Chapter 24

285 20 2
                                    

"Wala pa rin si Prof Gideon, Prof Elise?"

Marahang umiling si Elise. "Wala pa, e. Nag-text siya kahapon na stranded siya sa Mandaue. Narinig ko naman sa radyo kaninang umaga na bumigay 'yong underground canal sa isang parte sa Consolacion. Bumaha. Inaayos pa ng otoridad." Bumuntong-hinga ito. "Don't worry. Baka mamaya o bukas, makakabalik na si Gideon, iha."

"Iha?"

Tumawa bigla si Elise. "Sorry, sorry. Sige na, patapos na ang lunch break."

"Okay, Prof. Thanks."

Agad siyang umalis ng Faculty, bumaba sa hagdanan, at malalaki ang hakbang na lumabas sa Administrative building.

Last week pa wala si Gideon. Martes na ngayon, at ilang araw na niyang iniinda ang anxiety attack na nararamdaman niya tuwing nakakasalubong si Simoen o di kaya'y si Sheena sa hallway.

Nagpapasalamat na lang siya at hindi pa kumakalat ang balitang kasal na siya. Hindi nga lang niya alam kung magandang sinyales ba 'yon o hindi.

Mabuti na lang din at simula kahapon, naging mas abala sa court si Simoen. Naaksidente kasi ang dalawang miyembro ng Sky Dragons nang bumisita sila sa Domesticated Forest noong Huwebes. Dalawang block mula sa magkaibang kurso ang kasabay nilang bumisita, at dahil nagpagalingan sa pag-akyat ang dalawa kaya sabay silang nahulog mula sa itaas ng puno.

Mas nagpursige sa pagpa-practice ang varsity lalo na't malapit na ang intercampus competation, at kasalukuyan pa ring nagpapagaling ang point guard maging ang center ng Sky Dragons.

"Miss! Miss!"

Napalingon siya. Isang Professor ang papalapit sa kaniya. "Ano 'yon, Sir?"

Hingal itong huminto sa harap niya at pinunasan ang pawisang noo. "Pakibigay kay Coach Bremas ng Sky Dragons."

Inabot nito ang isang expanded folder.

"Coach Bremas, Sir?"

Nakangiti itong tumango. "Yes. Salamat, Miss." Tumakbo na naman ito palayo.

Nangunot ang noo niya. Bremas. Saan nga ba niya nabasa ang apilyedong 'yon?

Tiningnan niya ang relo at may ilang minuto na lang siya bago ang first subject sa hapon. Tumakbo siya papunta sa gilid, palusot sa pagitan ng Education at Admin building.

Hingal siyang huminto sa harap ng malaking covered court. Binati niya ang tumao sa entrance bago nagtanong. "Nandiyan si Coach Bremas?"

"Oo, Miss. Makikita mo siya agad sa loob. Kung sino 'yong malakas sumigaw, siya na yon."

"Ah, thank you."

Agad siyang pumasok sa loob. Tunog ng sapatos at in-dribble na bola ang bumungad sa kaniya.

"Ano ba, Avila. Focus! Naman, Saavedra! Wag mong sapawan si Avila! Mag-focus kayong dalawa! Nasa iisang team kayo. Ano bang nangyayari sa inyo, ha?!"

Nagko-kumpulan ang Sky Dragons sa malayo. Huminga muna siya nang malalim bago patakbong tinungo ang mga ito.

"Avila, I said cooperate. Bakit ayaw niyong magtulungan? Hindi ito pagalingan, Saavedra! Ang kailangan ko utak! Utak! Nakuha niyo?!"

Huminto siya ng isang dangkal mula sa isang lalaking nakatalikod. Matangkad, pulang buhok, at Labrusca ang nakaimprinta sa likod.

Lumapit siya at kinalabit niya ito. Kunot-noong lumingon sa kaniya ang lalaki.

"Si Coach Bremas?" bagot niyang tanong.

Umikhim ang lalaki at sumigaw. "May naghahanap sa 'yo, Coach!"

Nagiba ang kumpulan ng mga manlalaro. Nakita niya sa gitna ang naka-dekuwatrong Coach at mukhang hindi maganda ang timing niya.

Moonlight Serenade (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon