Chapter 37

252 20 0
                                    

Nag-aagaw na ang dilim at liwanag nang marating nila ang bahay ni Gideon. Agad siyang umibis at malalaki ang hakbang na tinungo ang tarangkahan. Nag-doorbell siya. Tiningala niya ang nagliliwanag na bahay. Masyadong tahimik. May tao kaya sa loob? Pero bukas naman ang ilaw.

Nakahinga siya nang maluwag nang bumukas ang main door. Lumabas si Tang at nang makita siya nito ay humangos na naglakad palapit sa kaniya.

"Maam Laine! Sino ang kasama mo? Ikaw lang ba mag-isa ang nagpunta rito?" tanong nito habang pinagbubuksan siya ng gate.

"May driver akong kasama, Mang Tang. Nasa kotse. Hindi ko na pinasunod. Nariyan si Gideon?"

Minuwestra nitong sumunod siya. Agad siyang tumalima. "Nasa Oslob si Sir Manasseh, Maam."

"But he said that he'll be home tonight."

"Ganun ba? Siguro bumibiyahe pa 'yon, Maam. Masyadong malayo ang Oslob."

Nagkibit-balikat siya at nagbaba ng tingin sa relo. Five-fifty pa naman kaya marami pang oras. "Kukunin ko 'yong buto na tinanim ko, Mang Tang. Nasa'n ho 'yon?"

"A, nasa teresa, Maam."

Tumango siya. "Inalagaan niyo ba, Mang Tang?"

Umiling si Tang at ngumiti. "Si Sir Manasseh ang nag-alaga. Dinidiligan niya araw-araw. At napansin kong mahilig na siyang tumambay sa teresa, nakapagtataka nga. Hindi naman siya mahilig tumambay ro'n."

"I see." Naupo siya sa sofa. "Hihintayin ko na lang siya rito."

Binuksan ni Tang ang telebisyon at inilipat ang channel sa HBO. "Ipagtitimpla na lang kita ng juice, Maam Laine."

"Okay. Thank you."

Ngumiti si Tang bago nagpunta sa kusina. Sumandal siya sa sofa at nanood ng pelikula. Engross na siya sa pinapanood nang mag-ring ang Iphone niya. Dinukot niya 'yon at sinagot ang tawag. Saktong lumapit sa kaniya si Tang at inilagay sa center table ang tinimplang juice.

"Hello," aniya.

"Maam, ipaalala ko lang na malapit nang curfew niyo," nauligan niya ang boses ng driver.

Nangunot ang noo niya at bagot na nagbaba ng tingin sa relo. Six-fifteen. Nanlaki ang mga mata niya. "Y-yeah. Thanks for r-reminding me."

"Ok, Maam." Binaba nito ang tawag.

Nakagat niya ang labi at napahilot ng sentido. Nang makita niya ang mango juice ay kinuha niya 'yon at diretsong nilagok. "Dahan-dahan, Maam," sita ni Tang.

Pabagsak niyang binalik sa mesa ang basong walang laman. "Wala pa ba si Gideon, Mang Tang?"

Umiling ang matanda. Huminga siya nang malalim at mabilis na hinanap ang pangalan ni Gideon sa contacts. Tatlong ring at may sumagot. Kumuyom ang kamao niya at tumayo. "Nasa'n ka na? Kanina pa kita hinihintay sa bahay mo!"

"Turn around."

Sinunod niya ang sinabi nito at nakita niya si Gideon sa entrada ng bahay. Nakalapat ang phone sa tainga at nakatitig sa kaniya. Ngumiti ito. "Nice to see here in my house again, Jewel."

Napairap siya at binaba ang Iphone. "I have my curfew. And I only got 15 minutes to spare. Bakit ba ambagal mo?" inis niyang sambit.

Napailing si Gideon. "Got stucked in a heavy traffic. Have you waited for too long?" Naglakad ito palapit sa kaniya, at nilampasan siya para umupo sa sofa na katapat ng kaniya.

Humalukipkip siya. "I wouldn't freak out like this if I didn't." Pinaningkitan niya ng mga mata si Gideon. Pumipikit-pikit ito na parang pagod na pagod sa biyahe.

Moonlight Serenade (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon