Chapter 30

289 19 1
                                    

Ngumuso siya. "I'm tired."

Mabilis niyang binuksan ang tarangkahan at naglakad papasok sa main entrance ng bahay. Nakasunod lang sa kaniya si Gideon na panay ang tanong sa kaniya.

"Can you stop asking?" pagod niyang turan at nilingon ito. "I said I'm tired. There's nothing wrong with being tired, right?"

"Not after you've made a scene with Elise."

"So what?" Tumaas ang kilay niya. "So what if that friend of yours is stealing your time? So what if that Professor Elise is hugging you more like a bestfriend? As if I care, Hernandez."

"That's what I'm asking, Jewel. Hindi mo dapat sinaboy ang wine sa mukha ni Elise. You're being scandalous."

"Am I?" Umismid siya at nangunot ang noo. "She made a scene first. Pinahiya niya ako, Gideon. Don't tell me na wala ka pa ring pakialam kung mapahiya ako? Ako na asawa mo?"

Natigilan ito. Naningkit ang mga mata niya rito at hinamon ito sa titigan. Ilang minutong naghinang ang paningin nila, nang umikhim si Gideon. "Don't be jealous. I'm not seeing Elise."

Natawa siya at humalukipkip. "Excuse me? I'm not jealous. Dapat kasi hindi mo na ako sinama sa gathering na 'yan. I would love to stay in my room all night. And look..." Pinakita niya ang relo. "Past eleven na. May klase pa ako bukas."

Tumango si Gideon at nag-iwas ng tingin. "Umakyat ka na. Don't take a bath this late. Just... change your clothes."

"I know that. I'm not a kid," ismid niya at nilampasan ito.

Dumiretso siya sala. Nakita niya si Tang na nakaupo sa sofa at nagbabasa ng magazin. Nag-angat ito ng tingin at binati siya. "Nasaan si Sir, Maam?" tanong nito.

Busangot niyang tinuro ang likuran. Humakbang siya papunta sa hagdanan nang mahagip ng tingin niya ang malaking portrait na nakasabit sa dingding. Nahinto siya at napatitig sa portrait. Naalala niya si Simoen...

"Ah, Mang Tang?" tawag niya.

Narinig niya ang yabag nitong papalapit sa puwesto niya. "Bakit, Maam Laine?"

Tinuro niya ang portrait. "Kanino nga ito galing?"

Pero imbes na boses ni Tang ay boses ni Gideon ang narinig niyang sumagot sa tanong niya. "May nagpadala rito." Tumayo sa gilid niya ang asawa. "You should go upstairs."

Napatingin siya rito. "Just wait, okay? I'm just thinking who've made that portrait." Umirap siya. "I've received a gift. A replica of that. And I want to know ---"

"Who gave you that?" putol ni Gideon sa sinasabi niya.

Natahimik siya. Lumunok at bumaling kay Tang. "Hindi ko natanong sa 'yo ulit, Mang Tang. You've said that you're the one who've... first seen that thing?"

Tumango ang matanda. "Dalawang taon na rin 'yon, Maam Laine. Limang buwan matapos bilhin ni Sir Manasseh ang bahay, kinuha niya ako mula sa mansiyon ng Alkalde. Noong Pasko sa taong 'yon, inimbitahan ako ng kaibigan kong Kapitan sa Dayhagon para sumaglit sa bahay niya. May kaunting salu-salo kasing naganap lalo na't araw ng pasko at kakauwi lang ng dalaga niya na nag-aaral sa UDM. Tapos, nakita ko 'yan sa labas ng bahay. Mukhang ---"

"Wait," pigil niya. Nangunot pa ang noo niya. "Kapitan sa Dayhagon?"

Tumango si Tang. "Si Kapitan Roma, Maam Laine."

"Roma?" Nanlaki ang mga mata niya. "Danilo Roma Selestales?"

Ngumiti si Tang. "Siya nga, Maam Laine." Huminga nang malalim ang matanda at muling kinunot ang noo. "Nasa labas ng bahay ang larawang 'yan, at mukhang itatapon, kaya kinausap ko si Roma. Pero sinabi niyang dala 'yon ng anak niyang dalaga. Hiningi ko sa anak niyang si Reina para ipan-display rito sa bahay ni Sir Manasseh."

Natawa saglit si Tang. "Walang kabuhay-buhay kasi. Alam mo naman, Maam... militar at hindi mahilig sa disenyo. Maayos lang naman ang anak niya, at madaling kausap. Binigay niya sa akin. Pero kasi, hindi pa ako makakabalik dahil biglang nanganak ang misis ni Roma kaya binilin sa akin ng ilang linggo ang bahay niya sa Dayhagon. At para magkaroon naman ng kaunting regalo para kay Sir Manasseh, pinadala ko na lang dito ang larawan. Pati na ang sulat na nakadikit sa likod ng larawan."

"P-Pero..." Umikhim siya. "Bakit niyo naman pinadala, Mang Tang?" bulong niya.

"E, hindi ko alam na totoong mukha pala ang gamit sa larawan. Akala ko kasi, Maam Laine, isang sinaunang babaeng maganda o di kaya, artista na 'di ko kilala. Medyo nagulat nga ako nang una kitang nakita. Pero matagal nang sinabi ni Sir Manasseh na totoong mukha ang nasa larawan. Hindi lang ako naniwala."

Natahimik siya at inalala ang mukha ni Simoen habang binibigay ang maliit na replica ng portrait. Sinabi nitong nawala ang una nitong pininta kaya hindi nabigay sa kaniya. Ngayon, napagtagpi-tagpi na niya.

May kumuha sa malaking portrait nang araw na iyon. At kinabukasan, umuwi si Simoen at nalimutang kunin ulit ang portrait sa flower garden. Pagbalik nito, wala na itong naabutan at inisip na lamang ng lalaki na itinapon na ito ng kung sino.

Nakagat niya labi. "So that's what happened." Umikhim siya. "I'll go upstairs." Lumunok siya at nagpunta sa hagdan. Saktong pababa ng hagdan sina Dalya at Pedro kaya nakasalubong niya ang mga ito sa gitna ng spiral staircase.

"Senyorita? Kumain ka na ba?" tanong ni Dalya.

Tumango siya at tuloy-tuloy na umakyat sa itaas. Magkasalubong ang dalawang kilay niya, at mabilis ang paghinga. Alam na niya kung sino ang kumuha. At nagtataka siya kung bakit.

Hindi na siya nag-atubiling magbihis at dumiretso na lang sa kama. Kinuha niya ang aklat sa ilalim at hinayaang bukas ang ilaw sa kisame. Gusto niya munang magbasa, para humupa ang tensyon sa katawan niya.

Kagat niya ang labi habang binabasa ang aklat. Wala siyang panahon para sa sweet lines. Gusto niyang basahin ang **x scene para makatulog na siya. Pasado alas-dose na kasi at maaga pa siya bukas.

Ilang lipat pa ng pahina hanggang maabot niya ang scene kung saan nagsi-**x ang dalawang bida. Bumilis ang paghinga niya at nang matapos ang eksenang iyon at sinara niya ang aklat. Nagtalukbong siya ng kumot at ginawa na naman ang bagay na 'yon.

Gabi-gabi niyang ginagawa 'yon simula noong muntik na siyang gahasain ni Simoen. Tanging ang gawaing 'yon ang nagpapatulog sa kaniya. Humuhupa rin ang bangungot kapag ginagawa niya. Mahimbing na mahimbing ang tulog niya. She found haven in masturbation.

Habol ang hiningang inalis niya ang kumot at tumitig sa kisame. Pawisan siya at mabilis ang pintig ng puso matapos gawin ang bagay na 'yon. Inabot niya ang control at pinatay ang ilaw ng kuwarto. Namaluktot siya at huminga nang malalim bago pinikit ang mga mata.

Isang ngiti ang sumilay sa labi niya nang managinip siya tungkol sa lalaking gabi-gabing dumadalaw sa panaginip niya. May dalang pagkain, pagkatapos ng mainit na pakikipagtalik sa kaniya.

#020821.R

Moonlight Serenade (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon