Chapter 35

258 17 1
                                    

Nagkakagulo ang buong Unibersidad. Hindi man ramdam ng ordinaryong estudyante pero sa Administrative Building ay ramdam ang tensiyon. Ang lahat ng taong may access sa mga opisina ay tensiyonado. Pati ang lahat ng student leaders ay hindi magkamayaw sa pagpasa ng mga paperworks.

Dumating kasi si Mayor Calixto pati na si Don Sebastian at Donya Belinda. Hernandez at Mangubat. Ang dalawang angkan na makapangyarihan sa buong Medellin.

Galit pero nakikimkim ang Don at Donya. Kalmado pero naniningkit ang mga mata ng Mayor sa babaeng nakaupo sa likod ng mesa.

Hilaw na ngumiti si Rosalinda. "Mr. and Mrs. Mangubat, we don't -"

"Wala na bang maayos na patakaran sa loob ng Unibersidad, at bakit nagkagano'n ang aking anak?" sarkastikong tanong ng Donya.

"Sabihin mo kung nangyari sa unica hija ng Mangubat," dikit ang ngipin na saad ni Don Sebastian at ngumiti nang makahulugan sa ginang. "Hindi ako tumatanggap ng hindi kapani-paniwalang kasinungalingan, Rosalinda Hernandez-Policarpio."

Hilaw na ngumiti ang ginang at tumingin kay Mayor Calixto para humingi ng tulong. Umiling ang huli. "Sinabi ni Gideon ang tungkol sa Community Service ni Jewel Laine. Hindi mo ba alam na bawal siyang mapagod, Rosalinda?"

"Kuya ---"

"Tawagin mo akong Calixto. Kinakausap kita bilang ama ni Gideon Manasseh na asawa ng babaeng nakaratay ngayon sa ospital."

Umikhim ang ginang at hindi makatingin nang diretso kay Calixto. "Mr. Calixto, w-wala kasi sa records ng Unibersidad ang tungkol sa medical condition niya. Saka, nagkasala si Mrs. Hernandez kaya kailangan kong i-akyat sa Committee."

Nangunot ang noo ng Don. "Anong nagkasala? Paanong magkasala si Jewel Laine kung pinalaki ko siyang masunurin at may takot sa awtoridad?"

"Mr. Mangubat, nag-away kasi si Ms. Marquez at ang iyong anak. Bugbog-sarado siya pati na si Ms. Marquez. Physical offense po kasi 'yon kaya binigyan ko ng karamtang parusa. Kailangan kong sumunod sa batas ng Unibersidad."

"Bugbog-sarado." Mas lalong nangunot ang noo ng Don at namula sa galit. "Sinong nambugbog sa anak ko? Hindi ko siya pinalaki para ipabugbog!"

"Mr. Mangubat, calm down..." bulong ng ginang. "S-Si Ms. Marquez kasi -"

"Anong pangalan ng walang 'ya!"

"Sheena Mae Marquez," pikit-matang saad ng ginang. "Napag-alaman kong nag-away ang dalawa dahil kay Mr. Saavedra -"

"Sino na naman 'yan!"

"Simoen Castler Saavedra." Huminga nang malalim ang ginang dahil sa nerbiyos. "May ano kasi sa tatlo... love triangle -"

"Sinong maysabing pwede siyang lumandi? May asawa na siya!"

"Sebastian," awat ng Donya. "Maghunos-dili ka," diin nitong bulong sa asawa.

Huminga nang malalim ang Don at mahinahon na nagsalita. "Ikuwento mo lahat ng nangyari simula pa no'ng una. At 'wag kang magkakamaling magsinungaling dahil kaya kong ipagiba ang mahal mong Unibersidad, Rosalinda."

Nanlaki ang mga mata ng ginang at tumango-tango. Kinuwento nito lahat. Ang unang pasok ni Jewel sa guidance dahil sa aksidenteng halik, ang tatlong footage ng halik sa pridabong parte ng Unibersidad, ang pag-aaway nila ni Sheena, at ang kasalukuyang usap-usapan dahil sa artikulong naka-post sa website ng UDM.

Naningkit ang mga mata ng Don at nagtagis ang bagang. "Wala bang hakbang na ginawa ang Unibersidad?" 

"M-Mayroon naman, Mr. Mangubat. Pinaghahanap ngayon ang salarin."

Moonlight Serenade (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon