Chapter 11

427 24 3
                                    


"Gideon! Nasa'n ka?!"

Makailang beses siyang suminghot at nagpalinga-linga sa paligid. Nasa'n ang asawa? Nasa'n si Tang?

"Maam Laine!" Lumingon siya sa pinanggalingan ng tinig. Nakita niyang patakbong lumapit si Tang. "Anong nangyari, Maam Laine?"

Kagat-kagat niya ang labi. Naninikip ang dibdib niya. "N-Nasa'n si Gideon?"

Napakurap ang matanda. "Nasa hardin, Maam."

"Sa likod?"

"Oo."

Patakbo siyang nagtungo sa kusina, palabas sa back door. Sumalubong sa kaniya ang halimuyak ng mga bulaklak na dinala ng malamig na hangin. Huminga siya nang malalim at mabilis ang hakbang na nilibot ang hardin. Mataas ang ilang halaman ng gumamela kaya nahirapan siyang hanapin si Gideon.

"Gideon!" Napalunok siya. "Aseh! Nasa'n ka, Aseh!"

May narinig siyang yabag sa likuran. Mabilis siyang lumingon at nakita niya si Gideon na naglalakad papunta sa gawi niya. "May problema ba, Jewel?"

Nakagat niya ang labi at naiiyak na tumakbo papunta sa asawa. "Aseh, tulungan mo ako!" Mahigpit siyang humawak sa mga kamay nito.

Pinisil ni Gideon ang palad niya. "Anong problema?"

Suminghot siya. "S-Si Pedro... papatayin ni Papa si Pedro!"

Nangunot ang noo ni Gideon. "Bakit? Anong nagawa niya?"

"Basta! You need to save him! Ikaw lang ang kayang magligtas kay Pedro! Please, please I'm begging you..."

Humagulgol siya at naiiyak na napaluhod sa harap ni Gideon. Mabilis na lumuhod si Gideon sa harap niya at niyakap siya. Naramdaman niyang kumilos ito. Gamit ang isang kamay ay kinuha nito ang cellphone sa bulsa at narinig niya ang tunog ng dialer. Humigpit ang braso nitong nakapulupot sa baywang niya. Gumanti siya ng yakap at sinubsob ang mukha sa dibdib nito.

"Huli, pakibigay kay Don Sebastian." Ilang segundong natahimik si Gideon bago bumuntonghinga. "Hindi ko alam kung anong nangyayari diyan sa mansiyon pero kailangan kong makausap ang Don." Naramdaman niyang hinagod ni Gideon ang likod niya. "Yes. Please. My wife is crying."

Humigpit ang yakap niya kay Gideon nang marinig niya itong kinausap ang ama niya. Pinikit niyang mariin ang mga mata at pilit nilabas sa kabilang tainga ang lahat nang narinig. Matapos ang ilang minutong pakikipag-usap nito ay ibinaba na nito ang tawag.

"Jewel."

"B-Bakit?"

"Kailangan kong bumalik sa mansiyon."

"O-okay."

Hinawakan ni Gideon ang ulo niya at hinaplos ang buhok niya. "Jewel."

"Hmm?"

"Pwede mo na akong..." Bumuntonghinga ito. Napadilat siya nang walang anu-ano'y binuhat siya nito sa mga braso gaya ng bagong kasal. Dahan-dahan itong naglakad papasok sa back door habang buhat-buhat siya.

Napatitig siya sa mukha ni Gideon. Seryoso ang tingin nito sa harap. Umikhim siya. "N-Nakakalakad pa naman a-ako. Hindi mo na kailangang b-buhatin pa -"

"Ayaw mong kumalas."

Kumurap siya at napaiwas ng tingin. "N-Natatakot ako."

"Because you've done something that disappoints them, Jewel."

Nakagat niya ang labi. "Is it bad to do the thing that I love the most? Bawal bang sumaya, Gideon?"

Hindi ito sumagot sa tanong niya kaya hilaw siyang natawa. "Forget what happened earlier," bulong niya.

Moonlight Serenade (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon