait outside?"

Nag-angat ito ng ulo at kunot-noong pinasadahan ng tingin ang kabuuan niya. Mabilis naman niyang pinagkrus ang mga braso sa dibdib. Bumuntong-hinga si Gideon at tumayo. "Nasa kama ang damit mo. Mag-usap nalang tayo sa ibaba." Humakbang ito palapit sa pinto.

"Sandali!" pigil niya. Huminto ito sa paghakbang pero hindi lumingon sa gawi niya. Huminga siya nang malalim. "Walang hidden cameras itong kuwarto mo, right?"

"Silly. Just wear your dress and come outside." Tuluyan na itong nakalabas ng kuwarto.

Humawak si Jewel sa dibdib at impit na tumili. Kahit hindi niya nakita ang mukha nito ay alam niyang nakangiti ang asawa habang sinasabi 'yon. And she's happy that she makes Gideon smile. Even though she sounds like idiot while asking.

Masaya niyang sinuot ang bestidang hinanda ni Gideon. Kung may hidden camera man o wala, wala na siyang pakialam. Sabagay, ang asawa lang niya ang makakakita ng footage kung meron man.

Moonlight Serenade (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon