Chapter 10

468 23 10
                                    


Mataas na ang sikat ng araw nang magising siya. Ilang minuto pa siyang nagtagal sa loob bago lumabas na nakabihis na't nakaligo. Huminga siya nang malalim at bumaba sa hagdan.

Nakita niya si Gideon na nagbabasa ng isang libro sa sofa. Nakabukas ang audio at naririnig niya ang kantang Leave Me Astounded na siya ring kinanta nito sa kaniya noon.

"Good morning," ngiti niyang sambit. Nag-unat-unat pa siya at tumalon-talon para maalog ang natutulog na energy sa katawan.

Nagtaas ng tingin si Gideon sa kaniya. Bahagya nitong binaba ang reading glass at tinaas ang kilay. "Masaya ka. May nangyari ba?"

Nakangiti siyang umiling. "Wala naman. I just feel... happy when I woke up."

Tumango si Gideon. Isinara nito ang libro at tumayo na. Lumapit ito sa kaniya at inakay siya papunta sa dining area na nasa kusina. "Nakaluto na si Tang ng agahan."

"You haven't eaten yet?"

"I barely ate."

Sumimangot siya. "Don't wait for me next time, okay? Eat heavy breakfast first in the morning," sita niya. Lumusot sila sa pinto ng kusina.

Huminto si Gideon malapit sa mesa kaya napahinto rin siy. Ilang segundo siya nitong tinitigan. "Ano bang meron at parang..."

"Parang?"

"Gumaganda ka?" Nangunot ang noo nito.

Natawa siya. Humalukipkip naman si Gideon at pinag-aralan siya sa ilalim ng tingin nito.

She flipped her hair. "Aminin mong nahuhulog ka na."

Mas lalong nangunot ang noo ni Gideon. "There's something wrong with you." Bumuntong-hinga ito. "Come here."

Pinaghila siya nito ng upuan. Masaya siyang naupo at ngumiti kay Gideon. Umikot naman ang lalaki at naupo sa tapat niya. Napalabi siya. "Ba't ayaw mong tumabi sa akin?"

"Kumain ka na, Jewel." Minuwestra nito ang nakahaing kanin at ulam. Saka nagsimulang maghain ng pagkain sa sariling pinggan, sumubo, saka panaka-nakang sumulyap sa kaniya.

Ngumuso siya. "Hindi ako kakain hangga't hindi ka tumatabi sa akin."

Binitiwan ni Gideon ang kutsara't tinidor at humalukipkip. "Sabihin mo na kung anong problema mo, Jewel."

Ngumiti siya. "Problema agad? Di ba pwedeng maganda lang ang gising ko?"

Hindi umimik si Gideon. Ilang segundo itong nakipagtitigan sa kaniya at bumuntong-hinga. "Alright."

Inusog nito palapit sa kaniya ang plato at kutsara saka naupo sa upuan sa tabi niya. Mas lumawak ang ngiti sa mga labi niya at inusog naman ang sariling upuan palapit sa upuan nito. Masaya niyang nilagyan ng kanin at ulam ang pinggan ni Gideon. Natigilan ang huli.

"Kain ka nang mabuti, Aseh," sabi niya at sumubo na rin siya ng kanin.

Narinig niya ang buntonghinga ni Gideon at sumubo na rin ito. Ilang minuto silang natahimik bago siya huminto at tumingin sa asawa. "Hindi mo ba ako susubuan?" tanong niya.

Bumaling si Gideon sa kaniya. "May kamay ka naman."

Sumimangot siya. "Binabara mo na ako, Aseh? Nasaktan ako ro'n."

Napaikhim si Gideon at seryoso siyang tinitigan sa mga mata. "Stop it, Jewel. I rebuke what's happening to you in Jesus name."

Dali-dali siyang tumayo at tumakbo sa sink. Sinuka niya ang kanin na nasubo kanina. Napatingala siya at huminga nang malalim. Naramdaman niya ang kamay ni Gideon na humawak sa balikat niya. Dahan-dahan siyang humarap sa lalaki at tumingala rito.

Moonlight Serenade (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon